Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

MULA SA PUSO
Jude Michael
(Vehnee Saturno & Tito Cayamanda)

Bakit nga ba ang puso pag nagmamahal na
Ay sadyang nakapagtataka
Ang bawat sandali lagi nang may ngiti
Dahil langit ang nadarama

Para bang ang lahat ay walang hanganan
Dahil sa tamis na nararasanan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

Nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag

Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang 'di ko papayagan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang 'di ko papayagan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

Nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag

Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang aking paglalaban
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan, oooh...
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

bar

Jewel's Midi Collection Original Pilipino Music