Me Expansion na ang Warcraft 3! pinamagatang, Frozenthrone! wala pa masyado balita, me mga pakita na sila sa website ng blizzard, puntahan nyo nalang ung link, me mga bagong hero, ung Crypt Lord sa undead, warden daw sa nightelf, bloodmage sa human, at ung TROLL SHADOW HUNTER sa ORC (yang nasa picture), me nabasa ko mga skills daw ni shadow hunter ung healing wave, parang chain lightning na nanghe-heal naman, hanggang lima ung napapasahan, pahina rin bawat talon nung wave. Tapos ug isa pa ung totem din, gaya nung sa mga Witch doctor, totem na nagbubuga ng apoy, parang maliit na watchtower, kaso isang daan lang buhay kaya madali masira, tapos ung pag level six nyang ability daw ung VooDoo, na magiging invulnerable lahat ng kakamping nasa screen, kaso sya lang ung matitirang vulnerable, tsaka paggumalaw sha masisira ung spell (gaya nung earthquake, blizzard, starfall...) kaya delikado, kasi sha na agad ung tututukan ng mga kalaban... eyon, tignan nyo nalang website nila, dami pa dun impormasyon, tsaka sabi ni leo, me DIABLO 3 na daw, lam naman nating di tayo dapat maniwala... pero malay mo...
Website ng Blizzard sa Frozen Throne! (makulay to!)
Pabalik sa mga larong ating kinagigiliwan!