Cogie Domingo
Ni Jun Lalin

NAKATSIKAHAN naman namin si COGIE DOMINGO sa set ng Idol Ko Si Kap at inamin niyang medyo nagugulat siya sa bigla niyang pagsikat.

Sa ngayon kasi ay hottest teen idol kung ituring si Cogie.

"Sinuwerte lang siguro dahil maganda ang pagpu-push na ginagawa ng GMA 7 management sa akin," sabi ng teen actor.

Inusisa rin namin si Cogie tungkol sa naging relasyon nila ni KRISTA RANILLO, pero ayaw nang magsalita tungkol doon ng teen actor.

"Pareho pa kasi kaming napakabata ni Krista kaya hindi nag-workout ang relasyon namin," sabi ni Cogie.

Well...

Siyanga pala, idininay ni Cogie `yung isyung kung saan-saan siya tumatambay para gumimik.

Kahit daw 15 years old lang siya ay may disiplina naman siya at alam niyang bilang artista ay hindi siya dapat nakikitang tumatambay kung saan-saan na lang.

"Baka iniintriga lang ng iba ang paminsan-minsan kong pagpunta sa Malate. Pero nagpupunta lang naman ako roon kapag nandoon ang manager ko dahil kaibigan niya `yung may-ari ng isang bar doon," paglilinaw pa ni Cogie.


[back to Interviews]