Articles
<<back to Articles
Maricel Soriano's Interview at The Buzz (After winning the coveted 2003 MMFF Best Actress Award) December 28, 2003 CRISTY FERMIN: At ang pinakamalaking tagumpay ng gabi. Ang pinakaaabangan. Ang nakakuha ng tropeo bilang pinakamahusay na aktres. Maricel Soriano: Maraming maraming salamat po.Buti na lang hindi ako umuwi (laughs). Ahm... sa bumubuo po ng ah... Manila Film Festival, marami pong salamat sa inyo. Sa... mga kasama ko po sa pelikula. Sa staff and crew. Maraming salamat. Sina Manny Palo. Si Gary. Si Julius.Ang amin pong nanay, Armida Siguion-Reyna. Ang akin pong mga kapatid. Richard Gomez, Dawn Zulueta, Aiko Melendez, Victor Neri, Wendell Ramos. At syempre sa amin pong direktor Joel Lamanagan direk... maraming marami pong salamat for bringing out the best in me in this movie. At syempre po sa dalawang lalaki na nagmamay-ari ng puso ko. Ang dalawang anak ko. Si Marron at si Tien. Cristy: Isang masayang pagtatagumpay sa gitna ng isang tahimik at di gaanong maintrigang pagtatapos para sa isang malaking festival BOY ABUNDA: 2003 Metro Manila Film Festival Best Actress Maricel Soriano! KRIS AQUINO: Yehey! MARICEL SORIANO: Hello! Boy: Wow. Merry Christmas, Happy New Year and Congratulations! Maricel: Thank you. Thank you. Boy: Please (referring to the seat) Kris: The beautiful Boy: Di ba? Kris: First of all tanungin muna natin kasi youre (to Boy) commenting the Filipiniana gown. Boy: Ganda! Kris: Unique eh. Ang ganda at ang slim mo at ang haba mo. Who made it? Maricel: Tumangkad ba ako Kris? (laughs) Kris: Super! Boy: Tumangkad. Kris: Sino yon? Maricel: Si Inno. Inno Sotto. Kris: Ganda no Boy? Boy: Inno. Maricel: Lagi namang si Inno. Kris: What color was that? Maricel: Ahh.. Kris: Parang saphire blue sa TV pero di ko alam yung Maricel: They call it teal or something. Parang ganon Kris: Ganda! Boy: Parang gusto ko ang tunog. Sosyal no? Kris: Teal! Boy: Inno, hellow! (laughs) I wanna go I wanna go into your first line: Buti na lang hindi ako umuwi. Bakit? Kris: Pauwi ka na sana talaga? Maricel: Pauwi na kasi sana ako dahil ang alam ko tapos na. Boy: You were not expecting at all. Maricel: Hindi talaga. Hindi talaga. Kasi tayo mga artista hindi ba, lagi naman nating ibinibigay ang lahat na ng kaya natin or yung kakayahan natin sa paggawa ng pelikula hindi ba? So kumbaga ito, isang napakalaking bonus na lamang sa atin hindi ba?... Boy: Right. Maricel:...yung magkaroon ng award. Boy: Kris Kris: Hindi aminin natin Boy, kasi hindi naman siya talaga favorite ng mga juror eh. (Maricel laughs) Tayo favorite natin siya. Pero most of the time nao-overlooked siya talaga. Maricel: Maliit kasi ako (laughs) Kris: Hindi ah! Boy: Hindi naman. Ah you know mga kaibigan everybody was talking about that highlight that you have in the film. Yung breakdown scene. I havent seen the movie, but I promise to watch it tonight. Uhmm, ano yun? Can you talk about that scene. What is it? Maricel: Madami kasing ano eh, hinananakit si Yolanda sa kanyang puso. Kumbaga sa mga kapatid nya. Lahat. Hindi niya masabi. Nagkaroon sya ng pagkakataon kanya lang parang kumbaga hindi nya sinasadya na na nung Bagong Taon na yun, dun pa niya nailabas ang kanyang sama ng loob. Boy: Is that is that a monologue? I mean Maricel: Its a monologue. Boy: Wow! Im looking forward to that scene. Kris: Direk Joel brings out the best in her. Maricel: Yes. Yes I agree. Boy: Joel is an actors director. Kris: Totoo. Boy: Tutok na tutok di ba? Maricel: Oo. Boy: May mga hindi ka Alam mo sa mga awards night kaibigan, ang akala po natin napakadaling alalahanin lahat ang ating mga dapat pasalamatan. Pag kayo po ang nasa entablado na wala. Black out. May mga dapat pasalamatan ka? Maricel: Syempre unang una non, nung nasa likod ako nung tinawag nga ang pangalan ko na hindi ko narinig. Naku hindi ko narinig? (Boy laughs) Ano ba yun? Hindi ko talaga narinig. Dahil narinig ko na lang yung sigawan. Tapos niyayakap na ko. Tapos tinutulak nila ko. Bakit ako tinutulak? Hindi ko nga alam. Tapos sabi ko, Naku Diyos ko eto na pa yata. Nasabi ko yun. Nagpasalamat ako kay Lord nasa likod pa lang ako kaya ang tagal kong nakalabas. Boy: Ok Maricel:So siya ang una ko talagang napasalamatan. Although hindi ko nasabi sa ano meron naman kaming understanding. Boy: May personal na relasyon ika nga. Maricel: Meron naman kaming personal na relasyon. Boy: Ok. Maricel: At saka syempre nagpapasalamat ako sa VIVA sa pagkakataong muling makagawa ng pelikula. Boss Vic maraming maraming salamat ulit after Saan Darating Ang Umaga, eto na naman ako sa Filipinas ngayon, at nagwagi akong muli. Maraming salamat sayo. Boy: Youre manager Maricel: And of course my archangel Boy: Whos my very good friend. Maricel: My archangel. My gladiator. Wyngard Tracy. Salamat Wyn sa lahat ng mga advise mo sa akin. Sa lahat ng pagmamahal na ipinakita mo sa akin. Uhm nag-iisa ka talaga. Yun lang ang masasabi ko at mahal na mahal kita. Kris: I just wanna ask this. Nakaka-thrill pa bang manalo Ate Mary? Me may ganong feeling pa rin ba talaga na regardless of Boy: All the awards. Kris: Oo e ilang shelves yun ng awards na meron ka di ba? Pero pag nananalo..yung feeling and lalo na lahat ng nakasabay mo, yung mga co-nominees mo, sobrang talented lahat din. Maricel: Syempre lahat ito. Lahat ng mga nominado. Lahat lahat kami nagpapasalamat at naging nag kumbaga kasama kami di ba? Na-nominate kaming lahat. Kaya lang nga sabi nga nila sa isang awards night eh isa lang daw ang mananalo o kung minsan dumarating yung pagkakataon na nagiging tie. Hindi ba? Pero syempre lahat po ito dahil nominado parang lahat po kami nanalo. Boy: Ang dalawang taong nagmamay-ari ng iyong puso. Maricel: Ay syempre yung mga anak ko. Boy: Di ba ang ganda ng iyong pagkakasabi dun. Alam mo..uhm.. damdam na damdam di ba? Yung uhm you dedicated the trophy to your children. Maricel: Syempre si Marron super saya yung anak ko. Syempre sabi sabi nya, Mama, Im so proud of you. Syempre di ba bilang nanay eh ang hirap ipaliwanag Kris: Yun yung words na hinihintay mo parati Maricel: Oo tapos ibang iba Naku scoran nyo ba ko? Hellow? (laughs) Ano ba yan? Wag kayong ganyan please. Baka mag kalat ang mga make-up. (laughs) Kris: Di ba Ate Mary totoo yun ? Maricel: Oo Kris: pag nanggagaling sa anak mong Im so proud of you, yun talaga eh. Boy:Yun yun eh. Maricel: Tapos si Tien na 10 years old sasabihin sayo, Mama, you look so beautiful and youre my Diamond Star. (applause) Kris: Ooooh.. Boy: Those are the words di ba? Those are the words. Maricel: Syempre wala na akong di ba wala na akong buto. Napaupo na ko. Kris:Oo. Boy: Manghihina ka talaga. Maricel: Manghihina ka talaga. At yung tanong mo kanina Kris kung nakaka-excite pa rin? Oo. Parang may kuryenteng dumadaloy sa iyong buong katawan na hindi mo alam kung ano ang mga katagang bibigkasin mo para magpasalamat sa kanilang lahat (applause) At lalong lalo na sa mga fans. Sa mga kaibigan kong tinuturing. Mga fans na walang patid ang kanilang pagsuporta sa akin hanggang sa ngayon. Maraming salamat sa inyo. Syempre isa na dyan si Alodia. Maraming salamat sayo Alodia. At sa lahat ng mga nasa internet. Hellow sa inyong lahat. Boy: Ako nais ko ring sabihing uhm, maraming salamat. Maricel: Maraming salamat. Boy: Salamat, salamat. Maraming salamat. Kris: She should be holding this (trophy). Boy: I know. Maraming salamat. Maricel: Again? Kris: Ilan ang ganyan mo na Ate Mary? Maricel: Pangalawa ito. Kris: Ay wow! Boy: 1997 actually yung kanyang uhm, unang uhm, MMFF. Kris: So six years after. Boy: Di ba? Maricel: Oo matagal na panahon na. Boy: Thats right. "Nasaan Ang Puso?" di ba? We love you and congratulations. (applause) Maricel: Thank you Boy. Kris: God has been so good to you. Maricel: Thank you Kris. Sa staff nyo maraming salamat sa The Buzz. Boy: Thank you for finding time to be here with us today. Maraming maraming salamat. Kris: Thank you Ate Mary. Maricel: Thank you. Boy: Mga kaibigan, "Filipinas". Filipinas, still showing. Maricel: And of course Id like to thank Lucy Quinto. Nanay I love you. Boy: Ok. Maraming salamat. At nanay na rin lang ang napag-uusapan, birthday ng aking nanay sa January 1. Kris: Oo, happy birthday! Boy: Nanay, nanay Ising (?) Happy Birthday! Maricel: Daddy ko birthday din. January 1. Boy: Ay sabay? Maricel: Yes. Boy: Were connected. Kris: Wow! Maricel: O di ba? Kris:____ may connection kayo. Boy: Mabuhay ka, Maricel Soriano! Kris: Ate Mary! Maricel: Kris thank you. Kris: you can feel the joy eh Boy: I know. Kris: Ang sarap to be with somebody na ganyan yung joy dahil mararamdaman mo joyful ka na rin. Maricel: Ang sarap ng feeling na may me.. malaman mo na me mga taong masaya para sa kaligayahan mo. Kris: Oo naman. Boy:Correct. Because youre not only a brilliant actress. Youre also a beautiful human being. Maricel: Thank you boy ha. Kris: Ate Mary will be with Sharon later on Boy: Coming from __________ wag mong paiyakin (laughs) Kris: Oo. O di ba? Boy: Mga kaibigan Kris: Shell be there. Sharon. Immediately after Boy: Yes after The Buzz. Kasama po si Maricel Soriano sa Sharon. Wag po kayong aalis. Maricel: At sana po lahat ng hindi pa nakakapanood, manood po kayo Boy: Filipinas Maricel: matutuwa po kayo sa Filipinas. Maraming pong salamat sa lahat ng nanood din. Boy Abunda: Mga kaibigan wag po kayong aalis, magbabalik pa po Boy & Kris: Ang Maricel: The Buzz! (laughs) (applause) *off-screen Boy: God knows naman you deserve that . -end-
home
fans forum
©2002 Diamond Star Online. All Rights Reserved. Email us at montecillo2000@lycos.com