Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Regine, Boyet parehong conservative pero pabor sa pre-marital sex
By Ed De Leon
posted:Tuesday, June 10, 2003
 


Napanood namin ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka na pinagbibidahan nina Regine Velasquez, Christopher de Leon at Dingdong Dantes sa press preview nito noong isang gabi.



Hindi mo sasabihing iyan ang pelikulang hahakot ng awards, pero napaka-entertaining naman, and in fairness, napakagaling ng acting ni Regine at ganoon din naman si Dingdong.

Nagkakabiruan pa nga, mukhang sa pelikulang iyan ay piling-pili raw ang mga anggulo ni Dingdong dahil napakaguwapo niya sa lahat ng mga eksena. Guwapo naman talaga si Dingdong, pero sa pelikulang iyan, sobrang guwapo talaga ang dating niya.



Kapansin-pansin din ang camera works. Lahat ng eksena ay akala mo picture frame. Para bang ang mga eksena nila ay ipininta. Siguro nga hindi na rin naman dapat na pagtakhan iyon dahil ang direktor nilang si Louie Ignacio ay sanay na gumawa ng mga MTV at TV commercials. Kaya nga makikitang napakalinis ng pagkakagawa ng pelikula.



Bukod sa kinis, mayroon pang mga nakakikilig na love scenes sina Regine at Boyet. Naipakita ng direktor kung ano man ang gusto niyang palabasin sa pelikula, minus kalaswaan.



Kaya lang, kahit anong ingat at galing talaga ng director, may mga nakaliligtaan pa rin siya. Tulad na lamang ng characterization kina Regine at Boyet. Pareho silang very conservative sa movie pero lumalabas na okey sila pareho sa pre-marital sex.
 

source:journal.com.ph