Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Day 5: December 20

Reflection on Luke 1:26-38

by Christian Borabo, Tahanan ng Mabuting Pastol

 

            Pakibati muna ng iyong katabi ng Magandang Morning pakisabi din ang ganda ganda mo kapatid kaso may muta ka pa (Kung lalaki ang katabi ang pogi mo) Or baka di mo maatim ang mukha ng iyong katabi, joke only...

            Malimit sa ating kulturang Pilipino isang kagalakan at malimit ihayag kung ang isang babae ay nagbubuntis o nagdadalantao lalo na pag‑may asawa at unang magiging anak pero pagdalaga nakupo eh katakot‑takot na pangangaral, noon iyon, ewan ko ngayon, marahil may kagalakan pa pero malimit maririnig mo parang napakaordinaryo na, may isang kuwento tungkol diyan may mag‑ama pinalaki niya ang kanyang anak na babae sa tamang daan ngunit ng ito'y nagdadalaga malimit umuwi laging may bagong pauso, unang uwi galing sa gimik, nakasleveless at may hikaw sa ilong, nagalit ang tatay pero, dahil mahal niya pinatawad kasi sabi ng anak niya, tay uso po ngayon. Pangalawang gabi lasing at naninigarilyo, dahil uso katuwiran niya sa tatay at mahal siya ng tatay pinatawad uli, at naglaon, isang araw umuwi, buntis, iyak ng iyak ang anak at nagsabi sa tatay, buntis po ako, alam ninyo sagot ng tatay, uso ba iyan ngayon, ay tama na nga, bakit tayo napunta sa bagay na iyan... sapagkat mga kapatid sa araw na ito ang mga pagbasa ay patungkol sa pagpapahayag ng kapanganakan ni Hesus‑ The Announcement of the birth of Jesus.

            Ngunit, ano ang ipinapahayag nito sa ating pagdiriwang ng pag‑aantay or ngayong panahon ng adbiyento? Ito ay upang muling isilang ang ating tagapaligtas sa ating buhay sa kabila ng karahasan at kadiliman sa mundo.

 

            Una, Ang pagpapahayag ng kapanganakan ni Hesus ay pagpapahayag ng Diyos, pag may ipinapahayag ibig sabihin ay may nais iparating, ano iyon, malinaw si Hesus, ipapanganak ng isang babae, Maria ang ngalan, subalit di basta, lamang ipapanganak ngunit ito'y nagpaphayag ng isang biyaya sa sanlibutan, ang tagapagligtas o ang Emmanuel ay isisilang na siyang binabanggit sa unang pagbasa kay Isaias. Kagaya ng tayo'y ipinanganak laking tuwa ng ating mga magulang kaya kung naalala natin ang awit na Anak, sino kumanta?(Sagot, Freddie Aguilar, testing lang kung kayo'y gising pa) Pero ngayon tanungin kaya natin ang ating mga magulang, sige nga? Ano kaya ang magiging sagot (Pag-usapan niyo na lang ni Nanay ). Ngayon po ang pagpapahayag na ito ng Diyo's ay kaloob niya sapagkat di tayo ang may kusa bagkos ito'y pinagkaloob sa sambayanan niyang mahal. Kaloob kaya't sa pagpapahyag ng kapanganakan ni Hesus sinasabi sa atin di lang kay Maria, "Aba, puspos ka ng biyaya, Ang panginoon ay sumasayo". Mga katagang masasabi natin na tayo ay mapalad sapagkat ito ang simula ng ating misyon, na alam natin dahil sa binyag tayo'y nakikiisa sa pagpapahayag na ito. Ngunit ang lahat ay may kaakibat na misyon gaya ni Maria, ika'y magdadalantao" isang misyon, na tayo'y Magkakaroon ng karapatan sa pamamagitan ng Biyaya ng Diyos‑ ang palaganapin ang Mabuting Balita at sumunod sa utos ng Diyos na may panawagan ng pagsasabuhay. Dahilan din ito na dahil sa bisa ng binyag at kumpil tayo ay may obligasyon bilang isang sambayanan ni Kristo. Base nga sa batas ng simbahan tayong mga hinirang ni Hesus di lang kaming mga pari, madre, Obispo bagkus tayong lahat, ay may karapatan at tungkulin ngunit malimit di natin alam, Kaya makinig ka... una para sa mga tinawag sa bokasyon ng pagaasawa, magsumikap pag-ibayuhin na buuin ang sambayanan ng Diyos. At bilang biniyayaan ng mga anak tungkulin ng mga magulang ang turuan ang mga anak ayon sa kristiyanong pananampalataya na naaayon sa turo ng inang simbahan. Bilang mga layko, karapatan natin ang magkaroon ng kalayaan sa mga secular na pangangailangan subalit kalayaang naaayon sa diwa ng katotohann ng ebanghelyo at mayroong maluwalhating pagtanggap sa turo ng mga namamahala sa simbahan na mayroon ding karapatan ng pagpapahayag tungkol sa mga turo ng simbahan. At di lang iyan karapatan ng bawat layko na may kakayahan at karapatdapat sa pamamalakad ng simbahan halimbawa sa mga programa ng simbahan, pagiging lector, commentator, choir at iba pa. At karapatang hubugin sa kaalaman at mga turo ng simbahan at marami pa. Kaya't ang hamon maging masigasig tayo sa pagsabuhay ng salita ng Diyos. At alam ko marami tayong kuwento sa tunay na relasyon ng Kura paroko at parokyano, ako anong mayroon kaya...

 

            Subalit di diyan nagtatapos kinakailangan natin ang sagot o Tugon kaya't ikalawang punto, Pagtanggap sa pagpapahayag, paano?

           

Una, sinabi ni Maria sa kabila ng kanyang pakakagitla, at pagdidilidili siya'y nagpaubaya sa salita ng anghel, Huwag Kang Matakot, kaya kailangan ay buong galak na pagtanggap, ang ibig sabihin ng mga kataga, tinanggap niya ito ng maluwalhati, tayo sa maraming beses alam natin na tayoy bininyagan subalit ilan sa atin ang tumanggap ng misyon, karapatan at obligasyon gaya ng mga nakasaad sa batas ng simbahan? Ngunit, sa kabila ng ating kapusukan at kahinaan malimit tayo'y nagdadalawang isip datapuwat sa huli tayo'y aasa din sa biyaya ng Panginoon. Halimbawa din po, ilan sa atin ang masugid na nagsasabuhay ng kautusan ng Diyos, ang unahin si Hesus sa ating buhay at maging sentro ng ating buhay? minsan mas mahalaga at iniidlolo pa natin si krystala, si marina at ang mga mulawin, ay naku baka sabihin niyo si fr. naman napakakilljoy hayaan niyo nanood din ako, pero ito po ang katotohanan ng ating pagsasabuhay ng pananampalataya. Naalala ko ang isang kuwento, may isang matandang dalaga na sa edad 74, sa aking pinag exposuran sa Mindanao malimit maririnig ko sa kanya, tanging Diyos lang ang bumubuhay sa akin araw‑araw, sa kabila ng kanyang mahinang pangangatawan, si nanay susing, ay patuloy pa rin sa pananalangin na kahit sa layong 15 kilometro siya ay pupunta sa parokya na naglalakad tuwing unang biyernes ng buwan para magsimba at babalik kinaumagahan naglalakad lamang kasama ang iba pang matatanda na malayo din ang pinanggalingan, hindi ba ito'y pagtangap sa Diyos ng may kagalakan ng buog puso.

           

Ngunit minsan kagaya ni Maria di natin maintindihan ang ating tugon masabi nawa natin ako'y nagagalak sa iyong kapanganakan o Hesus at handing magalay ng sarili. Sana lagi simbang gabi marami ang nagpapahayag ng kagalakan sa pagaantay sa kapanganakan ng anak ng tao‑ si Hesus.

           

Ikalawang punto, Pagpapaubaya, sa wika ni maria, "Narito ang lingkod ng panginoon. Maganap nawa sa akin ang iyong sinabi"... wika ng pagpapaubaya na walang pagaalinlangan,( Waring ikuwento ang ang vocation story o pagtugon mo sa bokasyon or puwedeng gumawa ng kuwento tunkol sa pagtawag sa nais maglingkod sa simbahan) hindi ba ito'y isang halimbawa ng pagpapaubaya na may pagmimisyon bilang tugon sa panawagan ng pagpapahayag ni Maria sa kabila ng pagiging tao.

 

Ngayon ano ang hamon, Magalak na tumugon at Magpaubaya, sa papanong paraan , maging tapat sa pananampalataya, maglingkod sa simbahan, at magsabuhay ng Pag‑ibig ng Diyos sa pagbibigay ng sarili sa kapwa....

 

(Bilang pagtatapos pasundin sa iyong mga sinasabi ang mga tao) Sabihin mo sa katabi... Kapatid gising na, Magmadali sapagkat, nariyan at na sa atin na ang paghahari ng Diyos, Tumugon ng may Galak at magpaubaya ki Hesus... Ipahayag natin an ating pananampalataya.