Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Day 6: December 21

Reflection on Luke 1: 39-45

by Cornelio P. Esguerra Jr., mace

 

Attention Getting Technique:

                Sa pagbisita mayroon tayong tinatawag na bumibisita at binibisita o dinadalaw at dumadalaw. Ganoon din naman, iba‑iba rin ang pakay sa pagbisita o pagdalaw Maaaring ang pagbisita. ay magmula. sa isang kamag‑anak o kaibigan na matagal mo nang di nakikita. (yung buhay ha! Ibang usapan na pag patay na bumibisita o dumadalaw sa iyo!) at muli ay may pagkakataon kayong magbahaginan ng mga kanya‑kanyang karanasan habang kayo'y malayo sa isa't‑isa. Maaari din naman na ang pagbisita, ay magmula, sa isang taong sumusuyo sa isang binatang lumiligaw sa isang dilag upang magkaroon ng mas malalim na ugnayan. At kapag ang isang tao ay may sakit o nalulumbay siguradong may pagbisitang magaganap mula sa taong nagmamahal sa kanya upang buhayin ang kanyang loob at magpakita ng malasakit.

            Karaniwan sa mga bumibisita, may mga bit‑bit iyan na pasalubong o regalo sa kanilang binibisita diba kaya gusting‑gusto nating binibisita tayo. Sa ating unang halimbawa, ang kamag‑anak o kaibigan na matagal nating di nakita na marahil ay "nag‑abroad" siyempre inaasahan natin na may imported na pasalubong yan sa atin. Samantala, sa isang bumibisitang manliligaw, karaniwan diyan ang pagbit‑bit ng "chocolate and flowers" para sa liniligawan. At sa mga dumadalaw sa may sakit naman, siyempre may dala laging prutas yan o gamot na maaaring makatulong sa maagang paggaling ng maysakit

 

Lead in:

            Sa ating ebanghelyo ngayon, may nangyaring "pagbisi&' rin! May bumibisita at may binisita. Si Maria ay bumisita sa kanyang pinsang si Isabel. May "bit‑bit" bang pasalubong, si Maria at ganoon na lamang ang katuwaan o kagalakan ng kanyang pinsan na si Isabel na napabigkas ng mga katagang: "Sino ako para dalawin ng ina ng aking Panginoon?"

            Kung ating susuriin, ang bumibisita ay isang ordinaryong babae na "nagdadalang tao" na nagnanais paglingkuran ang kanyang binibisitang pinsan na "nagdadalang tao,' rin at niya, ay ordinaryong babae lamang ng mga panahong yon. Pasintabi po sa salitang "babae lamang" sapagkat noon panahon po nila Maria at Label, ang mga kababaihan sa kanilang kultura ay tinuturing na mababa ang uri sa lipunan. Pero bakit sa isang ordinaryong babae (Isabel) lumulan ang propetang maghahanda sa dadaanan ng manunubos? At, bakit sa ordinaryong babae pa rin bumisita ang anghel ng Panginoon at ibinalita ang "pagbisita!" sa kanyang sinapupunan ng manunubos? Ordinaryo, simple, mababa sa lipunan, "babae," pero naglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap sa misyong ibinigay sa kanila: ang ilulan at arugain ang magiging "pasalubong ng Diyos sa sanlibutan, si Kristo na may bit‑bit ding pasalubong na krus pam sa ating kaligtasan. Si Maria, sa kanyang payak na pagbisita sa kanyang pinsan ay isang halimbawa ng tunay na "'pagbisita:"

1) "pagbisitang" may layuning tingnan at unawaain ang kalagayan ng "binibisita"

2) "pagbisitang may kaakibat na paglilingkod at pagdamay sa "binibisita"

3) "pagbisitang" naglalayong makibahagi at makiisa sa "binibisita" Kung ilalagay natin ito sa konkretong hamon sa atin ng ating buhay mananampalataya, tayo'y may obligasyon at karapatang maging mulat at makibahagi sa mga pangangailangan at kalagayan ng ating sambayanang kinabibilangan: ang simbahan. Bilang mga kabahagi ng simbahan, tayo'y inaasahang maglingkod (bumisita) para sa kabutihan ng lahat ng miyembro ng simbahan (binibisita), anu man ang iyong kalalagayan sa buhay, ikaw man ay ministro o layko. Sapagkat iisang simbahan lang naman ang ating binubuo: ang simbahan ni Kristo na kanyang katawan at esposa.

 

Memorable Closing Remarks:

            Sa bansang Taiwan, may isang Foundation na tinatag ng mga Buddhist monks and other collaborators from various religions and nations na naglalayong tulungan ang lahat ng mga nangangailangan ng pinansyal o material na suporta at pagkalinga‑ Isa sa mga tinutulungan nito ay isang polio victim na matandang dalaga. Lin‑Mei ang kanyang pangalan. Ngunit may kakaiba sa taong ito na kung iyong titignan ay isang inutil na o walang silbi ... Nang malaman ng gobiyerno ng Taiwan ang kalagayan ni Lin‑Mei, bibigyan siya ng regular na buwanang suporta para sa kanyang pangangailangan araw‑araw. Sa kabilang banda, di pa rin naman tinigil ang suporta, ng Tsu‑ Tzi foundation sa kanya. Lang araw, nang binisita siyang muli ng mga volunteers ng foundation, sinabi ni Lin‑Mei sa mga ito na maaaring itigil na nila ang pinansyal na suporta nila kanya sapagkat sapat na raw sa kanya ang ibinibigay ng gobiyerno para mamuhay araw‑araw. Nais niya na ibigay na lamang sa iba pang nangangailangan ang suportang inilalaan sa kanya ng foundation. Para sa kanya, ito'y isang bagay na kanyang magagawa upang makatulong din sa iba sa kabila ng kanyang kapansanan. Si Lin‑Mei ay isang halimbawa ng "pagbisita!" Minsan siya'y "binisita" sa kanyang kahirapan pero ngayon, siya na ang "bumibisita" sa kapwa niya nangangailangan ng kalinga at suporta. Tunay nga na "no one is so rich that he cannot receive and no one is so poor that he cannot give."

            "Ang pagbisita, sa konteksto ng paglilingkod o pakikibahagi sa misyon ng Diyos ay hindi naglalatag ng batayan o "qualification‑" Katulad ni Maria na di nag‑atubiling bumisita, at maglingkod sa kanyang pinsan sa kanyang panganganak at higit pa dito ang tanggapin, ang paanyayang maging ina ng tagapagligtas sa kabila ng kanyang pagiging, ordinaryo, simple at "babae" sa lipunan at kulturang kanyang kinabibilangan, tayo rin ay hinahamong bumisita at maglingkod may "pasalubong" man o wala!