Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Journal Article
Nitz Miralles
posted:04.29.03


A MANILA Film Festival sa June pa ang showing ng pelikulang Pangarap Kong Ibigin Ka nina Regine Velasquez at Christopher de Leon, kaya, inuna nang i-release ng Viva Records and soundtrack ng pelikula na produced mismo ni Regine.

Sa launching ng album, ipinarinig ni Regine ang movie theme song at ang Hinahanap-Hanap Kita na original ng Rivermaya. Basahin ang pahayag ni Regine sa bago niyang album.

"Karamihan sa songs dito ako ang pumili. Na-miss kong gumawa ng revival at gusto ko ang kanta ng mga banda, kaya isinama ko ang song ng Rivermaya at ang Harana ng Parokya ni Edgar. Everybody knows gawa ni Ogie (Alcasid) ang theme song. As a friend, very proud ako sa kanya. Ang dami niyang magandang compositions. Itong Pangarap Ko... ay 30 minutes lang niyang ginawa. I was able to use one of his old songs, pero, tumawag siya at sinabing tapos na ang kanta. He’s so inspired."

Ibinalita rin ni Regine na baka matuloy pa rin ang Bisperas ng Mayo nila ni Richard Gomez kung papayag ang Viva Films na sa September ito gawin dahil hindi niya kaya ngayon ang agad gumawa ng pelikula. Mabuti’t tapos na ang movie nila ni Christopher de Leon na ang description ni Regine ay "yummy."

Sa birthday niya sa S.O.P. last Sunday, dumating sina Martin Nievera, Gary Valenciano at Sharon Cuneta na ipinagpasalamat ni Regine.

"Na-touch ako sa pagdating nila. Natuwa pa ako sa sinabi ni Martin na gusto niyang i-produce ko siya ng album. I was so touched din sa sinabi ni Mega na gusto niyang magsama kami sa pelikula."

Hindi nag-comment si Regine sa paglipat ni Ariel Rivera sa GMA 7. Pero, nabanggit nitong may gagawin silang concert sa October. Naisip nga nito ang parents ni Ariel sa Canada at sana raw ay okey ang mga ito dahil kilala niya ang mga ito.

Napag-usapan din ni Janno Gibbs, pero, hindi na nag-elaborate sa kaso nito sa S.O.P. dahil isyu raw nina Janno at ng Channel 7 management yun.

"Wala akong problema sa kanya. I don’t know when he’s coming back sa S.O.P. He was invited sa birthday ko lang Sunday. We really miss him a lot dahil para kaming pamilya," ani Regine.