Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

HAHANAPIN KO
Anthony Castelo
(J.M. Chan & J. Santiago)

Hahanapin ko ang awit at tinig mo pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko ang halakhak mo kahit na kung saang dako
Hahanapin ko umaga, tanghali, gabi
Dahil hindi kita lilimutin kahit na sandali

Hahanapin ko ang sikat ng araw mo pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko dagat mo at buwan, ang tag-araw at tag-ulan
Hahanapin sa timog, hilaga't kanluran
Hahanapin ko pangingibang bayan

O, sa aking paglayo dadalhin sa aking paglipad
Babaunin init ng iyong araw, sinag, ilaw at luningning
Sa akin paglayo dadalhin ang lahat
At nang di na hanap-hanap ka pa
Kung iiwan kita, hanap din lang t'wina
Aanhin pa ang maglakbay di ba, oh?

Hahanapin ko ang awit at tinig mo pag nalayo sa 'yo
Hahanapin ko ang halakhak mo kahit na kung saang dako
Hahanapin ko t'wina at kung di makita
Aanhin ko pa ang gawang iwanan ka?

bar

Jewel's Midi Collection Original Pilipino Music