Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

philflag.JPG (52540 bytes)

 

Ang watawat ng Pilipinas, ito ay unang nasilayan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 nang winagayway ito ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kanyang balkonahe ng bahay nya ng ideklara nya ang Kalayaan ng Pilipinas. Ang Watawat natin ay tinahi nina Doņa Marcela Marino de Agoncillo, ang anak niya na si Lorenza at si Mrs. Delfina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal. Ang  disenyo naman nito ay galing kay Heneral Aguinaldo na ibinigay sa kanila sa Hong Kong nung panahon na pinaalis siya ng Amerikano sa Pilipinas.

philinde.JPG (37910 bytes)

Ang disenyo ng watawat ay may ibig ipahiwatig ayon sa marami ang:

PUTI ay nagpapahiwatig ng kalinisan habang ang hugis TATSULOK ay nagpapahiwatig ng pagkapantaypantay. Ang ASUL ay ang kapayapaan at pagkakaisa habang ang PULA ay katapangan ng bawat Pilipino na ipaglaban ang sariling bansa. Ang ARAW naman ay ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino upang makamit ang daan patungo sa kaunlaran habang ang 8 SINAG ay ang Manila, Bulacan,Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna, Cavite at Nueva Ecija. Ito ay ang 8 probinsya na unang nag-aklas laban sa Espanya. Ang 3 BITUIN naman ay ang Luzon, Visayas at ang Mindanao, ang 3 pangunahing pulo sa Pilpinas.

Halos lahat ng Pilipino ay ganito ang paniniwala ngunit kung titingnan sa "Act of the Declaration of Independence" ni Ambrosio Rianzares Bautista mapapansin natin ang tunay na ibig-sabihin ng ating watawat.


And lastly, it was results unanimously that this Nation, already free and independent as of
this day, must used the same flag which up to now is being used, whose designed and
colored are found described in the attached drawing, the white triangle signifying the
distinctive emblem of the famous Society of the "Katipunan" which by means of its blood
compact inspired the masses to rise in revolution; the tree stars, signifying the three
principal Islands of these Archipelago - Luzon, Mindanao, and Panay where the
revolutionary movement started; the sun representing the gigantic step made by the son of
the country along the path of Progress and Civilization; the eight rays, signifying the eight
provinces - Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, and
Batangas - which declares themselves in a state of war as soon as the first revolt was
initiated; and the colors of Blue, Red, and White, commemorating the flag of the United
States of America, as a manifestation of our profound gratitude towards this Great Nation
for its disinterested protection which it lent us and continues lending us.

- bahagi ng " Act of Declaration of the Philippine Independence " ni Ambrosio Rianzares Bautista matatagpuan ang buong kopya sa http://www.msc.edu.ph/centennial/declaration.html

Makikita natin ang ilang pagkakaiba

Ayon sa ilang Libro

Ayon sa Proclamasyon

Asul Kapayapaan pasasalamat sa Amerika
Pula Katapangan pasasalamat sa Amerika
Puti Kalinisan pasasalamat sa Amerika
3 Bituin Luzon, Visayas, at Mindanao Luzon, Mindanao, and Panay
Araw ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino
8 Sinag Manila, Bulacan,Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna, Cavite at Nueva Ecija Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, and
Batangas

sa nakita ninyo alin ang paniniwalaan ninyo?

" Lupang Hinirang "