Love letters from the edge
Kasama kita.
sa bawat kumpas ng lapis at letra
na sinulat ko pa
sa papel na napabanguhan
ng iyong mga ala-ala.
Baka kasi kulang
ang mga pangarap kong ibiling
"Mag-aral ka ng mabuti," o
"Matulog ka ng maaga"
Isinulat ko na rin
ang mga ngiti mong naghahatid
sa akin sa paghimbing
Kasama kita.
Sa bawat pagitan ng tuldok at lambing.
Dahit alam kong
hanggang dito lang kita
makakapiling.
|