Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Day 3: December 18

Reflection on Mt. 1:18-25

by Manuel F. Labing, SP

 

Attention Technique. Tumawag ng tatlong lalaki magbigay ng isang situation

Situation:

            Malapit ka ng ikasal dahil ipinagkasundo, ka na ng mga magulang mo sa babaeng pakakasalan mo at ang hindi mo alam siya'y naglilihi na pala. Ano ang gagawin mo sa pagkakataon yun tatakasan mo ba o pakakasal ka kahit alam mong naglilihi na siya? Huwag munang sasabihin ang sanhi ng paglilihi ng magiging asawa. [At sa bandang huli ng pagtatanong ay sasabibihin ang dahilan ng paglilihi ng kanyang pakakasalan babae. At ang dahilan ay ang Espiritu Santo.]

            Bakit ko na banggit ang tanong na ito? Sapagkat ang ebanghelyo natin ngayon ay tungkol sa nalalapit na pag‑iisang dibdib si Maria at Jose. Subalit bago dumating ang araw ng kanilang kasal ay natagpuan naglilihi si Maria. Dahil si Jose ay matuwid na tao at ayaw niyang mapahiya si Maria kaya binalak niyang hiwalayan ng lihim si Maria.

            Ngayon ay ikatlong araw na ng ating simbang gabi. At pagnilayan natin ang halagahan ang sakramento ng kasal o pag‑iisang dibdib ng isang babae at lalaki.

            At sa puntong ito tatlong puntos ang gusto kong bigyan ng pagninilay hinggil sa sakramento ng kasal. Unang puntos, ano ang kahulugan ng sakramento ng kasal? Ikalawang puntos, ano ang dalawang mahalagang katangian ng sakramento ng kasal? At ang pangatlong puntos ay sino ang dapat tatanggap ng sakramento ng kasal?

            Una, sakramento ng kasal? Ang kasal ay ang pagsasama ng dalawang taong malaya at walang pananagutan sa buhay. Ang ibig sabihin ay binata at dalaga. "Marriage is the conjugal union of a man and woman who are free impediments, which binds them to a life lived in common and together. (hand book of moral theology)

            Maliwanag sa ating pakahulugan na ang kasal ay ang pasasama ng dalawang tao na walang pananagutan ka nino man, Tulad sa ating ebanghelyo si Maria at Jose ay kapwa walang pananagutan.

 

            Ikalawa, Unity (Kaisahan) at ang indissolubility (Di mapaghihiwalay) ng kasal (Canon # 1056) ito ang dalawang mahalaga katangian ng kasal. Sa kristiyanong pagpapakasal itong dalawang mahalaga sapagkat kung walang pagkakaisahan (unity) ang dalawang gustong magpakasal ang bunga ng kanilang pagsasama ay hindi magiging maganda, sapagkat puro na lang ayaw.

 

            Ikatlo, babae't lalaki ang puwedeng tumanggap ng sakramento ng kasal. ("That is why a man leaves his father and mother and is united with his wife, and they become one” Gen 2:24) makikita natin na talagang itinalaga na ng Diyos ang Babae at Lalaki upang magsama. Sa makatuwid hindi puwede ang babae sa babae at lalaki sa lalaki. Sapagkat kung magkakaganun man ay hindi sila puwedeng ikasal. Ito ay maliwanag sa Biblia.

            Naalala ko ang isang estorya na hango sa librong may parnagat na "Dialogues of Love" by Msgr. Ruperto C. Santos,

 

"This is a story of husband and his wife. They have been married for ten long years. But the wife suffered so much from her husband. She was not treated as a wife or as a person because she had no college education, while the husband was a successful career person.

The husband was so ashamed of his wife. He maltreated her and humiliated her. By accident the husband became blind. He advertised for an eye donor. Time passed until an anonymous donor offered her eyes. By God's providence the operation was a success.

But the husband was so upset with his wife. She did not visit him the entire time he was in the hospital for the eye operation. He went home with a violent plan to abandon and beat his wife. But when he came face to face with his wife, he noticed that his wife was blind. She was the anonymous donor! He was consumed with shame and guilt. And with a contrite heart he asked, why did you do that for me? The wife simply and calmly answered, "Because, in spite of everything, I still love

you!"

Ano nga ba ang kasal? Sa kuwento ito na ninyong narinig, nakapaloob dito ang dalawang mahalagang kailangan sa mag‑aasawa. Ito ay ang unity at ang indissolubility ng kasal. Mapupuna natin sa kuwento na kahit ano pa man ang mangyari ang dumating sa kanila o sa ating buhay may­-asawa ay dapat panatiliin pa rin nilang matatag, nagkakaisa at pagmamahal ang kanilang pagsasama, sapagkat pinag‑isa na sila ng Diyos.

            Ilang puntos lang ang paalala sa atin ng estorya: maging matatag sa buhay may‑asawa. Ang tunay na pagmamahal sa parte ng babae, Understanding, kailangan sa mag‑asawa at ang mahalaga dito ay ang katapatan at pagmamahal na dapat naka-ugat sa pagmamahal ng Diyos.

            Bilang hamon sa lahat ng may‑asa at sa mga mag‑aasawa gaano ninyo pinaninindigan ang mga pangakong binitawan ninyo noon kayo ay bago pa lamang nanliligaw at ikasal?

            At kayo naman mga magulang at tayong lahat, ano ang atin obligasiyon at karapatan na maaari nating gawin upang hindi humantong ang mag‑asawa sa hiwalayan at manatiling silang matatag sa kanilang pagsasama? C #226, sinasabi dito na kailangan natin magsumikap, buo ng isang sambayanan ng Diyos sa pamamagitan ng kasal at pamilya.

            Pangalawa, C #226, to educate them and to ensure the Christian education of their children in accordance with the teaching of the church. Especially, ang kahalagan ng kasal ayon sa itinuturo ng inang Simbahan. 

 

Bilang kristiyano ano ang magagawa mo para sa parnilya mo? AMEN...