HABANG MAY BUHAY
After Image / Side A Band
(Wency Cornejo III)
Nais kong mabuhay sa haba ng panahon
Kung ito'y lilipas na ika'y kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa iyo'y ibibigay
Tangi kong panalangin ay pagsamo mo
Kailan ma'y di magmamaliw ang apoy sa puso ko
Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa iyo'y ibibigay
Kung tayo'y magwawalay ako'y mabibigo
'Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko
Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa iyo'y ibibigay
Ibig kong malaman mo hanggang sa dulo ng mundo
Ang pangarap ko'y sa iyo
Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa iyo'y ibibigay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy
Sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa iyo'y ibibigay