Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!
Ang Iglesia Watawat ng Lahi

isinulat ni Ronald O. Redito

 

 

Una naming pinuntahan ang Iglesia Watawat ng Lahi sa Calamba, Laguna. Ayon sa aming napag-alaman. Ang organisasyong ito ay itinatag noong 1940 sa pulo ng Masbate. Noong ika-25 ng Disyembre, 1946, ito ay umabot sa Laguna. Ayon sa mga naunang miyembro, mayroon daw mga tintawag na banal na tinig na nag-uugnay sa Diyos at mga tao. Naniniwala sila sa iisang diyos na tagapaglikha ngunit hindi kay Kristo bilang diyos kundi bilang isa lamang sugo katulad ni Rizal. Ayon sa kanila naghabilin ang ga banal sa tinig na "magbalik-aral sa mga sulat ni Dr. Jose Rizal" bago ito nawala. Ang Kanilang tatlong basehan ng katotohanan ay ang Bibliya, mga sulat ni Rizal at mga sulat ng kanilang mga master.

Pindutin upang mapalaki!
Ang Iglesia Watawat ng Lahi
harap ng simbahan

Pindutin upang mapalaki!
Ang Noli Me Tangere
Isa sa mga librong ginagawang basehan ng Watawat ng Lahi


Pindutin upang mapalaki!
Ang El Filibusterismo
Isa sa mga librong ginagawang basehan ng Watawat ng Lahi

Pindutin upang mapalaki!        Pindutin upang mapalaki!

Ilang mga larawan sa labas ng simbahan
Ang una ay ang rebulto ni Bonifacio habang ang pangalawa ay ang kay rizal