Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Day 3: December 18

Reflection on Mt. 1:18-25

by Danny C. Clamor

 

            "Ang Disyembre ko ay malungkot.” "Pasko na sinta ko, hanap‑hanap kita..." Ito'y iilan lamang sa mga halimbawa ng mga makabagbag‑damdaming awitin sa panahon ng Pasko lalung‑lalo na sa mga nagmamahalan o mag‑asawang medyo nagkarkaoon ng hindi pagkakaunawaan o tuluyan ng naghiwalay ng landas. Kapag ang babae at lalaki ay nagpakasal, ang tawag nila sa isa't‑isa ay ASAWA, di po ba? Subalit kapag dumating na sa puntong nagkakaproblema, siguro masasabi natin na silang dalawa ay "SAWA” na sa buhay mag‑asawa. Kapag hindi naagapan at lumala ang problema ay siguradong "AWA" na, lang ang matitira. At kapag tuluyang ng nagkakalabuan silang dalawa, ang resulta sigurado ay "WA na" Ang ibig sabihin nito ay tuluyan ng nasira ang kanilang samahan bilang mag‑asawa.

 

            Ito po'y nabanggit ko sa inyo dahil ang ating Ebanghelyo ngayon ay nagpapakita ng sitwasyon ng mag ‑ asawang Jose at Maria, at ng "paparating" nilang anak na si Hesus. Subalit sila ay kabaliktaran ng mag‑asawa sa kuwento ko. Ipinapakita sa atin ang‑bagay na taglay ni Jose bilang asawa at ama.

 

            Inilalarawan ng ebanghelyo si Jose bilang isang matuwid o MABUTING TAO (Mt 1:19 "...siya ay isang matuwid...").  Isa, siyang tapat na tagasunod ng Batas ni Moises, at alam niya ang mangyayari kay Maria sakaling malaman ng ibang tao ang kanyang kalagayan.  Kaya minabuti niyang lunch sabihin ito sa iba. Ito ang unang magandang katangian ni Jose, ang pagiging MAAWAIN. Hindi niya hinayaang mapahiya

sa ibang tao si Maria (Mt 1:19 '...at hindi niya ito ipinahintulutang masadlak sa kahihiyan). Minabuti niyang ilihim sa lahat ang mga pangyayari at hayaang unawain kung ano ba talaga ang ibig ipahiwatig ng mga ito sa kanya.  At nang ipaliwanag ng anghel sa kanya ang lahat, siya'y ay dagling sumunod ng malugod at matiwasay sa mga sinabi nito. Ito ang pangatlong magandang katangian ni Jose bilang isang asawa at ama, ang pagiging MASUNURIN (ML 1:240 "...sinunod niya ang sinabi ng anghel ng Panginoon..:') ... Alam niya na ang kaniyang ginawa ay pagsunod sa kagustuhan ng Diyos. Ito'y pagsunod sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang asawa.  At sa kanyang pagiging masunurin ay ipinakita niya ang kanyang pagiging TAPAT sa kanyang sumpa sa Diyos at kay Maria (Mt 1: 19 "at dinala niya ang kanyang ASAWA sa kanilang tahanan").

 

            Kung ating babalikan ang nilalaman ng pagbabahaging ito, tayo ay may natutunang magandang katangian ni Jose na dapat sundin o pamarisan. Ito ay ang pagiging mabuti, maawain, masunurin at higit sa lahat ay pagiging tapat.

 

            Hindi lamang sa mga mag‑asawa, kundi para sa ating lahat ang isinasaad sa ating ebanghelyo. Ito ay batay sa ating katayuan sa buhay. Kaya nga hindi sinabing isang mabuting asawa lamang kundi isang mabuting tao. Kung ikaw ay isang asawa, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung may angkin ka ring magagandang katangian bilang isang asawa? Pinaglilingkuran mo ba ang iyong pamilya gaya ng iyong sumpa sa harap ng karamihan noong ikaw ay ikasal? Ang isang magandang tanong: Alam po ba ninyo ang inyong sinumpaang tungkulin bilang isang asawa at isang magulang ng inyong magiging mga anak noong panahon ng inyong kasal? Nasasaad sa Code of Canon Law Bilang 1055, talata 1: "the marriage covenant, by which a man and a woman establish between themselves a partnership of their whole life, and which of its very own nature is ordered to the well‑being of the spouses and to the procreation and upbringing of children, has, between the baptized, been raised by Christ the Lord to the dignity of the sacrament" Ito'y kagaya din ng karanasan nina Maria at Jose bilang mag­-asawa. Sa unang mga araw pa lang ay nagkaroon agad sila ng pagsubok.  Subalit naging matatag ang bawat isa sa kanila, kaya hindi nasira ang kanilang pagsasama

 

            Kung ikaw ay isang anak, guro, nars, doctor, pari o anumang katayuan sa buhay meron ka, naging kalugod‑lugod ba sa iyong kapwa ang mga ginagawa mo? Ito ang tanong na nagiging hamon sa atin ng ebanghelyo ngayon. Hindi lamang sa panahon ng kapaskuhan, ngunit sa bawat araw ng ating buhay. Huwag na nating hintaying "magsasawa" na sa atin ang ating mga mahal sa buhay o ating kapwa. May panahon para maiwasan nating mapakanta ng "Pasko na, sinta ko...” o "Ang Disyembre ko ay malungkot..."