Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Boyet/ Regine movie tuloy na next year
RATED A ni Aster Amoyo
Publish Date: [Saturday, November 30, 2002]

Tuloy na tuloy na ang balik-tambalan ng drama king na si Christopher de Leon at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa pelikulang Sa Aking Pag-iisa na ididirek ng TV & stage director na si Louie Ignacio na magde-debut as movie director sa nasabing pelikula. Makakasama nina Boyet at Regine si Dingdong Dantes na isa sa mga build-up stars ng Viva Films.

Sina Boyet (Christopher) at Regine ay unang nagkatambal sa pelikulang Wanted Perfect Mother.

Consistent si Regine sa pagiging box-office draw kahit sino ang kanyang makapareha. Naka-line-up na rin ang unang tambalan nila ni Piolo Pascual sa bakuran ng Star Cinema. Gusto ring makatambal muli ni Regine sina Aga Muhlach at Richard Gomez ganundin si Robin Padilla.

Dapat sana’y sisimulan nina Boyet, Regine at Dingdong ang Sa Aking Pag-iisa ngayong Disyembre pero hindi magtama-tama ang schedule ng mga artista kaya ito’y naurong to January 3, 2003. Ito bale ang unang pelikula na ipu-produce ng Viva sa taong papasok.

Natutuwa ang popular young actor na si Dingdong dahil makakatrabaho rin niya sa wakas sina Christopher de Leon at Regine Velasquez sa pelikula although magkasama sina Regine at Dingdong every Sunday sa SOP ng GMA-7.

Bukod sa paggawa ng pelikula, si Dingdong ay isa sa pinakaabalang young actor sa kasalukuyan. May dalawa siyang regular TV show sa GMA, ang drama serial nila ni Tanya Garcia na Sana ay Ikaw na Nga at ang SOP tuwing araw ng Linggo. Pero sa kabila ng pagiging abala ng binata, hindi nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral sa Ateneo de Manila University. After school ay saka naman niya hinaharap ang kanyang mga commitments sa showbiz. Pinasok na rin nito ang pagiging isang negosyante. Co-owner siya ng Arena Gym na matatagpuan sa may Quezon Avenue in Quezon City. Isa itong one-stop na kinabibilangan ng gym, parlor, massage, spa, derma, tennis and basketball court at iba pang services. Magka-partner naman sila ni Gabby Eigenmann sa Duo Entertainment, isang events organizing company.

Samantala, natutuwa si Dingdong dahil tanggap ng publiko ang tambalan nila ni Tanya Garcia sa teleseryeng Sana ay Ikaw na Nga. Nang dahil dito, niluluto na ng Viva Films ang unang pelikulang kanilang pagtatambalan sa isang taon.

source:philstar.com