Cogie got rejected by ABS-CBN Sa isang pakikipag-usap kay Cogie Domingo, matapos mapanood sa isang special preview ang kanyang pelikula under GMA Films na pinamagatang Deathrow, sinabi niya na nung bata-bata pa siya ay nag-try siyang mag-apply sa Star Circle ng ABS-CBN pero, tatlong beses nila siyang tinanggihan.
"I did not feel offended or what, basta tinanggap ko lang ang desisyon nila. After all, masyado pa akong bata at the time, mga 10 years old lang ako. Ni hindi ako nakaramdam ng depression. Sabi ko na lang sa sarili ko baka hindi ko pa time. Mag-a-apply na lang ulit ako sa kanila." "I auditioned again, through my friend, Boy 2 Quizon and, this time, I made it. Napasama ako sa Cyberkada pero hindi ako naka-isang taon, natanggal ulit ako ."
Cogie feels na ang mabilis na pagsikat niya ay isang blessing from Above. Ikatlong movie niya ang Deathrow. Kumuha siya ng pansin nang lumabas siyang isang addict son nina Lorna Tolentino at Christopher de Leon sa Yakapin Mo Ang Umaga, a role intended for Paolo Contis.
At 15, marami ang nagtataka kung saan niya hinuhugot ang akting niya.
"Wala akong pinaghuhugutan, hilig ko lang talaga. Maliit pa ako talagang umaarte na ako. Inaartehan ko nga yung mga kasama namin sa bahay.
"I leave everything to my director. Dito sa Deathrow, si Direk Joel Lamangan ang nagturo sa akin kung ano ang dapat gawin. Yung scene where I killed Pen Medina, maraming take yun. Sabi niya gusto niya nagagalit ako sa eksena pero, hindi niya nagustuhan yung galit na ibinigay ko. He explained to me what he really wanted and I was able to do it. I was told nga na pinalakpakan ang scene sa moviehouse and I am flattered that I was able to satisfy the viewers," imporma niya.
Marami ang natutuwa na malaman na gayong pinaghirapan niya ng lubos ang Deathrow ay hindi niya ito napanood nung premier night sa Megamall. Buti na lang at napanood na niya ito sa Louie Cinema nung unang ipalabas ito.
"Hindi ko alam na Rated R ito. Buti na lang pinapasok ako pero kung hindi, okay lang," sabi niya.
When informed na makakalaban niya ng mahigpit sa award ang isa ring kabataang aktor na si Patrick Garcia, sinabi niya na "Magaling siya. Bilib ako sa kanya. Okay lang. Napanood ko na siya."
Kasama niya sa Deathrow bukod kay Eddie Garcia ang isang magaling na cast personally chosen by Diector Joel Lamangan. Like Allan Paule, Rey Ventura, Pen Medina, Tony Mabesa, Mon Confiado, at marami pa. Kasama rin sina Jaclyn Jose at Angelika dela Cruz.