Maka-Cristong Unibersalismo, Christ-Centered Universalism (Tagalog Translation)
Ano ang Maka Cristong Unibersalismo?
Ang Ebanghelyo para sa Walang Hanggan ang
pinakamasayang balita na narinig sa puso ng tao.
Tayo ay naipagkaisa ulit sa Panginoon. Ang pagbabati ay
nagawa na. Ang pagtitipon ay naayos na.
Ang pagkakaiba at pagkakahiwalay ay naalis na. Ang
pagkakaisa sa Diyos ay naunawaan at naranasan na.
Ang lahat ng tao ay namumuhay at gumagalaw at nagkakaroon
ng halaga kay Cristo. Ito ang halaga ng aming mensahe.
Si Cristo ang tagapaligtas ng mundo.
Iba't ibang Cristianong Unibersalismo ang
lumalaganap. Ang iba ay sumasang – ayon sa unibersal
na oportunidad, at kahit sa unibersal na konbersyon.
Iba naman ay sa unibersal na pagtatama sa mga
pagkakamali, at ang
ultimatong pagbabati. Ang iba
pa rin ay sa unibersal na pagpapatawad at pag – aayos.
Gaano man kabuti at katanggap – tanggap ang mga
paniniwalang ito, sa karamihan ito lamang ay mga
pinahabang tiyolohikal na kaisipan.
Ang mas nararanasan, at kahit mistikal, ay ang
pagkakaunawa sa Cristo na nasa atin. Na ang Diyos na nasa
loob ng bawat tao ang pinakabasehan ng karamihan sa Quaker
na Unibersalismo. Si Cristo, ang imahe ng Diyos, ay
makikita kahit saan. Siya ang ilaw na nagbibigay
liwanag sa bawat tao. Ito ay mabuting balita sa lahat
ng mga tao.
Gusto namin itong gawing simple. Ayon nga sa kasabihan,
“Sa mga pangunahing bagay Magkaisa; sa mga
di – pangunahing bagay Kalayaan; at sa lahat ng bagay
Kabutihang – loob.”
Ang kadahilanan ng aming ganitong paniniwala ay ang walang
katapusan at walang kabiguang pag – ibig ng Diyos para
sa
buong sangkatauhan. Ang ibang mga tao ay maari pa ring
makadarama ng pagkaiba sa kanilang pag – iisip sa
Panginoon. Ngunit, ipinakita ng Diyos ang labis na
kayamanan ng Kanyang biyaya sa kabaitan Niya sa atin
sa pamamagitan ni Hesu Cristo. Walang makapipigil sa
Kanyang intensiyon na pagmamahal at pinakamataas na
kalooban para pagsamahin ang lahat kay Cristo. Walang
makapapawi sa Kanyang pag – ibig o tuluyang makatatalo
sa Kanyang mapagbiyayang hangarin para sa tao.
The Promotional material and Angelfire advertizing below may not reflect the views of this site.