PASASALAMAT MULA KAY JOEMER
Sa wakas na-upload ko na.. ang aking pinagpuyatan. Kaytagal
ko ng naghintay at nagsunog ng kilay at syempre ilang stick din ng sigarilyo ang naubos
na kasa-kasama ko sa paglikha ng website para sa inyo. Marami mang mga kulang ay masaya na
ako dahil ipinadama niyo sa akin ang inyong pagsuporta sa pagbisita niyo dito.
Madaming man araw ang binilang masasambit ko rin sa inyo ng buong buo at sa
kaibuturan ng aking puso ang aking Taos pusong Pasasalamat sa inyon lahat.
Sa lahat ng mga sumuporta sa paglikha ng isang makabagdamdaming website na ito. Binabati ko ang aking mga mahal sa buhay pamilya ko't kamag-anak mga kaibigan at mga katrabaho ko na walang sawang tumutulong sa akin lalo na kina arnold, mama ghem, Sir Richard, adonis, mark rhayan, voltaire, henry, fed, onyot, mam leah, Sir edwin, Maricar Belarmino, edelyn, at sa lahat ng mga katrabaho namin na nag resign na, kay alvin,kina Manang at Manong ng Barangay Tanod, sa mga crew ng Jollibee, kina Raisa, kina SICATHSKY, sa Parlor sa baba, sa manager ng GYM sa dulo..
At sa mga mababait na taga METROBANK, kay Mang Juan ng dahil sa kanya malaki ang natipid namin tuwing gabi fishball ang ulam na tinda niya, at sa hindi na nagbalik ng ID ko dahil pinangdeposit ko ng budweiser na binili namin sa kanila syempre pa edi walang iba kundi ang 24 hrs. open na MICKYs at sa kanilang sekyu kailan ba ulit tayo totoma?, At kay poging pogind laypi na nagtitinda ng mani sa baba, at kay manong pasensya na kasi mukhang alaws na arep baka eto na ang araw na huling dala niyo ng dyaryo sa amin, at sa crew ng Video City ilang buwan din kaming nag-arkila sa inyo pero ng mauso ang Pirated Cd eh hila-hilway muna...
Sa Petron na laging bukas oras na mawalan kami ng gasolina, at kay Berto na palaging dealer nmin ng mga vcd na bold, sa lahat ng nagtatrabaho sa SM ang dami nun ah wala lang kasi ang gaganda nilang lahat natutuwa lang akong makita sila, at sa lahat ng subscriber namin at sa lahat ng mga tao sa mundong ito na hindi nakakakilala sa akin.... Maraming Salamat sa inyong lahat. Sana ay lumawak pa ang ating pagsasamahan. Kasing lawak ng isang lalaking nasa gitna
ng banig na natutulog at walang humpay sa paghilik habang umaagos mula sa bibig ang tanda ng tindi ng pagkakaibigan.
This is just a simple homepage I created I wish you enjoy visiting my homepage.I'm glad that I have treasured
friends like you. It's very dark here but I think I can still open my mind to see the light behind all of this. It's really
hard to face the truth that time will come when there's no one will can give me a help but him and finally found out
that there is no here that I can I hear. My heart always ask me Is it really true that my heart really can't feel no more?
Thank you very much for all the time you given up to me & I hope you will visit here again soon.
Please don't hesitate to sign to my guestbook. THanKs! P34C3!
NEWS UPDATE
Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita. Isang lasing na
drug addict nag-amok. Patay! Napag-alaman sa naturang nakalap na impormasyon ay bibili lang
pala siya sa tindahan ng katol. Dahil ang buong katawan niya ay namumula sa dami ng pantal
at bakas ng iniwan ng mabagsik at walang awang mga pesteng lamok.
GREETINGS
January 05 - Happy Happy Birthday to Mr. Arnold Mendoza
January 05 - Happy Happy Birthday to Ate Melba Pajenago
January 18 - Happy Happy Birthday to Ate Minerva Pajenago
|
Upcoming Events...
wala pa eh
intay ka lang ha!
nag-iisip pa eh
Government Warning
Cigarete smoking
is dangerous
to your health
MARLBORO
Man's Always
Remember Love
Because Of
Romance Only
Ask SIGA
Magtanong tungkol
sa akin
alamin ang kasagutan
email me:
SIGArilyo@excite.com
|