Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

WE'RE TURNING 5 THIS 2003!
    PORTAL SEARCH:    
  PORTAL MENU
  Main
  ECE News
  Technical Journal
  Portal Features
  Corkboard
  For First Timers
  Sign/View Guestbook
  Midi Library
  ECE-B KOMMUNITY
  Our Profiles
  Our News
  Our Features
  Our Pictures
  Our Online Blackbook
  Our Archive
  RESOURCES
  Eng'g Links
  Downloads
  OJT/Career Support
  Papers
  LINKS
  ECE-B Yahoo Group
  Home-Q
  Christina's Bday Site
  ECE-B Calendar
  CLAIM E-CARD HERE
  Send E-Card
This site is powered by:
www.angelfire.com
 
  MAIN >> PURELY ECE-B >> FACE OFF SPECIAL
ECE-B 2001: ANG MULING PAGHUHUSGA NG MGA PINAKA-FACE OFF...
 
Naaalala ko noong mga mag-aaral pa kami sa unebersidad, maraming napapalingon sa aming silid-aralan sa tuwing may napapadaan sa 'corridor' katapat ng pintuan namin. Marahil dahil sa mga pagmumukha naming bukod-tangi ang angking kariktan at kagwapuhan. Hindi ko sila masisisi dahil isang katotohanan na ang mga taga-ECE-B 2001 ay hindi lang nabiyayaan ng matitinding utak (utak-ihinyero talaga) at sex appeal, kundi lubus-lubusin na natin, nahandugan din kami ng grasya sa aming mga mukha dahil karamihan sa amin, may potensyal na maging artista, puliiko, atleta, o kahit anong sikat na pigura, kahit sa itsura man lang ng aming mga mukha! Meron kaming mga Star Circle, merong singer, komedyante, banyagang artista, maging cartoons meron kami! Na-intriga ka ano?! Ano ba ang pingsasabi nitong webpage na 'to??! Makatotohanan nga ba o isang eksaherasyon ng imahinasyon?

Eto na ang pagkakataon lalo na ng mga panauhin natin sa ECE-B 2001 Portalet, este Portal (ginawang cubicle naman ng CR oh!) para makita sa kanilang sariling dalawang makikislap na mata ang ibig ipatunayan ng may akda. Inihahandog namin ang ECE-B 2001 FACE OFF!!! Hindi lang kayo manonood, maaari pa kayong manghusga kung sino ang lehitimo at sino ang hindi sa mga magkakabiyak na bunga ng aming klase.

Para bumoto, piliin lang ang 'rating' sa inyong pananaw ay tama lang sa naturang magkapares. Ang 'rating' ay may bilang na 1 hanggang 5, 1 ang pinakamababa at 5 ang 'mirror-image' o ang pinakamataas na marka. Bigyan nyo ng grado o marka ang bawat pares. Hanggat maaari, kumpletuhin ang form sa ibaba, at piliin kung ikaw ay taga-ECE-B 2001 o isang panauhin ('guest'). ok? OK!

TAGA ECE-B 2001
LUKALAYK NI...
ISKOR MO / MGA KOMENTO
Jo
JO
Ara Mina
Ara Mina

Si Jo at ang kanyang kabiyak na bunga na walang iba kundi si Ara Mina. Meron pang ibang kahawig si Jo, katulad nina Sharmaine Arnaiz at Michelle Branch. Ano sa pananaw mo?!
A-nge-nge!
JAY-R/CIELO
Dingdong Avanzano
Dingdong Avanzano

Siya na siguro ang may pinakamaraming kamukha sa lahat ng miyembro ng ECE-B 2001. Diumano, kahawig din nya ang mga sumusunod: Dingdong Dantes, Beaver Lopez, Baron Geisler at si Dexter ng Dexter's Laboratory. Pero si Dingdong ang pinaprominenteng kahawig nya kahit saang angulo mo tignan. tsk tsk.. Kawawang Dingdong!...
Roderick
RODERICK
Patrick Garcia
Patrick Garcia

Si Roderick, AKA Adik (sa bilyar dati), ay madalas napagkakamalang si Patrick Garcia AKA Carlo ng TV commercial ng isang sikat na hotdog.
Raphy
TSUH PAENG
Paolo Contis
Paolo Contis

Si Raphy, ang aming tinaguriang Tsuh Paeng na may paniniwalang ang mga bato sa Look ng Maynila ay lumulutang, ay nakakapalitang mukha ni Badong ng Tabing Ilog.
Pol
POL/PROF
Matthew Mendoza
Matthew Mendoza

Close Up smile naman dyan! Yan ang aming killer smile equivalent, si Prof!
AJ
AJ
Amanda Griffin
Amanda Griffin

Nakita nyo na siguro si AJ sa TV sa isang soap opera. Pero hindi nyo ba alam na dati rin siyang nakikita sa commercial ng Carefree atsaka sa Channel V Philippines?! Siguro lumalabo lang ang mga mata nyo pati utak dahil di nyo na matandaan...
Kat
Kat-Kat
Claudine Barretto
Claudine Barretto

Maaaring on-cam si Rico Yan ang madalas nyang makasama, pero ang hindi nyo alam, si 'Allan Paule' ang nakakakuha ng mas maraming pogi points sa puso niya kaya hit na hit sila off-cam!
Erik
Erik
The Magician
Efren 'Bata' Reyes

Kung inaakala nyong laging nasa labas ng Pilipinas si Bata dahil sa iba't ibang billiards tournament na sinasalihan nya, aba eh dyan kayo nagkakamali dahil araw-araw naming nakakasama ang kahawig daw niya na si Erik. Pero hindi dyan nagtatapos ang istorya dahil patuloy ang pakikipagsapalaran nya sa world ranking sa billiards dahil nandito din ang matinik nyang katunggali...
Rye
RYANN
DJango Bustamante
Django Bustamante

Tumpak! Ang dalawang pinakamahuhusay at nagpakadalubhasa sa bilyaran ay nasa ECE-B 2001, dahil si Django ay madalas ding paroo't parito noon sa aming silid-aralan (at sa silid aklatan kung suswertehin ka!hehe)
Greta
Greta
Katie Holmes
Katie Holmes

Si Joey na kadalasang isang oras nyo lang nasasaksihan sa 'Dawson's Creek' ay nakakasawang pagmasdan dahil halos hindi siya umaabsent sa iskwela. May Tabing Ilog na tayo, may Dawson's Creek pa!
Gerry
DODENG/GERRY
Bosing
Vic Sotto

Para ka na ring live audience sa Eat Bulaga kung magpatawa itong aming in-house payaso na si Gerry AKA Dodeng.
Paolo
PAOLO
Shaggy
Shaggy

Pati kathang-isip ng mga cartoonist meron kami! All star cast di ba?! Scooby dooby dooooooo.... zoinks!
Donats
ALLAN/DONATS
Chito Miranda ng Parokya ni Edgar
Chito Miranda

"Sayang.. Bakit hindi kita niligawan.. Kasi naman tatangatanga pa ako noon..." Sino pa nga ba kundi ang inyong lingkod! Ninais ko ring mag-sky diving pero baka tangayin kako ako ng hangin.
Cocoy
COCOY
Marvin Agustin
Marvin Agustin

Hindi nyo siguro alam ito pero maraming sideline si Marvin sa katauhan ni Cocoy. Siya ay nangongolekta ng kahit anong uri ng resibo, pati Mister Donut malamang hindi patatawarin!


Sa wakas, sa sobrang dami akala ko hindi na matatapos! Sa dami ng pinakita ko sa inyo (actually tip of the iceberg pa lang yan!) siguro naintindihan nyo na ang nais kong sabihin, na sa ECE-B 2001, malulula ka sa dami ng bituin! Wag kang matutuliro ha, at magpakuha ka na ng otograp. Pero bago mo gawin yan, sagutin mo muna ang form sa ibaba...

PANGALAN/NAME:

EMAIL ADDRESS:

PUMILI NG ISA:




Salamat sa mga gradong binigay nyo, sa susunod na taon, abangan nyo ang resulta ng mga boto nyo dahil ilalathala namin dito sa website na ito ang kabuuan ng mga boto.

O, pano? Hanggang sa muli ha! Abangan mo na lang kami sa telebisyon o sa pelikula.



 Back to Top