Cogie Domingo
Ni Rowena Agilada

Si PAOLO CONTIS ang original choice para sa pelikulang Yakapin Mo Ang Umaga pero napunta `yon kay COGIE DOMINGO. Nalaman daw niyang iniyakan ni Paolo ang naturang pelikula at sumama ang loob nito.

Pero ayon kay Cogie, hindi niya sinulot ang role ni Paolo. In-offer lang daw sa kanya ng Regal Entertainment ang naturang pelikula. Nagulat na lang daw siya nang sabihin sa kanya ng isang reporter na para sana kay Paolo `yon.

"Wala akong kasalanan. Wala akong alam do'n at sana naman, huwag na kaming intrigahin ni Paolo. Ayos naman kami. Nagkasama kami noon sa Cyberkada at naging makaibigan. Sana, huwag maapektuhan ang friendship namin," sabi ni Cogie.

Alam n'yo ba kung bakit Cogie ang palayaw niya? Redmond Domingo ang tunay niyang pangalan. Pogi ang tawag sa kanya ng mommy niya noong bata pa siya. Eh, hindi raw niya ma-pronounce at cogi ang sinasabi niya. Kaya hanggang paglaki niya, nakasanayan na siyang tawaging Cogie (pronounced as kogi at hindi coji).

[back to Interviews]