Day 4:
December 19
Reflection on Matthew 1:18‑24
by
Clifford M. Miras, SP
Paunang salita:
Mga
kapatid: Ang bawat isang binyagang Kristiyano ay tinatatawag sa iisang misyon,
ang pamayanihin ang kagandahang loob ng Diyos sa buong, daigdig, Bagamat tayo
ay may iba't ibang kakayanan, talento, karisma at pagkatao, tayo ay pare‑pareho
ng hangarin na makatupad sa kalooban ng Diyos. Tulad ng isang
katawan, bagamat ibat'iba ang bahagi pero iisa ang pinaka‑ulo at ito ay
si Kristo. Walang saysay ang ating pag‑iral sa
daigdig na ito kung sasarilinin lang natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa
atin at hindi gagamitin sa pagpapaunlad ng kanyang kaharian. Tayo nang
ipagdiwang ang pasasalamat natin sa Diyos sa
pagkakapili Niya sa atin na makibahagi sa kanyang misyon.
Nilalaman:
Sa seminaryo meron kaming kasama na matanda, (73 yrs old) na
aming tagaluto halos ilang taon na rin ang inilagi nya doon sa seminaryo,
samakatuwid ilan na ring naging pari ang napaglingkuran nya. Masipag,
maalalahanin, tapat sa trabaho, higit sa lahat buong
pusong naglilingkod. Gumigising ng alas kwatro ng umaga upang ang mga
seminarista ay may maalmusal. Ayaw nya kasi na ang mga
seminarista ay mahuhuli sa alsa siete na almusal kaya maaga pa gising na.
Almusal, Tanghalian, Merienda, Hapunan yan ang malimit niyang gingawa sa halos simula pa na ng itatag ang seminaryo naming. Ang kanyang pahinga ay magtanim ng sayote
upang pandagdag sa ulam.
Isang
araw tinanong ko siya: Lola hindi po ba kayo
nahihirapan sa amin, sa ginagawa nyo araw-araw? Araw‑araw gumigising
kayo ng maaga upang ipagluto kami, minsan makukulit pa. Maaarte pa nga sa mga ulam. Minsan sabi naming kami na
ang bahala kasi alam din naman naming magluto kahit papaano. Nagulat ako sa kanyang isinagot " Anak eto lang ang tanging paraan
ko para makatulong sa mga taong espesyal sa akin at higit sa. lahat sa mga
taong pinili ng Diyos na maglingkod sa kanya, alam ko rin na anumang ginawa ko sa inyo ay para na ring ginagawa ko
sa kanya, mahal ako ng Diyos
kaya nais ko rin na ipadama ang pagmamahal na bigay sa akin.”
Sa ating Ebanghelyo ngayon tahasang sinasabi o ipinaaalala
ng isang huwarang si Jose na sumunod sa kalooban ng Diyos ng pagpakitaan siya
ng angel na huwag hiwalayan si Maria. Sinunod niya ang Diyos nanaaayon sa kalooban. Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay hindi
garantiya na hindi na tayo magkakamali sa ating mag desisyon, bagkus ito'y
isang kasiguruhan na hindi tayo mapapariwara( mapapasama).
May mga
taong nagtatanong kung bakit nangyari ang ganito sa
kanila, minsan ang Diyos, pinapayagan din na magkamali ang tao, subalit dito
nakikita ang pagkilos ng Diyos itoy itinatama o iwinawasto sa mga taong lubos
ang pananampalataya at nagnanais sumunod sa kanya. Ang tao nakakaranas ng bagyo
at madidilim na karanasan subalit kapalit naman nito'y
ginhawa at liwanag ng buhay.
Ang
karanasan ni Jose isang magandang mapagnilayan natin
sapagkat paminsan-minsan tayo ay nahaharap sa isang mahirap na pagdidisisyon sa
ating buhay lalo na ang buhay moral natin at kailangang makapagdisisyon tayo na
naaayon sa maganda. Yung pag-uugali ni Jose ito'y
isang perpektong halimbawa ng isang taong nagbibigay na naaayun sa kalooban ng
Diyos na walang reklamo't walang pagsuway. Tayo kasing mga tao kunting
paghihirap lang reklamo agad, mga seminarista pag di masarap
ang pagkain reklamo agad. Yung pagbibigay ay di nangangahulugan ng pagbibigay
ng malaking pera sa kapitbahay. Gawin natin ito tapos
Anu na? Kasi tayo nga ay mahihilig dun sa pag nagbigay lahat o lubos tapos wala na kasunod,
makabigay ok na. Tawag sa mga taong ganun malabnaw!
Mga
kapatid hamon sa atin ng Ebanghelyo ngayon ay patuloy
na pagbibigay, kahit na simple basta ito'y bukal sa loob at tapat ito'y
magiging ugali na rin. Si Lola kahit na matanda na at
simple ang niluluto para sa mga seminarista di nagtagal sumasarap din kasi nga
buo at tapat ang pag‑aalay niya ng sarili sa seminaryo. Nang ang tao ay iniligtas ng Diyos sa kasalanan di bagat hindi niya ginamit ang kanyang
kapangyarihan bagkus ay ang kanyang, anak na nagkatawang tao at upang unti‑unting
malaman ng tao kung gaano, niya kamahal. Diba't isang perpektong halimbawa ito
ng tunay na pagbibigay, "Though he was in the
form of God, Jesus did not deem equality with God something to be grasped at,
rather he emptied himself and took a human form." Na bagamat siya'y Diyos,
hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, Bagkus
hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka‑ Diyos, nagkatawang‑
tao at namuhay na isang alipin (Filipos 2:6‑7).
Konklusyon:
Tayo
ngayon ay nasa ika-apat na Linggo ng Adbyento.
Tanongin natin ang ating sarili: Gaano ko nagagawa ang
pagbibigay ng bukal sa loob? Ito ba'y ginagawa ko
dahilan sa may humihingi ng tulong? Anong uri ng pagmamahal ang ipinapakita ko sa aking kapitbahay? Ito ba'y pagmamahal na naaayun sa pangsarili lamang o pagmamahal na nakaugat kay
Kristo na siyang pinakang pinag-uugatan ng pagmamahal?
Naway sa
Panahon ng Adbyento ay magdala sa atin patungo sa Diyos at naway matamo natin
ang tunay na pagbibigay ng may tapat at bukal sa loob. Maging halimbawa nawa tayo
sa iba ng tunay na pagbibigay ng sarili sa Diyos.