Day 9: December 24
Reflection on
Lucas 1:67‑79
Alan V. Oresca, SASMA
Sa ating
mabuting, balita ngayon gumaganap na isang propeta para sa kanyang pamilya si
Zacarlas. Bagamat matatanda na nang si
Juan ay ipanganak, ang mga kamag‑anakan na nakaalam ng mga pangyayaring
nakapaligid sa kanyang pagsilang ay nagtanungan "magiging ano nga kaya ang
batang ito?" ang tugon sa katanungang ito ay matatagpuan sa pahayag ni
Zacarlas. Ang kanyang, sinabi na maaaring makatulong
sa ating pagninilay.
Una, ang pagdating ng tagapagligtas. Sa pagsilang ng
kanyang anak na si Juan nabanaagan ni Zacharias na mayroon pang higit na
dakilang mangyayari na mas higit sa pagsilang ni Juan. Ang kanyang karanasan ng
paglingap sa kanya ng Diyos ay bahagi ng higit na
dakilang pagkilos ng Diyos. Kung siya at
ang, kanyang asawa ay iniligtas ng Diyos sa kahihiyan,
higit na pagliligtas ang mararanasan ng kanyang bayan. Matutupad na ang pangako ng Diyos na matagal nang pinanabikan ng
kanyang bayan. Makaaahon na ang kanyang bayan sa kahirapan bunga mga paniniil sa mga
kaaway. Ito marahil ang mas magandang
balita na nais paabot kay Zacarlas. Ang pagdating ng
Anak ng Diyos na kanyang ipinangako at magkakaroon ng
kaganapan sa katauhan ni Hesus.
At marahil bawat isa sa atin ay naroon
ang pananabik sa atin puso sa muling paggunita sa pagsilang ni Hesus. Pero sa mas panabikan
Ikalawa, ang papel na gagampanan ni Juan kaugnay ng gagawing pagliligtas. Hindi nga hiwalay na
biyaya ang pagkakaroon ng anak. Nakikita ni Zacarias
na si Juan ay para sa paglilingkod sa Tagapagligtas. Alam natin ang nangyari.
Si Juan ay nagsilbi ngang tagapanguna ni Hesus. Siya
ang naghanda sa mga tao sa kanyang pagdating. Siya nga
nanawagan sa mga tao sa pagsisisi na siyang
pangunahing saloobing hiningin ni Jesus.
Kung nagawa ni Zacarias na
magpahayag at tumayo siya ngayon bilang huwaran natin, mahalagang, mauunawaan
natin kung paano niya nagawa ito. Magandang balikan ang karanasan ni Zacarias sa kanyang pagkapipi. Hindi man isinalaysay ng ebanghelyo maaari nating
ipalagay na habang wala siyang kakayahan magsalita ay
tumalas naman ang kanyang kakayahan makinig. Sagana siya sa
pagkakataon manahimik at magnilay sa nangyayari sa kanyang at sa kanyang asawa.
Kayat ang kanyang pagpapahayag ay bunga ng pakikinig
Ngayon nasa
atin naming mga palad na gawing hamon ng ating buhay ang bagay na nasinimulan nina Juan at ni Zacarias na
ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulan ang magtiwala
sa nais ng Diyos para sa ating buhay. Kaya. nga bilang isa sa mga disipulo ni Hesus tayo ay
inaanyayahan rin na patuloy na manguna sa pagtalikod sa atin mga nagagawang mga kasalanan at ipahayag ang
mabuting balita ng Panginoon sa ating kapwa
hindi sa salita bagkus sa gawa. Lalo't higit ang patuloy na pagsunod sa kautusan ng Diyos at ng Simbahan.
Gayundin naman, sinasabi ng ebanghelyo na ang kanyang pagpapahayag ay bunga ng pagkapuspos niya ng