Ang
pagsisikap na ito ay inihandog sa
World Wide Web sa pag – asa na ito ay
magiging biyaya sa lahat ng tao kahit saan. Kami ay sumusulat sa
inklusibong
maka – Kristong pananaw sa hangaring makipag – ugnayan sa mga katulad
din namin
para makisalamuha.
Simple
lang ang aming mensahe, “Ang
Diyos ay kasama natin.” Ipinakikilala namin ang inklusibong
pananampalataya na
nananatiling nakasentro kay Kristo. Mayroon ng Diyos sa kalooban ng
lahat ng
tao. Lahat ay naisama na. Lahat ay mayroon ng koneksiyon sa Diyos,
kahit hindi
lahat ay nakadarama ng koneksyon. Hangad naming maramdaman ninyo ang
inyong
koneksyon at pagkasama.
Tayong
lahat ay naisama na sa katawan
ni Kristo. Wala na tayong desisyon o konbersyon na kailangang gawin
para tayo
ay maisama. Ang lahat ng ito ay tinapos na ng Diyos. Winasak na Niya
ang
anomang hadlang na maaaring nagpahiwalay sa atin. Mayroon na tayong
relasyon sa
Diyos at sa bawat isa.
Ipinakikilala
namin ang inklusibong
ebanghelyo sa pamamagitan kay Kristo. Ipinadala ng Diyos ang Kanyang
Anak para
sa lahat. Siya ang Tagapagligtas sa lahat ng tao, hindi lang doon sa
maniniwala.
Samakatuwid,
sa mga taong may ibang
pananampalataya, kayo ay taos puso naming binabati. Hangad naming
maramdaman
ninyo ang aming pagtanggap sino man kayo. Para doon sa mga nasa
Kristiyanong
tradisyon, iniimbitahan namin kayo na pag – isipan at ipagdiwang ang
mistikal
na pagkakaisa ng “Si Kristo ay nasa lahat at ang lahat ay nasa kay
Kristo.”
Sino
ba kami? Kami ay mga Quakin Friends. Kami ay Samahan
ng Maka
– Kristong Unibersalista sa Quaker na
tradisyon. Kami ay naniniwala sa simpleng relihiyon, iniiwasan ang mga
gayak na
panlabas na seremonyas.
Bilang
Quaker, hindi
kami sumasangguni sa anomang denominasyon. Hindi maintindihan ang aming
pakay
kung ganoon. Sa pagiging “Quaker”
nais naming mamuhay ayon sa pagkaunawa ng Diyos na naroon sa kalooban
ng bawat
tao.
Kami
ay nagkikita kung saan ang 2 o 3
ay nagtitipon, si Kristo ay nasa kalagitnaan. Ang buhay na Presensiya
ni Kristo
sa ating gitna ang buong tuon ng pansin ng aming doktrina, pagsamba, at
ministeryo.
Sino ba
Kami? (Who Are We?)
Kami ay
Maka-Kristo, Independente, Walang programa,
Walang kredo, Inklusibong Samahan, na nagpapahayag na si Hesus ang
Tagapagligtas ng sanlibutan.
Tinatawag namin
ang aming mga sarili na “The Quaker All In Christ Network.”
Ang acronym
ay Q.A.I.C.N., binibigkas na Quakin’,
kaya para simple, tinatawag namin ang aming
mga sarili na Quakin Friends.
Dahil kadalasan
ng mga Quakers ay pinanghahawakan
ang “Si Kristo ay nasa lahat,” ang “Quaker”
All in Christ Network ay parehong
naniniwala na “Si Kristo ay nasa lahat,” at
“Ang lahat ay nasa kay Kristo.”
Ang iba ay
tinatawag kaming Samahan ng Kristiyanong
Unibersalista.
Kapag tinanong,
“Sino si Hesus?”, ang aming
simpleng sagot ay, “Si Kristo, ang Anak ng Buhay na Diyos, at ang
Tagapagligtas
ng sanlibutan.”
Kami ay
naghahanap ng ugnayan at samahan ng mga
ibang kaibigang kapareho naming mag – isip.
Kung kayo ay
katulad naming naniniwala na ang Diyos
ay nasa kay Kristo na nakikipagbati sa mundo sa Kanya, na talagang
iniligtas
Niya ang buong sangkatauhan, at ipinagbabati ang lahat ng bagay pabalik
sa
Diyos, gusto namin kayong marinig. Maaari kayong mag – email
sa amin.
Kapag tinanong
kung kami ba ay mga unibersalista,
kami ay sumasagot sa positibo.
Naniniwala kami
na mayroong Diyos sa kalooban ng
bawat tao. Si Hesus ang ilaw na nagbibigay liwanag sa bawat tao. Si
Hesus ang
buhay na hininga sa bawat tao. Siya ang salita at binhi na itinanim sa
mga puso
ng sangkatauhan kahit saan. Ang binhi na iyon ay lalago at ang bawat
taong
binuhay ay lubos na maipakita ang buhay at kadakilaan ng Diyos. Hindi
kami
tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng tao kundi nakikita namin si
Hesus, ang
imahe ng Diyos sa lahat ng tao.
Nais namin
kayong makilala, bumuo ng samahan,
hawakan kayo sa liwanag, at alalahanin kayo sa panalangin.
Hangad naming
makapagsimula kayo ng inyong sariling
pagtitipon nasaan man kayo.
Maka
– Kristo (Christ Centered)
Sabi
ni
Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta
sa Ama
kundi sa pamamagitan ko lamang.”
Hindi
kinakailangang ibig sabihin nito na ang tao ay dapat tanggapin si Hesus
na
kanilang Panginoon at Tagapaligtas para makilala o makipag-ugnayan sa
Diyos,
pero kinikilala namin na ang lahat ng ugnayan sa Diyos ay sa
pamamagitan ng
Espiritu ni Kristo.
Si
Hesus ang daan.
Hindi namin ipinagkakaila ang benepisyo ng relihiyong paglalakbay ng iba. Dahil si Kristo ay ang lahat at nasa lahat, nakikita namin si Kristo sa bawat isa, at sa kalagitnaan na kanilang paglalakbay. Hangad naming matuto sa liwanag na meron ang iba, sakaling nakilala nila si Kristo sa kalagitnaan o sakaling naunawaan nila ang kanilang partisipasyon sa pagka-Diyos o wala. Naunawaan man natin o hindi, lahat tayo ay naglalakbay pabalik sa Diyos. Tumitingin kami sa ilaw na nagbibigay liwanag sa bawat tao, at naninirahan sa bawat tao, para gabayan tayo sa ating mga landas. At ang ilaw na ito ay gumagabay sa ating lahat pabalik sa Diyos. Ang lahat ay galing sa Kanya, at sa pamamagitan Niya, at papunta sa Kanya.
Ang
lahat ng katotohanan ay katotohanan ng Diyos kahit saan man ito
matagpuan. At
dahil si Hesus ang katotohanan, kung saan natuklasan natin ang
katotohanan,
natagpuan natin si Hesus. Hinahanap
natin Siya kahit saan. Siya ay nasa lahat. Lahat ng mga natuklasan
natin sa
buhay ay nagiging sagradong pagtatagpo sa banal. Ang Katotohanang ito
ay
nagiging kapahayagan ng Diyos na inihayag sa ating pang-araw-araw na
buhay.
Habang tayo ay lumalago sa biyaya at kaalaman ni Hesu Kristo, tayo ay
lumalago
sa ating kaalaman sa Diyos.
Ang
Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay. Dahil si Hesus ay ang buhay
ng Diyos,
habang ipinapamuhay natin ang buhay, nararanasan nating lahat ang
biyaya ng
Diyos kay Kristo. Lahat ng buhay ay nagiging makabuluhang pagtatagpo sa
Diyos.
Si
Hesus ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay. Hindi tayo
nagiging eksklusibong grupo nito, kundi ang bawat bagay at bawat isa ay
nagiging inklusibong koneksiyon sa Diyos.
Ito
ang ibig naming sabihin kapag sinabi naming kami ay maka – Kristo.
Nakikita
namin si Kristo sa lahat at nasa lahat, upang ang Diyos ay maging
kalahatan ng
lahat.
Walang Kredo (Non
– creedal)
Kami ay
naniniwala na ang mga kredo ay hindi
lubusang naipapahayag ang lahat ng kapahayagan at nalilimitahan ang
ating mga
pananaw sa katotohanan.
Maraming mga
dahilan para manatiling walang kredo.
Ang pinakadahilan
kung bakit gusto naming iwasan ang mga kredong gawa ng tao ay
dahil “Ang
Diyos at si Kristo ay dumating para turuan ang mga tao sa Kanya.”
1. Nais naming
maging bukas sa karagdagang
kapahayagan.
Sariling
pagpapahayag ng paniniwala ay lumalago at
umuunlad habang ang ilaw ay naihayag at sa pagdaan ng panahon. Sabi pa
ni
Hesus, “Narinig ninyong sinabi ng mga nasa sinauna…pero sinasabi ko sa
inyo…”
kung ano man yong naipahayag sa kapanahunan ng lumang tipan ay
nalampasan na at
napalitan na ng mas malinaw na kapahayagan sa panahon ni Kristo, at mas
naipaliwanag pa sa panahon ng mga apostoles. Ang gustong ipahiwatig ng
progresyon ng kapahayagan ay hindi mananatiling walang pag-unlad ang
pagpapahayag ng paniniwala sa paglipas
ng panahon. Habang ang kaalaman natin sa Diyos ay lumalago gayon din
ang ating
personal na pahayag ng paniniwala. Kailangan ay maging bukas tayo nito.
Ang mga
organisasyong pahayag ay nagiging hindi
aktibo at hindi nagbabago. Ang mga kredo at doktrinang pahayag ay
kadalasan
parang naisulat lamang sa bato. Gayunman, katulad ng batas na naisulat
sa bato,
sila ay lumilipas o napapalitan o mapapawi. Kung minsan, ang
denominasyon ay nabubuwag
o dahan-dahang namamatay bago pa man tulutang baguhin ang kanilang
kredo. Ang
samahan ng mananampalataya ay di kailangang malimitahan sa kasalukuyang
katotohanan ngunit maaaring lumago at mahinog kahit pa ang katawan ni
Kristo.
2. Nais naming
iwasan ang di mahalagang paghahati –
hati.
Ang
kredo ay nagdudulot ng pagkakahati. Iginigiit nila ang pagkakatulad.
Hindi sila
matiyagang patnubay. Ang Espiritu ang gumagabay sa atin sa lahat ng
katotohanan. Ang kredo ay nagdudulot na ibukod ang iba na inalayan din
ni
Kristo ng Kanyang buhay. Ito ay naghahati – hati at salungat sa
Espiritu ng
pagkakaisa kay Hesu Kristo.
3. Ayaw naming
pagharian ang iba, diktahan sila, o
tangkaing kontrolin ang kanilang paniniwala.
Ang
dogmatikong pagdikta kung ano dapat ang paniniwalaan o tangkaing
pumunuan ang
paniniwala ng mga tao ay salungat sa mapaglingkod na pakikitungo ni
Kristo. Ang
ating karanasan na ang Diyos na nasa ating kalooban ang nagbigay daan
sa atin
na maintindihan na ang gabay na presensiya ng Diyos na nasa ating
kalooban ay
unibersal. Sa pamamagitan ni Kristo, kahit sino nasaan man ay direktang
makakaranas sa Diyos. Hindi na natin kailangang sabihin sa iba ano ang
dapat na
paniwalaan.
Si Kristo rin
ang nagpalaya sa atin sa ministrong
mentalidad kung saan ang mga santo ay nagiging dependente sa mga
pastor, pari,
o kleriko para sa pagtuturo o direksyon na galing sa Diyos. Tayong
lahat ay
makakalapit na sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu.
Tayo ay may
Kristong pag – iisip. Alam natin ang lahat
ng bagay. Mayroon tayong
pagpahid ng banal na langis o anointing
sa Diyos na nananatili sa ating kalooban at hindi na natin kailangan
sinoman na
tayo ay turuan. Ang Diyos na ang nagtuturo sa kanyang mga tao. Ang
rebelasyon
ay patuloy na progresibong nagbubunyag. Ayaw naming labanan ang
pagtuturo ng
Espiritu sa amin o pagbawalan ang aming sariling pag-aaral sa
pamamagitan ng
pagpapataw o pagsunod sa mga kredo ng mga tao. Sa halip tumitingin kami
kay
Kristo.
“Ang
Diyos at si Kristo ay dumating para turuan ang kanyang mga tao sa
Kanya."
Sa
mga dahilang ito, hindi kami gumagawa ng pahayag sa sulat ng aming
paniniwala.
Mahalaga lang sa amin ang banal na karanasan ng bawat isa at ng grupo.
Sinoman
ang may nais na makilala o makipag – ugnayan sa Diyos ay aming
tinatanggap.
Inklusibo (Inclusive)
Nais naming
manatiling inklusibo hanggang maaari.
Para sa amin, ang paniniwala namin ay nakatayo sa
mapagtitiwalaan na
pundasyon. Kapag tinanong, “Sino si Hesus?” Ang aming sagot, “Si
Kristo, ang
Anak ng Buhay na Diyos, at ang Tagapagligtas ng sanlibutan.” Ang
ganitong
pundasyong katotohanan ay mukhang napakapartikular at eksklusibo sa
unang
tingin ngunit kinikilala namin na binuksan tayo ng Diyos sa may
kahigtan pang
liwanag. Sa kasalukuyan nating pamumuhay, si Kristo ay dumating sa
Espiritu, at
ang pundasyon ng katotohanang yon ang magdadala sa mas malalim na
inklusibong
kahulugan. Sa ganitong panahon, maaari nating tingnan ang simbahan na
si
Kristo, ang pinahiran ng banal na langis ng Diyos, at ang naipakitang
mga anak
ng Diyos na tagapagligtas ng sanlibutan. Habang ang espiritu ay
nagtuturo, ang
ating pagkaunawa sa impluwensiya at kapangyarihan ni Kristo at ang
ebanghelyo
ay lumalago.
Ang lahat ay
naisama na. Walang naiwan. Hindi pa
man natin nakita ang lahat na sumuko na sa Kanya, ngunit nakikita natin
ang
liwanag. Nakikita natin si Hesus. Nawa
ay ipagkaloob sa atin ng Diyos na tayo ay lumakad sa karunungan doon sa
mga
hindi pa nadama ang kanilang pagkasama, sa pagiging pagkaiba sa
kanilang pag –
iisip.
Mayroong
Diyos o bagay na banal sa bawat isa. Gusto naming respetuhin at
palakasin ang buhay na yan. Pinili naming manatiling inklusibo, na
maging
mapayapa sa lahat ng tao, hanggang maaari. Si Hesus ay dumating para
magbigay
liwanag sa bawat tao. Kaya kami ay bukas at tumutugon sa liwanag na
natagpuan
sa kalooban ng bawat isa, sa kaalamang ang lahat ng katotohanan ay
katotohanan
ng Diyos. Hindi ibig sabihin nito na tinatanggap namin ang lahat ng
relihiyosong gawa, dahil pinapanatili rin namin na hindi lahat ng bagay
ay
nakabubuti, kahit sa loob ng Kristiyanong tradisyon. Ang aming
pinagtutuunan ng
pansin ay ang espiritwal na koneksyon at hindi ang panlabas na
seremonya o
ritwal. Ang aming mabuting pagpapasya ay ayon sa karunungan at
pagmamahal,
hindi takot. Ang lahat ng bagay ay sama-samang nagtutulungan para sa
kabutihan,
pero hindi lahat ng bagay ay kapakipakinabang.
Sa panahon ng
ating pamumuhay, kinakailangan natin
ng maselang balanse. Si Kristo ang lahat at nasa lahat, ngunit hindi pa
natin
nakikita ang lahat ng bagay na naisuko na sa kanya. Naisama na ang
lahat ngunit
kung titingnan ay mukhang nasa labas pa rin sila.
Sa simula, “Ikaw
ang Kristo” ay ang makasaysayang
pag – amin na ginawa lamang ni Pedro. Gayon pa man, hindi itinaboy ni
Hesus ang
ibang disipolo dahil sa kakulangan ng kanilang pagkaintindi. Nakisama
pa rin
siya sa kanilang paglalakbay. Mayroon siyang pananalig na tingnan sila
na
naisama na. Nawa ay may paniniwala rin tayo sa Diyos.
Independente (Independent)
Ang kasarinlan
ay hindi nangangahulugang mag – isa
lang o nahiwalay. Kami ay aktibong naghahanap ng ugnayan at samahan sa
iba.
Iniimbitahan namin kayo na magsimula ng inyong pagtitipon at ikontak
kami.
Ang kasarinlan
ay nangangahulugang kalayaan. Ang
pagkakaroon ng direktang paglapit sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay
nangangahulugang malaya na sa relihiyosong kontrol ng iba. Si Kristo ay
nagpalaya sa atin sa ministrong mentalidad kung saan ang mga santo ay
umaasa sa
mga pastor, pari o kleriko. Si Kristo sa Espiritu ang ating propeta,
pari, at
hari. Lahat tayo ay mayroong direktang paglapit sa Ama sa pamamagitan
ng iisang
Espiritu.
Ibig sabihin
nito ay malaya tayo sa kontrol ng
kahit anong konseho, asosasyon o denominasyon. Ang pagtitipon ay kusa
at
biglang nagagawa kahit walang nakatingin o pahintulot ng kahit anong
eklesiyastikal na katawan. Ang mga indibidwal o mga pagpupulong ay
malayang
sundin at makinig sa Kristo na nasa kalooban. Ang kalayaang ito ay
madalas na
kalugud – lugod at nakakalaya, nagpapahintulot sa atin na sundin ang
simple,
malapit na sa apostolikong porma ng pagsamba.
Walang Programa (Unprogrammed)
Ang walang
programang pagsamba ay simple sa porma
at laman. Sa nakatakdang panahon at lugar, kami ay nagtitipon sa
katahimikan.
Sa bawat saglit, ang miyembro ng grupo ay maaaring magsalita, tumindig
at
mag-alay ng mensahe. Ang mensaheng ito ay maaaring sa porma ng panalangin, kanta, o simpleng pangungusap o
ang pagbasa sa Bibliya o sa ibang banal na kasulatan. Sa
napagkasunduang oras,
ang pagsamba ay natatapos sa pagkakamay at mga kaibigang pagbati.
Ito
ay bukas
na partisipasyon ng pagtitipon. Si Apostol Pablo ay nagsalita sa
ganoong
pagtitipon sa kanyang isinulat, “Kung kayo ay nagtitipon, ang lahat ay
maging
handa na magbigay ng salmo, pagtuturo, espiritwal na katotohanan, o
salita sa
ibang linggwahe na may nagsasalin. Lahat ng bagay ay kailangang gawin
upang ang
inyong simbahan ay lumakas sa pananalig.
Bawat
isa ay
tinawag na magbahagi. Bawat isa ay may koneksyon kay Kristo, ang imahe
ng
Diyos, ang banal na liwanag na nasa ating kalooban.
Ang
maging handa na magbigay ng salmo o mensahe ay hindi nanagangahulugang
kailangang maghanda ng mensahe kundi ibig ipahiwatig na maging bukas sa
gabay
ng Espiritu. Binubuksan namin ang aming sarili sa buhay na Kristo, ang
Guro,
bilang mga sisidlan para sa ministeryo. Hindi na kailangang umasa pa sa
propesyonal na ministro. Habang tayo ay udyukin ng gabay na nasa ating
kalooban, paminsan – minsan ay tinatawag na liwanag, pagmamahal,
katotohanan o
Kristo na nasa ating kalooban, tayo ay magbahagi ng mensahe para sa
kalakasan
ng lahat.
Sino ba
si Hesus? (Who was Jesus?)
“Ang Kristo, ang
Anak ng buhay na Diyos, at
tagapagligtas ng sanlibutan.”
“Ikaw ang
Kristo” ay hindi pahayag na dogma na
kailangang paniwalaan o sundin ngunit isang rebelasyon na kailangang
maranasan.
Nararanasan
natin Siya bilang si Kristo, namumuhay
sa Espiritu. Nakikilala natin Siya bilang Anak, ipinapakita ang malapit
na
ugnayan sa Buhay na Diyos. At nakikita natin ang Tagapagligtas ,
nagdadala ng
kaligtasan sa bawat halaga ng salita sa lahat ng tao.
Sa pamamagitan
ni Kristo, lahat ng tao ay nahawakan
at napuno ng Espiritu ng Diyos dahil pinupuno Niya ang lahat ng bagay.
Sa
pamamagitan ni Kristo kahit anong haligi ng pagkakahati – hati ay
nabasag na.
Lahat tayo ay mayroon ng daan at samahan sa Diyos at sa bawat isa sa
Espiritu. Si Kristo ang kaligtasan na binigay sa bawat isa. Kay Kristo
ang
bawat panalangin na ating pinapangarap, at ang iba na hindi pa natin
pinapangarap, at ang iba na darating pa.
Si
Kristo ang lahat sa atin.
Pinamumuhay niya
ang kanyang buhay sa pamamagitan
ng kanyang katawan, na ang lahat ng bagay, at pinupuno ang lahat ng
bagay.
Hindi na natin Siya kinikilala sa laman ngunit kinikilala na natin Siya
sa
Espiritu kahit saan. Siya ang ating propeta, pari, at hari. Bilang
propeta,
siya ang ating guro na nagbabahagi ng katotohanan. Bilang pari,
tinatanggal
niya ang anomang pagkakaibang nadarama natin sa Diyos. Bilang hari,
binibigyan
niya tayo ng kapangyarihan para ipamuhay ang pinakabuhay ng Diyos.
Sa
pamamagitan nito nakikilala at
nararanasan natin si Hesus, ang Kristo, ang Anak ng Buhay na Diyos, at
ang
Tagapagligtas ng Sanlibutan.
Pagsisimula ng
Pagtitipon (Starting a Meeting)
Nag – iisip na
magsisimula ng pagtitipon? Ano ang
kinakailangan? Oras, lugar, at dalawa o tatlo na nagtitipon lang ang
kinakailangan. Si Kristo ang mananahan sa ating gitna. Ang iba ay
natagpuan na
ang pagtitipon sa bahay ay nakakalaya sa grupo sa mga maraming kaguluhan na maaaring nakakaagaw atensyon
sa ating pinakapinagtutuunan ng pansin kay
Kristo. Ano ang hindi kailangan? Sa pagsisimula, hindi niyo na
kailangan ang
pahintulot. Hindi niyo kailangan ang pera. Pinapanatili namin ang
pagsamba na
simple lang, binabawasan ang mga bagay na nakakaagaw atensyon. Hindi
niyo na
kailangan ang gusali, badyet, nagsesermon, herarkiya, pag – aaral sa
Linggo,
mga sakramento o katekismo. Hindi niyo na kailangan ang koro, o ang
pulpito o
kahit na anong inyong nakikita. Si Kristo ang ating buhay. Siya lang
ang ating
kailangan. Tayo ay nagsasamba sa Espiritu at sa katotohanan. Hangad
naming
masiyahan kayo sa benepisyo ng simpleng pagtitipon, kasama si Kristo.
Habang
kayo ng inyong mga kaibigan ay sama-samang nagtitipon, nawa ay
pagpalain at
gabayan kayo ng Diyos.
Para sa
Komunidad ng Quaker (To the
Quaker Community)
Para sa
komunidad ng Quaker, ang papel na gagampanan ng Quaker All In Christ Network ay maging gitna. Maraming Quakers ang hindi komportable sa
pagiging eksklusibo na kitang-kita sa karamihan ng Kristiyanismo. Sa
iba naman
ay sa walang Kristong Unibersalismo. Mayroong pagkahati sa pagitan ng
kahinaan
at kamalian ng Kristiyanong kaligtasan na limitado sa saklaw at
impluwensiya sa
isang bahagi at ang nakitang kakulangan sa unibersalismo na lubos na
pagkamarami na walang nakikitang basehan kay Kristo at Diyos sa
kabilang
bahagi. Gayon pa man, dahil si Kristo ay nasa lahat, ang paniniwala kay
Kristo
at ang paniniwala sa Unibersalismo ay posibleng magkasama na magkahawak
kamay.
Hindi sila magkaiba sa bawat isa. Sa halip, ang bawat isa ay kailangan
at
nakokompleto ng bawat panig.
Si
Kristo ang basehan ng aming Unibersalismo. Si Kristo ang dahilan kung
bakit
kami ay mga unibersalista. At ang inklusibong pagmamahal sa bawat isa
ang
naglalapit sa atin kay Kristo. At hindi lang tayo, kundi ang lahat ng
bagay ay
magkasamang itinipon sa iisa kay Kristo. Unibersal ang saklaw ng
kaligtasan,
itinupad na sa pamamagitan kay Kristo. Si Kristo ang lahat, at nasa
lahat, para
ang Diyos ay maging pangkalahatan sa lahat. Nawa ay matuklasan natin
ang
pagkakaisa natin kay Kristo at ang unibersal na pagpapahayag ni Kristo
sa ating
kalooban na nasa lahat.
Espesyal na Mensahe
sa Ating mga
Kaibigan sa Ibang
Paniniwala at Kultura
(A
Special Word to Our Friends
of Other Faiths
and Cultures)
Para sa inyo na
parang hindi pareho ng paniniwala
kay Hesu Kristo, gusto ko kayong bigyan ng taos pusong pagbati. Marami
tayong
pareho na maaaring kitang – kita ng mga ordinaryong tagatingin.Tayong lahat ay malapit na
magkakaugnay. Tayong lahat ay nagsasalo sa mistikong pagkakaisa sa
banal na
nasa ating kalooban. Isa sa aming hangarin ay maging
kaakit – akit sa iba na may ibang paniniwala ang paraan ng aming
tahimik na pagtitipon kung saan ang lahat ay nakikibahagi. Malaya po
kayong
makipagkita sa mga nararamdaman ninyong lubusan kayong komportableng
makasama,
sa katahimikan, kahit saan man kayo, at kahit ano pa ang inyong
paniniwala.
Nakahawak sa liwanag, tayo ay magkasamang magkikita.
Nito lang,
habang nagbubulay – bulay sa Biblikal na
Propesiya tungkol sa lahat ng taong kinikilala ang Diyos, nagkaroon ako
ng
panaginip. Nakita ko ang buong sangkatauhan, grupu – grupong nagtitipon
sa
buong mundo, mga tao sa bawat nasyon, tribo at linggwahe, at iba’t
ibang
relihiyon, nag – aantay sa katahimikan. Sabay – sabay, sa buong mundo,
galing
sa katahimikan ay dumating ang direksyon at banal na solusyon sa mga
pagsubok
na ating nararanasan. Sama – samang nagtutulungan, ang mga problemang
tulad ng
pagkakagutom ay madaling naayos. Ang unibersal na kabutihan na
naisakatuparan at
kitang – kita sa lahat ay nagpalaya sa mga tao kahit saan mula sa
kasakiman
tungo sa liberal na pagbibigay doon sa mga nangangailangan. Ang negosyo
ay
nagiging daan para sa pagbibigay sa halip na kita. Ang sagana ng isa ay
nagiging katugunan sa pangangailangan ng iba kasi alam niya na ang labis ng iba ay magiging laan rin sa kanyang
pangangailangan sa kinabukasan. Ito ay napakagandang isipin.
Karapatdapat na
ibahagi ang imahe ng isang mundong
maypagkaalam sa banal, pinagsasaluhan ang pandaigdigang
kaalaman.
Naniniwala ako na ang kinabukasan ay magiging mas maganda, mas lalo pa
dito,
higit pa sa imahinasyon, ngunit siguro ito ang magiging unang hakbang
sa mas
magandang bagay sa sangkatauhan.
Kami ay
magtatapos na ibahagi ang pahina galing sa Quaker
Universalist Fellowship. Ito ay pinamagatang The
Quaker Dynamic: Personal Faith and Corporate Vision. Nawa ang
ating pagkakaisa ay maging pagpapala sa bawat isa at sa buong
sangkatauhan.
Pagpalain kayo.
--- Dean Johnson