Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

[ Tagalog : Love ]

:: 1 : 2 : 3 : 4 : 5 : 6 :7 :

One of the worst questions a person ever asked me: “akala ko ba you two have a thing going on?” then I looked down and said, “akala ko rin e… I was wrong pala…”

 

Muntik ko nang ipagtapat sayo ang nararamdaman ko nung magkasama tayo...muntik ko na sabihin na mahal kita...pero nung sasabihin ko na...napatigil ako dahil naalala ko sha pala mahal mo...

 

Minsan, pag mahal mo, kahit may nakikita ka ng mali, tahimik ka lang. Kahit sobrang sakit na, tahimik ka pa rin… kailan ko kaya masasabi sa yo na mahal kita at sinasaktan mo 'ko? 

 

Sabi nila, pag mahal mo yung tao, gagawin mo lahat para sa kanya. Maghihintay ka, ibibigay mo lahat, titiisin mo lahat, kahit para sa kanya, kaibigan ka lang… 

 

Takot ako mawala ka… di ko alam kung bakit… di sa hindi ako mabubuhay ng wala ka… kundi, takot akong dumating yung araw… na mahal pa rin kita… kahit wala ka na! 

 

Sabi mo mahal mo 'ko. Sabi mo rin seryoso ka. Nag- promise ka pa nga di ba? O, un naman pala e. pero bakit di tayo? Ah siguro… kasi andyan sya?! At mas mahal mo sya, di ba? 

 

Lam mo bang halos mamatay ako sa sakit pag umiiyak ka ng dahil sa kanya… pero lam mo naiintindihan kita kung bakit mahal mo pa rin sya kahit na sinasaktan ka nya… kasi mahal din kita kahit sinasaktan mo ko… 

 

Everytime you cry for the one you love, I often think: Mahal mo sya talaga. Not knowing that while you're cryin', I also cry secretly sayin: Di ba pwedeng ako na lang mahalin mo? Kahit saglit lang…

What if narealize mong hindi pala? What if narealize mong ako pala talaga? What if nung time na yun may mahal na akong iba? And narealize ko din na hindi talaga tayo para sa isa't- isa? 

 

Nagmahal ka na ba pero inakala mong mali? Pero nung handa ka nang iparamdam… bigla ka nyang iniwan...

 

Minsan nasabi mo na ba sa sarili mo na tanga ka? Na la kang silibi? Na makitid ang utak mo? Na baliw ka? Haaay… di ba nasabi mo yan nung di ka mahal nung mahal mo? Hirap talaga pag kaibigan ka lang noh? 

 

Sabi ko nang umalis ka "Kaya ko to". Sabi ko nung may iba ka ng mahal, "Pakialam ko". Sabi ko nang nakita ko kayong magaksama "Basta masaya ka". Sabi naman ng puso ko "Kaw kasi ma-pride. Dapat pinaglaban mo" 

 

I always thought that you feel the same way I do… I was very happy but when I turned back I saw you with someone else, then I asked you, "bakit mo ko pinaasa?" you said, "di kita pinaasa, mahal kita… magkaibigan tayo, di ba?" 

 

Masakit magmahal lalo na kung iiwan ka lang nya… pero alam mo? May mas masakit pa dun… pag iniwan ka nya sabay sabi… "Sorry, akala ko kasi mahal kita eh…" 

 

Bakit ganun? Di mo maiming mahal mo sya? Pero nasasaktan ka pag may kasama siyang iba… ayaw mo ba talaga sa kanya o baka natatakot ka na malamang mahal mo sya pero iba naman ang mahal nya…

 

Bakit ganon? Hindi pala lahat ng akala mo totoo noh?! Kasi akal ko di kita mamahalin pero, mali pala ako at nung inakala kong minahal mo ko… ni minsan, di pala nagkatotoo…

Mahal nya ko, pero d ko sha mahal kc kaw mahal ko...pero mahal mo sha d ka naman nya mahal kc may mahal shang iba...mhal nya ko, mhal kita, mhal mo sha...db pwedeng mahal mo ko, mahal kita tapos bahala na cla? 

 

Cguro nga di lahat ng oras asa tayo sa mga pangarap naten..masasaktan lang tayo kasi hindi lahat ng pangarap para sa atin,di lahat dapat matupad..parang ako, pangarap kita... hanggang pangarap lang...

 

Miss ko na mga oras na magkasama tayo, yung kwentuhan ntin at kulitan, gusto ulit kitang makasama… pano yan?! Kailangan pa ba kitang ipagpaalam sa kanya kahit na dati'y akin ka?

 

Masakit maging KAIBIGAN ng taong mahal mo. Hindi mo alam kung saan ka LULUGAR, di ka dapat UMASA o di kaya… MAINIS sa kanya… bakit… anong KARAPATAN mo? "KAIBIGAN" ka lang di ba?

 

Mahal kita, mahal mo siya. Siya naman di ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo...tanga ka at siya naman, manhid....parang tayong dalawa...yun nga lang...ako yung tanga at ikaw naman yung manhid...

 

Kung mahal mo raw, ipaglaban mo. totoo ba yon? paano kung hindi ka niya mahal? anong ipaglalaban mo? isang pag-ibig na ikaw lang ang nakakadama? mahirap yata yon ah!!! kaya mo ba? pero pag mahal mo talaga, kakayanin mo di ba?

 

Sana pag nakita mo na yung taong mahal mo, huwag kang magpakatanga, wag kang magpakamartir, wag kang magpakagago...ayokong makitang nahihirapan ka...tignan mo nangyari sa akin nung minahal kita....

   

            [ quotes ]

            [ home ]