SAMPAGUITA
Levi Celerio
(Traditional)
Sampaguitang walang kapares
Ang bango mo'y kaakit-akit
Saksi ka ng mga pusong
Nagsusumpaan sa pag-ibig
At ngayon ko naaalala
Ang kahapon anong ligaya
Ikaw ang bulaklak
Na naging kuwintas ko
Na galing sa aking sinta
Buhat noon ang kuwintas ng aking puso
Ay patak ng luha sa pagkasiphayo
Ang irog ko'y hindi tapat sa pangako
Ang tunay na sumpaang
Ikaw ang saksi'y naging biro
Habang nag-iisa sinasariwa sa alaala
Ang sampaguita ng pagsintang
Sa puso ko'y di na malalanta
Ang sampaguita ng pagsintang
Sa puso ko'y di na malalanta