APOY SA KADILIMAN
- RaveN -
Pag-ibig
apoy sa kadiliman
Napakagandang pagmasdan
nakakaakit
kay gandang hawakan.
nakakaenganyo
Lumapit ka't hawakan
Ang init ng liwanag
Nakakapaso!
masakit...
madaling mabitawan.
Kay hapdi
ang hirap gamutin.
Namimintog, namumula
kung minsa'y nagdurugo pa.
Masakit palang hawakan
ang apoy sa gitna ngkadiliman.
Matagal humilom
ang sugat.
At ika'y mapapaluha.
Pagmasdan na lamang
mula sa malayo
Lapitan ng dahan-dahan.
Huwag piliting hawakan.