Kristine
Hermosa
Sa nalalapit na debut party ni Kristine na gaganapin sa main lounge ng Manila Polo Cebu sa Forbes Park, Makati City ay heto na ang mga ilang detalye sa 18 roses and 18 candles. Parehong di pa kumpleto ang 18 roses at candles dahil hindi pa raw nagko-confirm ang ibang sinabihan na. Si Jericho ang napiling escort ni Kristine at ng kanyang mga magulang dahil nakita nilang si Echo lang daw ang close sa kanilang anak at nakitaan nila ng kabaitan ang kalabtim ni Yna na si Angelo sa teleseryeng, Pangako Sa 'Yo. Maraming
pinagpiliang maging escort, pero si Jericho ang ibinoto
ng marami.
|
Samantala, may inaasam-asam
na 'regalo' si Kristine ngayong 18th birthday niya at
umaasang sana makamtan niya. "Matagal
ko nang gustong magkaroon ng driver's license, 'coz I
want to drive my own car na. Although I have a car, but
it's too big for me kasi it's a van which I use for my
shootings and tapings. "I
also want diamond, us a gift from my parents. Kung sa
kaibigan, puwede rin as long na girl ang magbigay. Kung
lalaki, sana walang kapalit or else, I won't accept it. Pero kaagad naman itong sinalo ng kanyang mommy MAI HERMOSA na umupo rin sa presidential table na, "pupuwede naming ibigay ang lisensiyang hinihingi niya, pero di pa rin namin siya papayagang mag-drive dahil parati siyang puyat at pagod, baka maaksidente lang siya. May driver pa rin siya dapat." Tatlong mamahaling gowns ang isusuot ni Kristine sa kanyang party, isang white gown na gawa ni RANDY ORTIZ ang isusuot niya sa pagtanggap ng mga bisita. Isang aqua blue gown naman para sa main party at isang greyish blue para naman sa disco dancing na gawa naman ni PAOLO BASA. Kung
hindi kami nagkakamali ay sagot ng Maxi-Peel Exfoliant
ang isang gown ni Tintin at Street Jeans naman din ang
isa at Illustrazzio Bags ang isa pa. |
"As far as I know, wala
naman akong masyadong hinihinging pagbabago. Tingnan na
lang natin kung may mababago dahil nasanay akong lahat ng
decision makings ay sa parents ko pa rin manggagaling. "I'm very dependent kasi sa mom ko, unlike my ate Kathleen na very independent na. So, I guess, di pa rin ako puwedeng lumabas na di kasama ang sinumang member ng family ko or kuya ALLAN REAL. "When it comes to boyfriend, wala pa rin 'yon sa isipan ko 'coz, I'm still enjoying my career," pagtatapat pa ni Kristine. Kadalasan sa isang debut party ay boyfriend ng debutant ang kanyang escort o magiging boyfriend pa lang. "Ganu'n? Pwes, iibahin ko, hindi ko boyfriend si Jericho at hindi ibig sabihin na porke siya ang pinili ko ay kami na. "I must admit that we're very close, he's special to me in a sense na he's my closest friend among the guys in showbiz but it doesn't mean na I like him as a boyfriend or would-be boyfriend. "I'm not closing my doors, but as of now, wala sa isipan kong mag-boyfriend. He's not courting me, so to all the tsismis na kumakalat, that's my answer na. "We're close kasi, we share some personal problems and especially experiences. He's like a kuya to me, very protective and he knows my tantrums, and I know his tantrums too, kaya siguro nagja-jive kami. But were not 'on'," paglilinaw ni Kristine. Ni Reggee Bonoan |
PRESS THE BACK BUTTON TO GO BACK