Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Regine shows butt in love scene with Boyet!
Wednesday, June 4, 2003
By Nitz Miralles


BINAGO ni Christopher de Leon ang description kay Regine Velasquez. Mas tama raw gamitin ang salitang "game" sa pagde-describe sa singer-actress dahil wala siyang arte sa kissing scene at love scene.

"Nakita ko ang love scene nila ni Robin Padilla sa ginawa nilang pelikula, hanep ‘yun. Very tender naman ang kissing scene namin, pero may love scene kami at kita ang butt niya," sabi ni Boyet. "Sexy si Regine, marunong siyang manamit at marunong magdala ng sarili. Makinis siya, flawless," pahayag ni Boyet.

Hindi na matandaan ni Boyet kung bakit agad siyang pumayag makapareha si Regine sa Wanted Perfect Mother, eh, bago palang gumagawa ng pelikula ang singer noon. Si Boyet ay hindi katulad ng isang action star na tinanggihan si Regine, pero ngayon ay siya na ang gustong maka-partner sa singer-actress.

Kababalik ni Boyet from stints in Las Vegas, Vallejo and San Bruno, USA. Kapag nagsu-show, naalaala ni Boyet ang frustrations na magka-album. Puwede umano niyang ibenta sa States ang album at doble ang kanyang kikitain. Naikuwento tuloy ang attempt niya to be a recording star. Sa Dyna siya dapat gumawa ng album, pero itinakbo ng line producer ang perang gagamitin doon.

"Marami akong singles at may mga kanta ako sa soundtrack ng movies ko. Matagal ko nang gustong buuin, hindi mabuo-buo. Frustration ko ang magka-album. Nag-promise ang Viva Records na bibigyan ako ng album. Sana matuloy," wika ni Boyet.



Source: journal.com.ph