Ang Mauler

Ang huli sa Tatlong 1st Tier na tauhan ng Wolf at ang Paboritong pangrush ng mga... nang Ra-rush, Ang Mauler ang pinaka "Efficient" na tauhan ng Wolf clan. Kaya nyang talunin sa One-on-one ang kahit sinong 1st tier na unit ng Lotus... kaso medyo hirap sya sa staff adept, pero panalo parin. Nagde-deal sya ng Blunt damage, gaya ng Hurler, at nagagawa nyang mapaluhod ang mga letseng unclean one. Malakas ang mga Mauler sa Building, kaya perpekto syang pangrush, pero madali silang matalo kapag nakapagpalabas na ng Infested One ang kalaban, kaya minsan ay sinasamahan nila ng Druidress ang mga Mauler. Sabi dun sa nabasa ko, ung mga Mauler daw binebless dati ng mga Lotus para makapagtrabaho ng doble pa sa bilis ng normal na wolfslave, at kinadena sa mga malalaking batong Boulder para di makatakas, pero nung nagaklas na ung mga wolf ay nagulat ung mga slavemaster na nakayanan ng buhatin ng mga mauler ung mga boulder na nakakadena sa kanila... durog ung mga kalaban for short. Me Battle Gear naman silang tinatawag na "Wrecking Ball". Umiikot ung mauler at madadamagean lahat ng matatamaang kalaban hanggang maubusan sha ng stamina, perpekto para sa mga sitwasyong papakuyog mo ung mauler. Maganda ang depensa nya sa Fire at magic Damage. Laging ginagamit ni Leo tong tauhang to... bakit kaya... MAUler...?