Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

RAISE THE ROOF AT MAYON - NOV. 14, 1998

(note: the editor was in state of complete shock for days and that caused some delays for this article to be made. Special thanks to Mojix for the article(italicized) she made - great help!!! Anyways, Grace's b-day party has its own share of surprises and we can say it's a fun evening. Kung gaano kamasayahin si Grace, ganung -ganon ang atmosphere doon... and so for Grace, dont lose that touch bec. we like it like that)

Another significant, prominent figure in ece-b 2001 celebrated her birthday last Nov. 14, saturday. As usual sumugod sa Mayon(hindi sa bulkan ha! dyan lang sa may Retiro). It's Grace's 19th birthday kaya tara nang makigulo.

First one to arrive??? hulaan nyo!...si Anna lang naman! Hindi pornographic error yan. Talagang nandon siya at ON TIME!(5 PM, sharp, Panasonic at samsung!!)mabait eh! Isa yan sa mga shocking revelations na nangyari. Talagang lahat ng dumating ya nanlaki ang mga mata na animo'y nakakita ng isang kakilakilabot na nilalang, at halos atakihin na sa tiyan s nasaksihan.

Sino pa ba ang mababait?...sina Mark m.(not again)at Rommie lang naman. Tama ba namang paghintayin si MArk sa Metrobank.Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung anong uunahin niyang kakainin...lechon ba o baboy(huh?!)...Buti na lang at nakita niya sina Rommie kung hindi... ano na kayang nangyari sa kanya? Mas mababait naman yung mga nakausap ni Rommie kung ganun kasi sinipot siya...45 mins. late nga lang. Sayang! Hindi pa namuti si Rommie sa kahihintay.

Nag-init na yung upuan ni Ana saka pa lang dumating si Toni. Then came KAte at syempre kasama ako(Mojix). After mga 10 mins. dumating yung grupo nina Rommie, MArk, Donats, Cielo, at Carlo. NAku! Huwag nyong pagtabihin sina Toni at CArlo, baka sumabog.!! Then si Den-den naman, bakit parng bagong gising ata? Tapos, si Jo (o CArlo, hindi ka yata mapalagay?). Dumating na rin yung mga nagkita-kita sa UST at yung mga nang-indiyan kay MArk. Grabe!isang batalyon!!! Kalahati yata ng klase nandun.

Kainan time! Galit-galit ata? Gutom ba? HAy naku! Sa wakas, dumating din si Quennie(grand entrance pa!!)

To make a final rollcall: Anna(finally), Toni, Kate, Mojix, Rommie, Mark, Donats, Carlo, Cielo, Den, Jo(kasama pa rin!!), Quennie, Kix, Teta, Weng, Nino, John-b, Pao, AJ, Kel, Yogi, Ryann, James, Dward, Emman,Cocoy, Kat, Bjorn at Erik...lahat yan perfect attendance!!!

HAlos di pa nakakakain ang lahat nang umalis na si Ana( anuyun, first in first out?) sinabayan nang pang-aasar pa nung mga nakatapos nang kumain. Napatunayan na naman kung gaano kalakas mang-asar ang klase natin. Sino ba? Si Cielo o Cocoy?. A basta kami, wala kaming papanigan...depende kung ano ang mas gusto ni Anna na manliligaw... mahilig bang magbasa, o may tsikot; may 5 parker pens na binali o galing sa section A; Ding-dong-inaki combo o...tama na( we dont like to compare we only like to asar).

Then, the exciting part...TRUTH OR TRUTH(bawal ang consequence). Revelation time!!! Nung una, ginagamitan pa ng bote(for formalities' sake) at nung ayaw sumagot nung mga tinatanong, at kung sumagot man, malayo sa tanong eh naging pasahan na lang. Nung naipasa kay Donats(OH NO!!!), grabe talaga! Aayaw-ayaw pa nung una eh sasabihin din naman pala! Napunta ka tuloy sa HOTSEAT!!Bukod pa diyan, dito na umapaw ang rvelations na noonlamang nalaman. Marami kaming nalaman tulad ng sa Pa----an at... huwag na nga lang. Itanong nyo na lang sa mga kasali para mas maganda, di ba?

Nakakapagod din palang maglaro ng truth or truth, pakitawag nga muna sina wine, Andre at Sanny(as in SAn Miguel) para mahimasmasan naman. Isama mo na rin sina Cake, FC, lechy, etc. para may mga ka-table kami. BAsta ba walang tatawag nung uwak.Here's to our celebrant...CHEERS!!!!

Hulaan nyo kung ano ang best gift na natanggap ni Grace...yung boyfriend niya na biglang dumating... si Joey w/ matching Kiss sa cheeks!(inggit tuloy kaming mga girls).

Around 9:15 its closing time for some of the guests. Kunsabagay, puno nang tiyan, nagkasayahan na,nagkatunggaan na, nagkabukuhan na at nagkabatian na. Pero kidding aside, lahat kami'y nagpapasalamat dahil we had a nice friend in Grace. Lalo na sa mga ngayon lang talagang naging kaibigan niya(like me). And we all look forward to more perfect quizzes and more laughs(magaling talaga siyang mag-deliver ng jokes). STAY KEWL AND FROM ALL OF US AT 3 ECE-B,HAPPY BIRTHDAY!!!! LET'S RAISE THE ROOF.....

My Favorite Links

enchanted journal
baliuag birthday bash
prictures!!!
ece-b 2001 main
sign ece-b 2001 guestbook

Email: funk_ad@hotmail.com