CHARGER PALADIN / CHARGEDIN

Ang paladin na ito naman ay gumagamit ng CHARGE bilang main attack. Ang charge ay nagkakahalaga ng nuebe(9)(nine),(sham) na mana, at dahil dito kinakailangan ng chargadin ng mga nasa 60-80 energy o 200 na mana para di agad maubusan ng pang charge, isang paraan din ay ang paggamit ng mga singsing na may % stolen per hit o "Leech rings" para mabalanse ang mana. Isa pang skill na kadalasang ginagamit ng charger ay ang VIGOR para bumilis ang takbo at mapabilis ang proseso ng pag-ubos sa kalaban. ang Chargadin ay kadalasan din makikitang ginagamit lamang sa pag-dwelo dahil mahirap na i-charge lagi ng isa-isa ang bawat maliliit na kalaban sa computer (except sa boss) at epektibo rin ang charge sa dwelo dahil na na knock-back nito ang kalaban at naka i-istun na pwedeng makapanalo ng hindi man lang nagagantihan, pero mag-ingat, pag nagcharge ka at nayelo ka ay babagal ang takbo mo at mala-lock ka na tumatakbo at pwede karing combohin ng ganito.