From Patrick Ong: I noticed that he was smoking in the film. Is he really a smoker or did he have to learn that for the sake of the film? How does his manager plan to "project" Cogie? What image will he be taking on? Will he be remaining the cool-boy, good-boy actor or will he be placed into a deeper, more complex frame?
No, I don't smoke.
Wala, 'yung wholesome pa rin, natural. Eventually, siguro pagtanda ko na pero ngayon ganito pa rin.
How long do you see yourself in show business?
As long as hindi nagsasawa'yung tao sa akin, nasa showbiz pa rin ako.
How much of a 'say' does Cogie have in choosing his movies and his 'projected image'?
Pinag-uusapan din namin gaya nung isang beses may nag-offer ng "Xerex, the Movie" with Assunta (de Rossi), I think ayaw ng manager ko and ayaw din nung mom ko kasi parang, from "Adok" to "Deathrow" tapos biglang parang bold na. Parang hindi yata ako dapat nandoon. So sumusunod ako sa manager ko, kaya nga manager eh. Hahaha!
Could Cogie describe himself in school or with friends and compare this to his screen image? Perhaps he could compare himself with the roles he's played in his past 3 films. How does his image compare/contrast with how he really is?
'Yung mga ginagawa kong roles in the past, puro inuupakan ako palagi, puro bugbog sarado so sobrang different sa totoong pagkatao ko. Ako sa "gimmick?" Madali ako mainip, depende lang kung may may bagay doon an interesado ako. Madali ako mainip talaga, kunwari magbi-billiards ako pag kulang na mga kasama ko, tatlona lang kami, dalawa na lang kami, lilipat kami. Gusto ko maraming tao na naman, ka-"counterstrike" tapos lilipat na naman, basta may tao.
So you like going to crowded places?
Hindi naman. I mean, kunyari ganitong Friday tapos alam mong 'yung ibang kaibigan mo walang pasok, ang sarap sunduin, ang sarap makisama sa kanila di ba? Mas masarap kung buo kayo lahat.
That's true, I can't imagine a party ending at 12 midnight. (laughs).
Oo! Cinderella naman eh, hahaha!
From Pia C Reyes: What is his real height? I hope you can give me his cellphone number or landline number.
Height ko, 5'10" na. Actually 'yung sa cell phone, wala na talagang privacy kasi maraming tumatawag na hindi ko kakilala, nahihirapan na rin ako. 'Yung iba nangungulit. Siyempre kung sobrang kulit naman tapos nagtatrabaho ka hindi mo pwedeng bagsakan ng phone so hindi ko na lang ginagamit, palagi siyang naka-off. Minsan tuloy pag business hindi ko na masagot. So 'wag na lang, magkita na lang tayo, maliit lang ang Pilipinas.
From Crystal_17: What's your dream date?
Wala akong dream date eh. Siguro dalhin ko 'yung girl na gusto ko, somewhere na kaming dalawa lang pero hindi naman sa motel! Hahaha! Somewhere na, yeah maraming tao pero kayong dalawa lang ang magkakilala. Para mas magkakilanlan kayo, kaya nga date eh!
From Charmaine Mae Balmaceda: Do you have plans to go to college, and what course do you want to take if ever?
Yeah, magtatapos ako ng studies ko. I'm not sure pa kung anong course pero kailangan related to business. Guato ko kasi ng naglalaro 'yung pera, babalik sa'yo, dumu-doble. Saka nakita ko na kung paano magtrabaho 'yung mommy ko, saka kahit ako nung bata pa ako, nag-start na ako sa phones. Saka ayoko ng trabahong naka necktie, ayoko ng necktie.
How versatile are you?
I do drama. I do comedy ngayon. Pareho lang silang okay sa akin.
If you're going to have a chance to be w/ the girl of your dreams to be alone in an island, who's that girl will be and what will you do to make her feel special?
Taga-labas siya ng showbiz eh. Ahm, ano'ng magagawa ko nasa island kami? Hahaha! Ahm, be there na lang to support her, ikuha ko siya ng pamaypay, tubig kung meron-island 'yun eh, mainit. 'yun, simple things that matter, 'yun ang naaalala ng girl eh.
Charmaine's question reminds me of your famous "Mainit kasi" TV ad, are you that indecisive when you're with a beautiful girl? (laughs)
Hindi, hindi. Depende sa girl, iba kasi 'yung may makikilala ka tapos trip-trip lang, okay lang. Yeah, mas aggressive ako or pag friends naman, okay lang talaga, walang problema 'yun. Pero pag mga tipong type ko talaga, matotorpe talaga ako sa kanya. Baka gaganon pa lang ako (extending his arm), pag-iisipan ko pa. Hindi naman talagang torpe pero as compared doon sa nagagawa mo dati, parang hindi ka ganoon ka-aggressive.