MAESTRO ELIEZER SAN FELIPEAng Maestro. Kompositor, taga-ayos ng piyesa, ang aming director pangmusikal at konduktor, guro, pangalawang ama, kumpare at ang aming mahal na kaibigan, wala nang iba kundi ang nasa puso ng DLSU Pops Orchestra, Maestro Eliezer San Felipe. |
Si Sir Eli ay ipinanganak sa Cardona, Rizal. Sa murang edad ay naipamalas na niya ang kanyang talento sa musika sa pamamagitan ng pagsali sa banda sa kanilang bayan. Bukod pa sa kaniyang talento sa pagtugtog, nakilala na din siya sa pag-ayos ng piyesa. Sumama siya sa Philippine Army Band at nagtagal siya dun ng labindalawang taon. Sa loob ng mahabang panahong inalagi niya sa Army Band ay nakamit niya ang iba't-ibang rekognisyon at mga awards. Nagpatuloy si Maestro sa pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas. Nag-aral siya ng musika at nakapagtapos bilang isang topnotcher. Tumugtog na din siya kasama ng Metro Manila Symphony Orchestra bilang isang percussionist. Pagkatapos nun ay pumasok siya bilang katulong na konduktor at taga-ayos ng piyesa sa La Salle Greenhills. Kasapi din siya ng Metropolitan Brass Choir at isa sa mga Board of Directors ng Philippine School Band Conductors Association. Hanggang naging band master at arranger ng DLSU Concert Band na siya. At ngayon, siya ang Resident Conductor at Arranger ng DLSU Pops Orchestra. | Siya ang henyo sa likod ng napakagandang musika ng Pops Orchestra. Siya ang sentro ng buhay ng orchestra dahil kundi dahil sa kanyang walang hangganang pag-ibig sa musika, walang DLSU Pops Orchestra ngayon. |