Day
3: December 18
by Ronie R. Teman SVD
I. Assertion:
Ang Bugtong na anak at ating Panginoong Hesukristo ay isinilang sa pamamagitan ni Birheng Maria. Siya ay tatawaging "Emmanuel", na ang ibig sabihin ay "kapiling natin ang Diyos".
A.
Attention Technique:
Ayon sa tradisyon‑kasabihan ng mga Tausog. Ang panganay raw na anak ay ang pinakaswerte sa lahat. Duon nakatuon. ang atensyon ng mga magulang at mga lolo at Iola. Kalimitan naging "laki sa layaw" ang panganay na anak sapagkat lahat ng atensyon ng mga taong nakapaligid sa kanva, ay naitutuon sa kanya lahat. Subalit, hindi naman ito nangangahulugang hindi nila mahal ang iba pang sumunod na kapatid. Binigyang diin lang dito ay sa kadahilanang matagal na nila itong hinihintay, ang unang pagsilang ng sanggol. {Encyclopedia of Phil. Falk belief and Customs, Vol. 11 {1991}, p, 404
B.
Bridge:
Pinagtuunan
ng pansin ang pagsilang ni Hesus sa ebanghelyo natin
ngayon, ayon kay
II.
Body:
Sa ikatlong araw ng ating Misa‑Novena para sa kapaskuhan, muli tayong inaanyayahan na ituong muli ang ating atensyon sa mensahe na hatid ng kapanganakan ni Hesus. Tatlong bagay ang ating tandaan:
1. Atensyon ‑ ituon natin kay Hesus ang ating saloobin. Si Maria at Jose ay nakatuon sa mensahe ng Anghel, sila'y nabagabag, subalit sa kabila ng lahat, nauunawaan nila ang hatid na mensahe nito, sapagkat, atensyon ang namayani sa kanila, at nakikinig sa sugo ng Diyos.
Ang ating pamilya at lipunan,
ay nabagabag sa hirap at hikahos na dinanas natin ngayon, alam natin ang krisis
ng buhay, ang mga nangyayari sa paligid, na minsan ay dulot ng ating kapabayaan,
ito marahil ang bumabagabag sa atin upang mawalay ang ating atensyon sa
pagdating ng Poon. Ang hamon sa ating lahat, wag
nating kalimutan ang hatid ni Hesus sa kanyang pagpaparito sa ating piling-bigyan
natin ito ng lubos na atensyon upang lubusan nating maunawaan ang kanyang
pagdating.
2. Panalangin ‑ Puspusin natin ng panalangin, kasama ang ating buong pamilya at mga kaibigan ang ating pag‑aantabay sa kanyang pagparito, wag tayong padadaig sa tukso at hamon ng buhay, ituon natin ang saloobin sa tunay na diwa no kapaskuhan.
Kasama ng ating mga panalangin ang pakikiisa sa ating barangay, pagkalinga sa mga lubos na nangangailangan, pagtalima sa mga kapitbahay at pagkakabuklodbuklod ng barangay para sa payapang pagdiriwang ng kapaskuhan.
3. Kapiling natin ang Diyos ‑ Hindi lang ang paghango sa ating hirap na dulot ng ating kasalanan ang kanyang pagpaparito sa ating piling, bagkos, dala nito ang pag‑asa sa buhay na hangad nating lahat ‑ ang buhay na walang hanggan. Nagkatawang‑tao si Hesus, upang makiisa sa ating tuwa at kagalakan, lungkot at hinagpis, na sa ating pagialakbay dito sa mundong ibabaw, meron tayong pagasa sa Kanya, pag‑asa sa katiwasayan ng buhay.
III. Relevance:
Lubos nating madama ang piling ng Diyos, kung tayo ay tumugon sa hamon ng buhay kasama niya. Ngayong darating na pasko, tayong mga Pilipino ay nagkakabuklod‑buklod bilang isang mag‑anak, taglay ang galak at sigla; naway maipamamahagi natin ito sa iba sa pamamagitan ng pagtulong, pakikiisa, at kapayapaan para sa lahat.
IV. Conclusion:
Tandaan natin: Atensyon para sa pagpaparito ni Hesus. Panalangin para sa kanyang pagdating sa ating piling at gunitain natin ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pagbabahagi, pakikiisa, pagbibigayan, pagpapatawaran at kapayapaan sa lahat. Upang handa nating ipahayag ang mga katagang: "Kapiling natin ang Diyos" ... magpakailan man.