Ang Zealot naman ay gumagamit ng ZEAL bilang pangunang atake, kasama ng FANATISM. Kung papansinin ay medyo mahina ang Zeal kumpara sa ibang skill, munit ang Zeal din naman ang pinaka maganda sandata ng paladin laban sa mga batalyon ng kalaban. Mahahalata din na hindi ganoon kaganda ang zeal sa isang dwelo kaya kadalasan lang din na makikita ang isang Zealot sa single player na laro o kung sa isang grupo sa multiplayer. Ipinapayo ko lang na subuking magpalakas pa ng isa pang atake para sa boss kung ikaw ay magiging Zealot. Medyo mahihirapan ang isang Zealot sa HOLY SHEILD dahil nakakaputol ng hits ang pangblo-block munit mas mabuti rin namang maka block at maputol ang Hits ng Zeal kaysa hindi makablock. Maganda ring gumamit ng "Leech Rings" para mabalanse ang buhay, kahit madamagean ka ay babalik lang uli ang buhay/mana mo.