Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

All's well that ends well between Regine and Gelli
by:Nitz Miralles


BATI na sina Regine Velasquez at Gelli de Belen! Finally, after ilang years na pagde-deadmahan ay magkabati na ang dalawa. Para ipakitang all is well sa kanila’y pumayag si Regine na mag-guest sa Sis sina Gelli at Janice de Belen. Noong Wednesday nag-taping si Regine at ipapalabas ang episode na yun sa Monday.

Sa interview portion, tinanong daw ni Regine si Gelli kung nagalit ito sa kanya nang magka-relasyon sina Regine at Ariel Rivera. Ang sagot ay sa Monday ninyo mapapanood.

Bukod sa pagpayag na mag-guest sa Sis, ang isa pang lubos na ikina-touch ni Gelli kay Regine ay may dala itong bulaklak nang dumating sa taping. Dahil sa magandang pangyayaring ito’y puwede na sigurong mag-guest sa SOP si Gelli at papayag na rin siguro itong magkasama sa trabaho sina Regine at Ariel.

source:journal.com.ph