Bente syeteng kalapati
Naninirahan sa isang kalahating metrong bubungan
May apat na matitibay na pader
Ngunit may bintana naman
at makitid na pintuan
Bente otsong kalapati
naninirahan sa isang kapat na bubungan
May apat na malalamig at matitigas na pader
Ngunit may rehas ang bintana
na may isang tasang tubigan
Trent'y unong kalapati
di man lang maipagpa ang mga pakpak nito
di man lang makapaglakad ng husto
tanong ko'y ano ang pakiramdam ng kalapati
sa bahay ng isang ulol?
Benteng kalapati
sa bahay ng Asong ulol
sino ang may kaslanan?
sino ang may kapansanan?
tanong ko'y, sino ang kriminal?
ang Ibon o ang ulol?
|
Sampung kalapati
nanagutan sa mga bagay di nagawa
samantalang mga asong ulol na nakawala
sa mga rehas na pinawalang bisa
Isang kalapati
naghihintay sa mga hustisyang walang tiyaga
umaasa pa sa wala
Nakakulong sa isang bahay
madilim at malinta
Ngayon nga'y wala nang kalapati
nakakulong sa yerong bubungan
ginawa para sa mga tunay na asong ulol
nakawala sa mundong nakapaloob sa rehas
sa mundo ng mga kalapati, kanilang isasala
Sirain ang mga pakpak nito
Patayin ang mga ito
At dalhin sa isang bahan ng mga asong ulol.
|