Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Kung maganda ang offer... Movie with Ariel okay with Regine
Tuesday, June 3, 2003
By Nitz Miralles


ANG ganda ng ayos ni Regine Velasquez nang dumating sa presscon ng Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Naka-white peasant blouse ito at denim skirt, pero, ang nakatawag-pansin ay naka-boots siya at naka-sumbrero. Parang yung character niyang fashionista sa entry ng Viva Films sa Manila Film Festival ang aming nakita.

Matutuwa ang fans ni Regine na manonood ng parada ng film festival dahil tiniyak na nito ang pagsama sa parada sa June 9. Nakakahiya raw sa Viva Films kundi siya sasama, kaya, lahat ng activities sa filmfest ay kanyang sasalihan.

"But after this, gusto ko talagang magpahinga. Nahihilo na ako sa schedule ko, hindi ko nga alam kung ano ang mga susunod kong gagawin. Dapat talaga magpahinga muna ako or mag-slow down lang sa schedule," banggit ni Regine.

Kaya lang, paano kaya makakapag-pahinga si Regine, eh, ang sunod niyang pagkakaabalahan ay ang Search for A Star (dating Star for a Night) na lumipat na sa GMA 7. Sabi ni Baby Gil sa June 25 na ang airing nito, sabi naman ni Regine, Saturday pa rin ito mapapanood.

Anyway, isa sa mga itinanong kay Regine ay ang pag-guest ni Ariel Rivera sa S.O.P. last Sunday. Kung ganyang puwede na silang mapanood together sa TV at magko-concert pa sa September sa Folk Arts Theater, baka, pelikula na ang sunod nilang gawin?

"Maybe, pero, wala pang offer. Who knows, kung maganda naman ang offer, bakit hindi. We’re friends naman."
Light romance ang tema ng Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, pero may mga eksenang drama. Pinangunahan na ng press si Regine na mano-nominate siyang best actress kasama sina Ara Mina, Maui Taylor, Aubrey Miles. "Hindi kaya ng powers ko ‘yun," ang natatawang sagot ni Regine.




Source: journal.com.ph