|
Ang Dapat Mabatid ng mga
Tagalog |
Andres Bonifacio |
|
Spanish Period |
|
|
Itong
Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon
ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa
tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay
nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at
kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at
lalung-lalo na ang mga taga-Japon, sila’y
kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis
ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan,
kaya’t dahil dito’y mayaman ang
kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung
mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng
talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating
ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa
mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y
aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat
ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala
ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila
sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa
talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan
ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa
kani-kanilang mga ugat, at yao’y
inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng tunay
at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa
pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na
“Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at
ni Legaspi na pinakakatawanan ng hari sa Espana.
Buhat
nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon
sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni
Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na
kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog,
kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan;
iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng
tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa
kanila’y pasakop, at gayon din naman
nakipagbaka tayo sa mga Insik at taga-Holandang
nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan.
Ngayon
sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa
nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang
ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating
pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging
dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang
kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at
mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y
lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong
binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal,
pinilt na sinira ang mahal at magandang ugali ng
ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling
pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan
ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y
mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang
nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at
ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, aswa
at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na
pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang
malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan
ng sa hayop na kabangisan.
Ngayon
wala nang maituturing na kapanatagan sa ating
pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating
katahimikan ng umaalingawngaw na daing at
pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng
makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga
kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na
Kastila; ngayon tayo’y nalulunod na sa
nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng
anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng
kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang
kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding
sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon
lalo’t lalo tayong nabibiliran ng tanikalang
nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang
kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang
araw ng katuwiran na sumisikat sa Silanganan, ay
malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong
nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin,
ang liwanag niya’y tanaw sa ting mga mata,
ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng
mga ganid na asal. Itinuturo ng katuwiran, na
wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t
lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran,
lalo’t lalong kaalipustaan at lalo’t
lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, na
huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa
ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at
hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran ang
tayo’y umasa sa ating at huwag antayin sa
iba ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran
ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang isip
at akala at nang tayo’y magkaisa na maihanap
ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag
ng katotohanan; panahon nang dapat nating
ipakilala n tayo’y may sariling pagdaramdam,
may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon
panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng
mga mahal at dakilang ani na magwawasak sa
masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan;
panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog
ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw
na itong dapat kilalanin na sa bawat isang
hakbang natin y tumutuntong tayo at nabibingit sa
malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y
inuumang ng mga kaaway.
Kaya,
O mga kababayan, ating idila ang bulag na
kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang atin
glakas sa tunay at lubos na pag-asa na
magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayan
tinubuan. |
|
|
|
To
print or copy, highlight the selection and
right-click using your mouse. |
|
|
|
 |
|
 |
 |
 |
|
|
|
Everyone is
free to copy and print from this site provided
that the original works of the Filipino authors
remain unharmed... |
|