Election after election, constitution after constitution, Edsa after
Edsa, we, the great masses of the Filipino people, sink deeper into hopelessness,
our poverty increasing tenfold, our problems as a nation getting more
and more insurmountable. Ours was the earliest effort in establishing
democracy in this part of the globe. Our press was even considered the
freest in Asia before. Our elections have been most vibrant and colorful.
The Edsa revolts have awed the world and inspired similar mass mobilizations.
Meanwhile, many of our people have been pushed into despair and have
already joined armed revolutionaries of varied orientations and persuasions.
We, Filipinos, are not lacking in democratic passion nor in our yearning
for reforms. But despite this, the Philippines remains in a pitiful state.
The country is rated one of the most corrupt in the world with some P150
billion of the nation's budget each year going to the pockets of crooked
government officials and their cohorts annually. This amount is enough
to sustain a bold agrarian reform and housing program for the toiling
masses that could be the most powerful engines of economic and social
reforms in our society. With this malignant corruption in the bureaucracy,
the government's resolve and moral ascendancy to enforce the law and maintain
peace and order have been dissipated.
Lawlessness and crime strike fear in the hearts of our people, wreaking
havoc on the economy and causing massive capital flight. Those of us who
have less in life suffer the brunt of economic hardship and social unrest.
Thousands of our countrymen continue to toil and slave in foreign lands
because of poverty and lack of opportunities in our own country.
Among those of us who remained in the country, some 5 billion abled-bodied
fellow Filipinos are jobless and some thirteen million countrymen fight
hunger on a measly budget lower than P23.00 a day.
We, the Filipino masses, are continuously looking for ways by which we
can liberate ourselves from poverty. In general, we, Filipinos, have rejected
change by violent means particularly that which pits Filipinos against
fellow Filipinos.
We, Filipinos, must first have a common basis of unity even if we decide
to debate what better ways we can bring peace and prosperity to our country.
We must continue to believe in democracy. We, the people, have
the basic right to express ourselves freely and participate in activities
that seek redress of our grievances or promote changes that will improve
our lives.
We must uphold and strengthen the rule of law. Not all of us will
agree at all times. That is why in a democracy, there are laws, laws that
are crafted by legislators elected by us, the people. Without these laws,
there will be anarchy. Even the imperfections of the democratically established
laws and institutions must be remedied by lawful means.
Even if we disagree, we must agree on how to disagree. Otherwise peaceful
resolutions will be hard to achieve.
We must always pursue peace. Keeping faith in the democratic process
means rejecting violence. It also means respecting not only the beliefs
and views of others but the decisions of the majority as well. It is the
key to reconciliation among many of us, Filipinos, who faced each other
in many confrontations in the past.
We must promote justice at all times. Justice is all about making
democracy work for us, the people.
We must reverse the environment of violence and reestablish law and
order. Order is the first duty of the state. Unless there is a stable
environment of peace and order, no economic progress will ever transpire.
We must fight all forms of corruptions and establish genuine good
government. Corruption must be curved by the right systems as well
as decisive, positive action, in all levels of bureaucracy, especially
at the top. Above all by a leader who sets the example.
Leadership of society and country is all about doing the right thing.
It is all about steadfast political resolve for the common good and not
for the selfish few. It is all about courage beyond words that fear no
threat whatsoever from vested interests and those who flaunt their disdain
for the law.
We, the Filipino people, are seeking immediate relief from our day to
day woes rooted in unabated graft and corruption in government and mounting
lawlessness and criminality all over the country.
We are therefore inspired by Senator Panfilo Lacson's simple but powerful
call, "What is right must be kept right, what is wrong must be set
right." We are highly motivated by his outstanding record of achievements
especially those which pertain to instilling discipline among those who
are entrusted to serve the public. We are elated by his courage to take
on the bigger and more scandalous kotong endeavors such as electric Purchased
Power Adjustment (PPA) charges. We are encourage by his openness to new
ideas and desire to learn from various sectors like what we represent.
We accept his challenge for everyone to do his part in doing the right
thing for our country and our people.
We now therefore hereby join Senator Panfilo Lacson in his crusade and
commit our respective organizations and members to make him President
in 2004.
Citizens' Movement for ORDER
Nagdaan na ang maraming halalan, nakailang ulit na ang pagpapalit ng
saligang batas, nagkaroon na ng ilang Edsa, subalit napakalaking bilang
nating mga Pilipino ang patuloy na nakalubog sa kumunoy ng kawalang pag-asa,
mas lalong lumalalim ang kahirapan habang ang suliraning kinakaharap ng
bansa ay para bang wala nang kalutasan. Tayo ang unang bansang nagtaguyod
ng demokrasya sa dakong ito ng mundo at ang kalagayan ng ating pamamahayag
ay itinuturing na pinakamalaya sa Asya. Ang ating mga halalan ay makulay
at masigabo, idagdag pa rito ang mga pangyayari sa Edsa na nagpahanga
sa daigdig at naging modelo at inspirasyon ng iba pang pagkilos sa iba
pang dako ng daigdig.
Manapa'y karamihan pa rin sa ating mga kababayan ay nakakaramdam pa rin
ng kawalan ng pag-asa at napilitang sumanib sa armadong pakikibaka na
ginagabayan ng iba't ibang katuruan at ideolohiya.
Tayong mga Pilipino ay hindi nagkukulang sa pagmamahal sa esensya ng
demokrasya at lalong hindi nababawasan ang ating pagnanais sa pagkamit
ng mga makabuluhang pagbabago, ngunit sa kabila nito ang Pilipinas ay
nakasadlak pa rin sa kalunos-lunos at kaawa-awang kalagayan.
Ang ating bansa ay itinuturing na isa sa pinakatalamak sa pangungurakot
sa buong mundo at humigit kumulang na P150 bilyon ng ating pambansang
kabang-yaman kada taon ay napupunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal
ng pamahalaan at ng kanilang mga kakutsaba. Ang halagang ito ay sapat
na upang tustusan ang isang makabuluhang programa sa reporma sa agraryo
at pabahay na dapat sana'y magiging behikulo ng pag-unlad ng ekonomiya
at pagbabago sa ating lipunan. Sa ganitong malalang kalagayan ng korapsyon
sa ating burukrasya, ang dapat sanang pagtatama at moral na basehan ng
pamahalaan sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan
ay lubhang gumuho na.
Ang kaguluhan at krimen ay nagbibigay takot sa mga mamamayan, nagpapabagsak
ng ating ekonomiya at nagpapa-atras ng mga mamumuhunan sa ating bansa.
Kaya tayong mga naghihikayos sa buhay ang siyang pumapasan ng kahirapang
dulot ng mga ito.
Daang libo sa ating mga Pilipino ang napipilitang magtrabaho sa ibang
bansa dahil sa kahirapan at kawalan ng oportunidad sa ating sariling bayan.
Ang mga tinatayang 5 bilyon nating kababayan na may kakayahang magtrabaho
na nananatili sa bansa ay wala namang trabaho, samantalang tinatayang
13 milyon naman sa atin na nakikibaka laban sa kahirapan ay pilit na pinagkakasya
ang P23.00 kada araw upang mabuhay. Tayong mga masang Pilipino ay patuloy
na naghahanap ng mga paraan upang makalaya sa kadena ng kahirapan. Sa
pangkalahatan, iwinaksi na nating mga Pilipino ang marahas na pamamaraan
ng pagbabago, lalo na ang paglalaban ng Pilipino sa kanyang kapwa Pilipino.
Tayong mga Pilipino ay dapat munang magkaroon ng batayan ng pagkakaisa
kahit na tayo ay hindi nagkakasundo kung papaano ba magkakaroon ng kapayapaan
at pag-unlad sa ating bayan.
Dapat tayong patuloy na naniniwala sa demokrasya. Tayong mga mamamayan
ay may karapatang malayang ipahayag ang ating sinasaloob at makilahok
sa mga aktibidad na nagpapahayag ng ating hinanaing o di kaya'y magpapaunlad
ng ating kabuhayan.
Dapat nating itaguyod at patatagin ang pamamayani ng batas. Hindi lahat
ng tao ay umaayon sa lahat ng oras. Kung kaya't sa demokrasya, mayroong
mga batas, mga batas na hinabi ng mga taong inihalal nating mamamayan.
Maging ang mga depektibong batas na hinabi sa demokratikong pamamaraan
ay dapat na ituwid lamang sa pamamagitan ng at naaayon din sa batas.
Kahit na tayo'y hindi nagkakasundo dapat din nating mapagkasunduan kung
paano tayo hindi magkakasundo, dahil kung hindi, mahihirapan nating makakamit
ang mapayapang pagreresolba na ating minimithi.
Dapat palagi nating isulong ang kapayapaan. Ang pananalig sa demokratikong
proseso ay pagwawaksi sa karahasan. Ito ay hindi lamang paggalang sa paniniwala
at pananaw ng iba kundi maging sa desisyon ng nakararami. Ito ang susi
ng pagkakaisa nating mga Pilipino na sa nakalipas na panahon ay nagkaharap
na sa isa't isa sa maraming konprontasyon.
Dapat nating isulong ang hustisya sa lahat ng oras. Ang hustisya ay kung
paanong ang demokrasya ay naisasakatuparan at naisasabuhay para sa ating
mga mamamayan.
Dapat nating baliktarin ang pamamayani ng karahasan at muling ibalik
ang pamamayani ng batas at kaayusan. Ang kaayusan ang unang obligasyon
ng estado. Hangga't walang kaayusan, kapayapaan at katahimikan, walang
pag-unlad sa ekonomiya ang mararanasan.
Dapat nating labanan ang lahat ng uri ng korapsyon at itayo ang tunay
na mabuting pamamahala at mapagkalingang pamahalaan. Ang korapsyon ay
dapat na masawata ng tamang pamamaraan, ng positibong aksyon sa lahat
ng antas ng burukrasya, lalo na sa pinakamataas na posisyon. Higit sa
lahat, ng isang pinuno na nagpapakita ng mabuting halimbawa.
Ang pamumuno ng isang bansa at ng isang lipunan ay usapin ng pagsasagawa
ng mga tamang bagay. Ito ay hinggil sa matibay na pampulitikang paninindigan
para sa ikabubuti ng nakararami at hindi para sa iilan sugapa lamang.
Ito ay hinggil sa katapangan hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa
na walang kinakatakutan at hindi nangingiming ipatupad ang nararapat masagasaan
man ang sinuman, lalong lalo na yaong mga yumuyurak at walang pasubali
sa batas.
Tayong mga mamamayang Pilipino ay naghahanap ng madaliang solusyon sa
ating araw-araw na paghihirap na nag-ugat sa hindi masawatang malawakang
pangungurakot sa ating pamahalaan at paglaganap ng kriminalidad at kawalang
paggalang sa batas.
Kung kaya't kami ngayon ay naniniwala sa simple at payak subalit makapangyarihang
panawagan ni Senador Panfilo Lacson na "Ang tama ay nararapat na panatilihing
tama, ang mali ay nararapat na itama." Kami ay nabigyan ng mataas na motibasyon
ng kanyang mga kahanga-hangang nagawa lalo na sa pagbibigay disiplina
sa mga lingkod ng bayan. Kami ay lubos na humahanga sa kaniyang katapangan
na labanan at sawatain ang pangongotong sa lansangan at ang kaniyang pagtindig
laban sa mas malaki at maiskandalong pangongotong sa elektrisidad sa pamamagitan
ng Purchased Power Adjustment (PPA) charges. Kami ay naeenganyo sa kanyang
pagiging bukas sa mga bagong kaisipan at sa kanyang pagnanais na makinig
at matuto sa iba't ibang sektor ng lipunan, tulad ng aming mga kinakatawan.
Tinatanggap namin ang kanyang hamon sa bawa't isa na gawin ang nararapat
na mga bagay para sa bansa at mamamayan.
Kung kaya't ngayon kami ay nakikiisa kay Senador Panfilo Lacson sa kanyang
pakikipaglaban at panawagan at itinatalaga namin ang aming organisasyon
at kasapian upang maihalal siyang Pangulo ng bansa sa 2004.
Citizens' Movement for ORDER
Article 64 Movement (Article 64) Henry Giron, President;
Citizen's Movement for Justice, Economy, Environment and Peace (JEEP)
Buddy Garbanzos, President; Citizen's Movement for Protectionism and Reform
(CMPR) Roland Padrenalan, President; Concerned Citizen Alliance for Democracy
(CCAD) Arman Sangalang, President; Dasiga and Gagmay Aron Mahimong Inila
(DAGAMI Inc.) Noni Patosa, President; Grand Order of the Unifief GUARDIANS
Association, Inc.( Grand Order) Fdr. Jojo Yrad, National Chairman; Katarungan,
Kagalingan, Kasaganahan (KKAKASA) Pete Arce, President; Katipunan ng mga
Anak ng Bayan All Filipino Democratic Movement (KAAKBAY) Alain Del Pascua,
National Chairman; Kilusang Alay sa Masa (KASAMA) Gary dela Paz, President;
Mamamayang Kaagapay ng Bayan (MAKABAYAN) Vic F. Bayog, President; Pambansang
Kongreso ng mga Lider (PKL) Arnold Cucaban, President; Save Ilocos Sur
Alliance (SISA) Atty. Estelita ordero, President; Sulo ng Pilipino (SnP)
Herman Tiu Laurel, President.
Adamson University Faculties and Employees Union (AUFEA)
Babylin Tero, President.
Commonwealth Sariling Sikap Flea Market Vendors Cooperative
(CSSFMV Coop) Evelyn Castillo, Chairman; Divine Providence Multi-Purpose
Cooperative (DPMPC) Rodolfo Aquino, Chairman; NAPICO Multi-Purpose Cooperative
(NAPICO) Herbert Bantiling, Chairman; Metro Manila Vendors Association
(MMVA) Baby Panti, President; Multi-Sectoral Development Council (MCDC)
Joeboy Mendoza, President; Muslim Young Professionals and Businessmen
Association of the Philippines (MYPBAP) Penny Disimban, President; Progress
Livelihood Program Movement (PLPM) Filomena Gagua, President
Northridge Park Subdivision Homeowners Association, Inc
(NPS-HOA) Evelyn Manzon, President; Palmera Homes Homeowners Association,
Inc. (PHAI) Cesar M. Yangat, President.
Tribal Council of Elders (TCE) Joseph Gadit, Chairman;
Muslim and Christian Vendors Association-Cavite Chapter (MCVA) Ronnie
Basher, Chairman; Sabah Muslim Refugees Association (SMRA) Kuder A. Abao,
President; Tawi Tawi Council for Peace and Development, Inc. (TTCPDI)
Kuder A. Abao, President.
Federation of Senior Citizen of the Philippines (FSCAP)
Mr. Ordonez, National Secretary; Senior Citizen of San Lorenzo Ruiz-Taytay
(Senior Citizen-Taytay) Primitivo Rudas, President.
Araneta Drivers Association (ADA) Pablo C. Vargas, Jr.,
President; Barangay Central TODA (Central TODA) Jess Casica, President;
Cubao Junction FX Drivers and Operators Association (Cubao FX) Jaime Cuado,
President; East Bagong Bario Tricycle Operators and Drivers Association
(EBB-TODA) Josefino Alano, President; Federation of Tricycle Operator
Drivers Association of Malabon (FEDTODAM) Jose Matanguihan, President;
Hyatt Taxi Drivers Union (HTDU) Pablo Clave, President; Lupang Pangako
Urban Poor Payatas TODA (LPUP-TODA) Rufo Cacayan, President; Marilag JP
Rizal TODA (Marilag TODA) Jesus Adorna, President; Monumento Balintawak
Balonbato Drivers Association (MBB-TODA) Rodrigo Dineros, President; Monumento
Polo Drivers Association (MONPOLDRASS) Rosalino Soledad, President; Novaliches
Dolmar Jordan Ligaya TODA (NDJL TODA) Eddie G. Andres, President; Novaliches
San Agustin TODA (NOSA TODA) Alfredo Medina, President; Palmera Homes
Tricycle Operators and Drivers Association, Inc. (PHTODA) Peter Advincula,
President; Paltok, Paraiso, Damayan, Mariblo TODA (PAPADAMATODA) Abe Yalong,
President; Payatas TODA (PTODA) Arthur Layag, President; Philippine Confederation
of Drivers Organization-Alliance of Concern Transport (PCDO-ACTO) Efren
de Luna, President; Silangan Villaverde Llano Road, Nova TODA (SVLN TODA)
Salvador B. Laurel, President; Villa Nova TODA (VN TODA) Fernando J. Bocato,
President.
130 1st Infantry Battalion/CAMANAVA Area (130 1st Infantry)
Sgt. Orlino Castillo, President; ALMA para sa Kalayaan, Katarungan (ALMA-KKK)
Rudy dela Torre, President; Alyansa ng Mamamayan sa Navotas (ALMANA) Severino
Rene Mendoza, President; Ang mga Pamilya sa Angcao Compound (ACS) Isabelo
Angcao, President; Bagong Samahan 108 (BS-108) Romeo dela Pena, President;
Del Monte Civic Community Organization (DMCCO) Aris Antonio, President;
Heavenly Arson Homeowners Association (HEARS-HOA) Arturo Esguerra, President;
Highlander Unification Movement Neighborhood Association, Inc. (HUMNAI)
Rafael Sucayan, President; Kapiglas San Antonio Chapter (KAPIGLAS-San
Antonio) Janeth R. Moralizan, President; Kapit Bisig West Riverside Neighborhood
Assn (KBWRNA) Belen Romano, President; Kapit Kamay Del Monte (KKDM) Kgd.
Lilibeth Flood, President; Kabalikat Mo Masambong Homeowners Association
(KMMHO) Crispin S. Acuna, President; Kapitbahayan sa Bagong Landas Inc.
(KBLI) Angie Peralta, President; Katipunan ng Liping Pilipino (KALIPI)
Jojo Bumanlag, Chairman; Katipunan ng Pinagisang Lakas-Balingasa Chapter
(KAPIGLAS-Balingasa) Herminia Capulong, President; Lupon ng Aktibong Henerasyon
sa Ika-uunlad ng Pagbabago (LAHI-PA) Kgd. Alfredo dela Cruz, President;
Military Village Neighborhood Organization (MVNA) Kgd. Roberto Marcelo,
President; Pederasyon ng Samahang Maralita ng Pateros (PSMP) Romy Figueroa,
President; Pinagbuklod ng Magkakapitbahay ng Florencia West (PMFW) Rina
Odon, President; Pinag-isang Damdamin ng Maralita sa Calamba (PINADAMA-CA
Inc.) Pancho Ulata, President; Purok San Lorenzo Ruiz (PSLR) Greg Roldan,
President; Samahan ng Magkakapit Bahay ng AIB Inc. (SNMI) Mirafe Torcuator,
President; Samahan ng mga Mamamayan sa Paraiso (SMP) Felix Pangilinan,
President; Samahang Magkakapitbahay ng San Jose Inc. (SMSJ-Inc) Lourdes
Cruz, President; Samahang Magkakapitbahay ng Felipe West (SAMAKANABA)
Kgd. Bong Pabilando, President; Samahang Magkakapitbahay sa Bagong Milenyo
(SMBM) Danny Macasinag, President; Samahang Nagkakaisang Diwa (SND-LGU)
Norma Espina, President; San Antonio de Padua Homeowners Association (SLROA)
Berlino Donoga, President; San Lorenzo Ruiz Homeowners Association (SLROA)
Ester Aquino, President; Santos Caragay Neighborhood Assn (SACANA) Lita
Linda, President; Shorthorn Int., Neighborhood Association, Inc. (SIHAI)
Erlinda Collantes, President; Sto. Domingo Neighborhood Association of
Maria Clara (SDNA-Maria Clara) Celso Balaquena, President; Sunshine Homeowners
Association (SHOA) Rogeria Rivera, President; Ugnayan ng Nagkakaisang
Tinig ng Makati (UNTM) Lulu Malvas, President.
Damayan Ladies Brigade (DLB) Priscilla Carbonel, President;
Friends-Women (FW) Salvacion Pabilongon, President; Kababaihan ng Capri
Livelihood Association (KAB-Capri) Rosette Enovejas, President; Kababaihan
ng Sta. Teresita (KAB-Sta. Teresita) Josefina Santos, President; Kababaihan
sa Bagong Landas (KBL) Anna Marie Gonzales, President; Kababaihan ng Bahay
Toro (KAB-Bahay Toro) Mila dela Cruz, President; Kababaihang BSDO (KAB-BSDO)
Rufina Pecaza, President; Kababaihang Magwawalis ng Nova (KMN) Editha
Santos, President; Kababaihan ng Sto. Cristo, Balingasa (KAB-Sto. Cristo)
Herminia Capulong, President; Ladies Auxiliary Brigade (LAB-Masambong)
Leonora Leopardo, President; Nagkaisang Nayon Ladies (NNL) Armanda Pilloner,
President; Progressive Women of Maligaya (PRO-WOMEN) Eden Patoc, President;
Samahan ng Kababaihan ng Malaya (SKM) Ferolyn Acay, President; Sandigan
ng Kababaihan (SK) Emelita Leynes, President; Tatalon Women Civic Organization
(TWCO) Aurora Medina, President; Triple K (Kababaihan Kaagapay ng Kalalakihan)
Triple K, Flor Angcao, President; Women Alliance Volunteers for Eusebio
(WAVE) Estelita Santos, President.
All Filipino Student Federation (AFSF) Sugar Tan, Secreatray;
Freedom Loving Youth (FLY) Ignacio Gamayan Jr., President; Heavenly Youth
Club (HYC) Emanuel Trinidad, President; Kaunlaran Youth Club (KYC) Crispin
Jolo, President; Nagkaisang Kabataan sa Brgy. Malaya (NAGKASAMA) Arlene
Paderon, President; Northridge Park Subdivision Youth Club (NPSYC) Wilzon
V. Manzon, President; Our Lady of Lourdes Technological Institute Young
Connectors (OLLTI-YC) Nelsie Tan, President; Palmera Youth Club (PYC)
Bernard Ablog, President; Paraiso Youth Movement (PYM) Rommel Abergas,
President; Santiago West Riverside Youth Club (SWRYC) Janeth Moralina,
President; We Are One-Kabataang Magpapalaya ng Bayan (KMB-WAO) Ma. Fe
Calcita, President.
Kapulungan ng mga Kagawad ng Pasig (KKP) Lorna Bandong,
President; Kaunlaran ng mga Barangay Tanod sa Pilipinas (KABATA) Manuel
Tolentino, President; Young Police Officers (Young PNP) PO1 Tony Matias,
President; North Eastern Luzon Peace and Order Association (NELPOA) Dandy
Canciran, President; Rainbow Rangers Division Volunteers (RRDV) Ford Enorme,
President; Treskillion Rescue and Operation (TROPA) Roy Oropesa, President.
Makati Bowlers Club (MBC) Boysie Castillo, President;
International Kuntaw Federation (IKF) Master Ernesto Mari, President.
Adamson University Faculty and Employees Association (AUFEA)
Babylin Tero, President, 6410926, 5242011 Loc. 310
All Filipino Student Federation (AFSF)
Sugar Tan, Secretary, 0919-4985653
Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines
(FSCAP)
Jose Ordonez, National Secretary, 0919-2839661
Grand Order of the Unified GUARDIANS Association, Inc.
(GOUNIG)
Fdr. Jojo Yrad, National Chairman, 0919-5662704
Citizens Movement for Justice, Economy, Environment and
Peace (JEEP)
Buddy Garbanzos, President, 0916-5545250
Katarungan Kagalingan Kasaganahan (KKAKASA)
Pete Arce, President, 0919-3713011
Katipunan ng mga Anak ng Bayan All Filipino Democratic
Movement (KAAKBAY)
Alain Del Pascua, National Chairman, 0917-8933404, 0917-9945857, 4330556
Kaunlaran ng mga Barangay Tanod sa Pilipinas (KABATA)
Manuel Tolentino, President, 0917-3605409, 7156885
Metro Manila Vendors Association (MMVA)
Baby Panti, President, 4342241
Muslim Young Professionals and Businessmen Association
of the Philippines (MYPBAP)
Penny Disimban, President, 0919-6962985
Pambansang Kongreso ng mga Lider (PKL)
Arnold Cucaban, President, 0918-3257002
Philippine Confederation of Drivers Organization-Alliance
of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO)
Efren de Luna, President, 0919-7065410, 0918-83350955
Save Ilocos Sur Movement (SISM)
Atty. Estelita Cordero, President, 0916-4115599
Sulo ng Pilipino (SnP)
Herman Tiu Laurel, Chairman, 0917-8376037
Tribal Council of Elders (TCE)
Joseph Gadit, Chairman, 0916-6521328
89-G Maginoo Street, Teachers Village, Barangay Central, 1100 Quezon City
Tel/Fax: 4330556, 9253990; Cel: 0917-9945857
|