Binansagang pinakabobong legend, dati ay super duper walang silbi si longtooth, naalala ko hinamon ko pa si tasyo arah laban ke longtooth... taob si longtooth, masmalayo range ni arah masmabilis pa sha tumakbo... napagkaalaman kong bobo nga si longtooth... pero nabilib din ako ng Rumesbak si pareng Greyback! kung maibabalik ko lang! hinabol ni greyback ang berdeng full health na si arah, taob si loko, pinadala ni tasyo si otomong nakasakay sa kabayo, kahol si greyback, sabay bayo, laglag sa otomo, laban ung dalawa, panalo si greyback, dilawan lang, Da best! Pero Dati un. Dahil sa mga patch, inayos na nila ang kahinaan ni longtooth, at sa winter of the wolf, balanse na si longtooth, masmalayo ng kaunti, o halos parehas na ang range nila at ng Ballistaman, solid na ang kanyang tama. Nagde-deal sha ng Magic damage (hhaa?) paglongrage at melee, kaya maganda shang panapat sa mga staff adept, diseased one, ronin at samurai kapag malayo sha. Mahina naman sha sa magical at blunt na damage, kaya ilayo sha sa mga Mauler na me depensa sa magic at nagdedeal ng blunt. Me Ability shang napapatagos ang kanyang Beyblade na Kaboomerang sa mga kalaban at buliding, bawat shot nababawasan ng kaunti ang kanyang stamina. kaya maganda shang ipang depensa sa mga base, tayo mo sha sa baba, tapos lagay ka ballistaman sa mga watchtower na me upgrade na "King of the Hill" na nagbibigay Deals more damage na bonus kapag nasa masmataas silang plataporma... gaya ng pagnasa watchtower. Itayo si longtooth at pinditin ang "N" para dun lang sha, tsaka babatuhin nya na lahat ng nasa range, tapos "B" para magaktibate ang ability, pwede na sha iwanan, kasi di naman nauubos stamina nya hanggang di sha tumitira.