Tayong Lahat ay – Iisa      We are All - One (Tagalog)


Ito ang tatlong maiksing sipi na kabuuan ng aking
sariling pagpapalagay, pananaw, at paniniwala.

Si Cristo ang lahat, at nasa lahat, (Colosas 3:11).
Na ang Diyos ang lubusang maghahari sa lahat,(1 Corinto 15:28).
Ang nakikipag-isa sa Panginoon ay nagiging kaisa niya sa Espiritu,

(1 Corinto 6:17).

Silang lahat ay nagsasabi sa akin si Cristo ang lahat,
at ang Panginoon ang lahat, at tayong lahat ay... Iisa.

Ang Pag – ibig ay ipinaalam para “pagsamahin ang lahat
ng bagay sa Iisa kay Cristo”, na nagpapakita sa atin
na walang makapaghihiwalay sa atin sa Panginoon, o sa
bawat isa (Efeso 1:10, Roma 5:8,8:39)

Lahat ng bagay ay ipinagbabati ng Pag-ibig, nakikipagsundo sa lahat ng bagay at nilalang maging sa langit at sa lupa,(Colosas 1:20).

Ang pagkakaiba at pagkakahiwalay na nararanasan ng mga
taong nasa kadiliman pa ang pag – iisip ay mga
pansamantalang kasinungalingan, pagkalinlang, at mga
maling paningin lamang, (Efeso 4:18).

Dahil si Cristo ang lahat. Ang Diyos ang lahat. At
tayong lahat ay...Iisa.

Sa pagkakaroon ng kaisipan na kay Cristo makikita
natin ang sagradong paningin sa kabuuan na di nakikita  sa limitadong pananaw ng tao, ang walang hanggan na kung saan ang “Panginoon ang lahat”.

Tinitingnan ang lahat na naisama na sa Panginoon at sa Iisang Espiritu.

Ang iyong kaibigan, Dean Johnson

Dean Johnson Ministries

Tentmaker in Tagalog




The Promotional material and Angelfire advertizing below may not reflect the views of this site.

Philippines