Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Regine Velasquez,Ang Asia's Songbird
By:Ben Dela Cruz


HINDI maikakailang si Regine Velasquez ang pangunahing female singer (Diva) ng ating bansa. Hindi man aminin ng mga taong identified sa ibang mang-aawit, kumpirmadong si Regine ang pinaka sa lahat.

Tahimik ang buhay ni Regine kumpara sa iba niyang kakontemporaryo. Nakasentro sa kanyang isip ang musika at movie career na kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan sa ngayon. At bilang isang mang-aawit na pumasok sa daigdig ng pag-arte, she too may have her share of showbiz intrigues. Dangan nga lamang at laging nalulusutan naman niya ang mga intrigang dumarating.

Isa sa mga intrigang hindi mamatay-matay tungkol kay Regine ay ang pagiging ampon niya. Diumano ay napalayo siya sa mga tunay na pamilya noong siya ay bata pa at patunay nga diumano ang pagki-claim ng kanyang tunay daw na magulang na nasa Leyte. Dagdag pa, hindi raw si Mang Gerry ang kanyang biological father, pero ayaw itong paniwalaan ng mahusay na singer.

Isang palaisipan lang sa kanya ang motibo ng mga taong umaangkin sa kanya until now. At sa kabila ng kontrobersiyang ito, naging matagumpay si Regine sa larangang kanyang pinasok.

Madalang man siyang gumawa ng pelikula, pawang hit naman ang mga ito at never pang nagmintis ang kahit isa niyang movie sa box office. Kumita ang mga pelikula kung saan ay katambal niya sina Christopher de Leon, Robin Padilla at Aga Muhlach.

Nang una silang magtambal ni Aga sa pelikulang, Dahil May Isang Ikaw, hindi inasahan ang magandang resulta nito sa takilya.

Muling naulit ang kanilang pagtatambal, kamakailan lang, at ipinalabas ito pagkatapos ng kasalanan ng taon nina Aga at Charlene Gonzalez.

Kagaya ng iba, naging maganda rin ang resulta sa box office ng pelikulang, Pangako... Ikaw Lang, na hinango mula sa latest album ni Regine na may kaparihang titulo.

Sa pagsubaybay namin sa buhay ni Regine, iisang lalaki lang ang alam naming na-link sa kanya in the past. Ito ay si Ariel Rivera. That time, nabalitang nagkalabuan sina Ariel at kasintahan nitong si Gelli de Belen.

Dahilan sa napunta kay Gelli ang simpatiya ng mga tao, lumabas na kontrabida itong si Regine sa samahan ng magkasintahan. Kaya kahit hiwalay na ang dalawa nang magkaroon ng relasyon sina Ariel at Regine, lumabas pa ring mang-aagaw ng kasintahan ang kapatid ni Cacai Velasquez.

As we all know, sa rami ng kinasangkutang intriga ng kanilang samahan, hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Nagkabalikan sina Ariel at Gelli hanggang sa mauwi ito sa kasalan. Naiwang luhaan si Regine, alam ng lahat na minahal niya ang binatang singer.

After that short-lived love affair, wala na tayong nabalitaang linkage o involvement with other guys itong si Regine. Ibinuhos na lang niya ang oras sa trabaho. At madalas sa mga interview, sinasabi na lang niyang saka na lang ang love life.

For a while, nawala yung mga umaangkin kay Regine. Matagal-tagal din silang hindi narinig o nabalitaan man lang.

Pero hindi nagtagal ang pananahimik na iyon dahil only a few weeks back ay muling nabalita at naisulat sa ilang pahayagan ang pagsulpot ng mga taong umaangkin kay Regine.

Gustuhin mang magpakahinahon ng mang-aawit tulad ng ginagawa niya sa mga intrigang dumarating sa kanya in the past, napuno na rin siya ngayon. At live sa national television ay nagsalita si Regine.

Grabe ang binitawang pahayag ng singer patungkol sa mga taong patuloy na umaangkin sa kanya: Tigilan na raw siya at hindi niya kailanman paniniwalaan ang mga ito, wala raw silang mapapala sa magaling na singer.

Huwag na raw tangkain pang makipagkita sa kanya, dahil hindi niya ito haharapin. Si Mang Gerry, ang tunay niyang ama at hindi ang nagki-claim sa kanya, for the simple reason na: "Hindi tayo magka-mukha!" ani Regine.

May ilang naki-simpatiya kay Regine. Siguro, naramdaman din nila ang galit at inis ng singer. Pero marami rin ang nagulat, pati kami, sa inasal at ginawa niyang panglalait sa mga taong umaangkin sa kanya.

Parang hindi siya yung dating Regine na nakilala naming simple lang at hindi makabasag-pinggan, idagdag pang siya rati ay prim and proper. Kay laki ng kanyang ipinagbago, matapang na siya ngayon, palaban ika nga.

Obserbasyon namin, at age 31, alam na dapat ni Regine ang batas. Na kahit sino pa ang umangkin sa kanya, desisyon na niya ang masusunod. Nasa kanya na kung paaangkin siya o hindi sa taong nagsasabing siya ang tunay niyang ama.

Another thing, kahit magtanong pa si Regine sa mga nakakaalam sa ating batas. Sa edad niyang iyan, hindi na siya menor de edad na kapag napatunayang sila nga ang totoong father niya ay basta na lang nila siya kukunin at obligado naman siyang sumama. Hindi ganoon iyon.

Alam naman na siguro ni Regine na she can now live a life of her own. Siya na ang nagdi-decide para sa kanyang sarili ngayon. Kahit ano pang proof ang ipakita sa kanya at kahit ilan pa ang maging claimant niya, it's her decision and not theirs. Nobody can force her to believe kung ayaw paniwalaan ni Regine ang mga umaangkin sa kanya.

Pero sana lang, hindi na siya nagsalita at nanglait. Minus points yun para sa amin na iniidolo siya. Mula pa noong una ay number one na si Regine sa listahan namin, pero sa ginawa niya, which we believe is very un-Regine, nabawasan ang paghanga namin sa kanya.

With all the good things na dumarating sa kanya mula sa Itaas, sana ay nagpakumbaba na lang siya. Gaya nga ng sinabi ni Regine, wala naman silang magagawa, dahil hindi siya naniniwala sa kanila. So what's best for her to do now, is to start counting her blessings.