Halos walang mapagsidlan ang kasiyahan ni COGIE DOMINGO dahil kumita sa takilya ang MMFF movie nilang Deathrow na pareho nilang pinagbibidahan ni EDDIE GARCIA under GMA Films directed by JOEL LAMANGAN.
Sa nabanggit na movie ay marami ang pumuri kay Cogie sa magandang performance na ipinakita niya rito. Impressive kasi ang acting na ginawa ni Cogie, as in, madadala ka nang husto lalo pa't consistent ang acting na ipinakita niya, meaning hindi ito lumaylay, mula simula hanggang sa matapos ang pelikula ay kitang-kita ang husay niya.
Marami tuloy ang naniniwalang for the year 2001 ay posibleng si Cogie ang isa sa maging next important star ng ating lokal na aliwan.
Ano bang reaksyon ni Cogie rito?
"Of course, flattered ako," aniya.
"For me, isang malaking karangalan `yung mapansin ng mga tao ang acting ko sa Deathrow.
"Siyempre pa, very thankful ako sa GMA-Films for the big break na ibinigay nila sa movie career ko same na rin kay direk Joel at kay Tito Eddie Garcia na very supportive sa akin."
"How I wish, na `yung expectations ng mga tao sa akin for this year ay matupad. Sana nga ay marami pang magagandang projects na dumating sa akin ngayong taon," ang may pag-asam na sabi pa ni Cogie.
Nu'ng nakaraang Film Festival, inaasahan din ng karamihan na si Cogie ang mananalong Best Actor, pero ang nagwagi nga rito ay si JOHNNY DELGADO for Tanging Yaman kaya disappointed daw siya sa naging resulta ng MMFF dahil siya ang nanalo rito?
"I'm not disappointed sa naging resulta ng MMFF Award dahil para sa akin, napakaaga pa para makatanggap ako ng ganoong award."
"I guess, hindi pa talaga time for me na manalo ng acting award. Pana-panahon lang naman `yan, e, di ba?"
"Saka, magaling naman talaga si Johnny Delgado. Magaling talaga siyang aktor at deserving siyang manalo.
"And I believe, marami pa akong kakaining bigas bago manalo at makatanggap ng award. Pero `yung ma-nominate ako as Best Actor ay isa ng malaking karangalan para sa akin. Puwede ko na `yong ipagmalaki kahit na paano. Feeling ko, kahit hindi ako nanalo, nanalo na rin ako sa pamamagitan ng nominasyong nakuha ko," eksplanasyon pa niya.
Sabi pa, posibleng si Cogie raw ang mahigpit na karibal ngayon ni PATRICK GARCIA.
Any comment?
"Hindi kami magka-level ni Patrick. Unang-una, hindi pa ako artista, sikat na siya (Patrick). May malaking name na siya sa showbiz. Nanalo na agad siya ng acting award.
"I still consider myself as a newcomer. Two years pa lang ako dito sa showbiz and I guess, marami pa akong dapat maranasan bago maka-level si Patrick.
Pero, handa na ba si Cogie sa kumpetisyong puwedeng mangyari sa pagitan nila ni Patrick?
"It's really hard to say. Like what I've said, wala pa akong gaanong napapatunayan.
Hindi rin naman ako gano'n kasikat. And up to now, I believe na si Patrick pa rin ang number one, kaya mahihirapan akong makipag-compete sa kanya.
"Besides, hindi ako sanay sa competition. Lahat ng ginagawa ko, trabaho lang talaga. I don't take it personally," sagot pa ng bagong.
Isang bagay nga lang daw ang dapat ingatan ni Cogie para mas lalo pa siyang sumikat at ito ay ingatan ang tibok ng kanyang puso.
Sa edad niya ngayon, dapat kasi ay sa career siya mag-concentrate.
"Loveless naman talaga ako ngayon," aniya.
"Yung love, saka na lang talaga but I admit that I have my special someone now.
"Pero career ang priority ko ngayon.
"Saka, mas dapat pa ngang mag-focus ako sa career ko ngayon dahil alam kong marami pang magandang opportunities na darating sa akin, kaya dapat ko pang pagbutihan ang trabaho ko, kaya gano'n naman ang ginagawa ko," ang huling nawika na lang ni Cogie.