Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

philinde.JPG (37910 bytes)

Hunyo 12, 1898 idineklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang ating kasarinlan kasabay nito ang pagwagayway sa ating pambansamg watawat sa balkonahe ng bahay niya sa Kawit, Cavite. Ito daw ang tanda na malaya na tayo sa kamay ng mga mananakop. Ngunit sa isang sipi ng " Act of Declaration of Philippine Independence " ni Ambrosio Rianzares, mapapansin ang ilang kaibahan. Nababagay ba talaga?

Ayon sa isang pamphlet na isinulat ni  Renato Constantino, may 3 batayan ang Araw ng Kasarinlan(Roots of Subservience, 99)

1. Ang partisipasyon ng mamamayan, ayon dito ang Kalayaan ay hindi magiging totoo kung hindi ito nakamit ng buong sambayanang Pilipino. Ang Kalayaan daw ay mithiin ng bawat Pilipino.

2. Ang Kalayaan ay dapat na maging simbolo na gusto na natin lumaya sa mga mananakop. Ito daw ang tutulong upang hindi natin itigil ang patuloy na pakikibaka laban sa mapaniil na mananakop.

3. Ang Bayani dito ay dapat na kumatawan sa lahat ng mithiin ng bawat mamamayan, ang maging malaya. Dapat siya ay karapat-dapat na mamuno sa atin bayan at walang bahid ng kung ano. Ang gusto nya ay para sa lahat at hindi para sa sarili lamang.

Sa binigay ni Renato Constantino mapapnsin sa sipi ng " Act of Declaration of Independence " ang ilang bagay na maaaring magbigay sa atin ng pag-aalinlangan.

And having as witness to the rectitude of our intentions the Supreme Judge of the Universe,
and under the protection of our Powerful and Humanitarian Nation, The United States of
America
, we do hereby proclaim and declare solemnly in the name by authority of the
people of these Philippine Islands,

and the colors of Blue, Red, and White, commemorating the flag of the United
States of America, as a manifestation of our profound gratitude towards this Great Nation
for its disinterested protection
which it lent us and continues lending us.

In witness thereof, I certify that this Act of Declaration of Independence was signed by me
and by all those here assembled including the only stranger who attended those
proceedings, a citizen of the U.S.A., Mr. L.M. Johnson, a Colonel of Artillery.

" Act of Declaration of Philippine Independence " ni Ambrosio Rianzares Bautista

Mapapansin na kung tunay na tayong malaya bakit sa ating declaration ay nandoon pa ang Amerika. Malinaw na nasa ilalim pa rin tayo ng mga Amerikano pati ang bandila natin ay ibinatay pa natin sa kanila. Saka makikita sa buong sipi ng declarasyon ang mga pumunta dito ay ang mga ilustrado. Alam ba ng mga taga Visayas at Mindanao na nag-deklara si Aguinaldo? Si Aguinaldo siya ba ay karapat dapat na bayani? Maidadagdag pa dito na noong 1907 ayon sa Batas 1969 ipinagbabawal ang paglaladlad ng watawat. Ito lang ang nabago noong 1919 maaaring na tayong magladlad ng pambansang watawat ayon sa Batas 2871. Kaya kung tunay tayong malaya bakit ganito ang nangyari. Ito lamang ang ilan sa mga dahilan dapat lang tayo magkaroon ng kamalayan sa mga ganito. Kailangan aralin at suriin kung ano ang mga tunay na nangyari. Sa nabasa ninyo Nababagay ba ang Ating Kasarinlan?

Sources :

Roots of Subservience ni Renato Constantino - pamphlet

*matatagpuan din sa " Dissent and Counter-Consciousness " ni Renato Constantino

" Act of Declaration of Philippine Independence " - Ambrosio Rianzares        http://www.msc.edu.ph/centennial/declaration.html

Isinulat ni Camille Aquino

Larawan - Camille Aquino