Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Regine Babalik ng S.O.P. Pagkatapos ng U.S. Tour
Veronica R. Samio
posted:3.22.03

Ang kasabihang "the show must go on" ay akmang-akma kay Regine Velasquez na sa kabila ng gyera na nagaganap ngayon sa Iraq ay naroroon sa U.S. at nagsasagawa ng isang concert tour.

Kahapon, ay nagkaroon siya ng show sa Chicago. Nasa Cow Palace siya sa San Francisco sa Marso 29 at sa U.C.L.A .Pauvley Pavilion sa L.A. sa Abril 5.

Now, more than ever, kailangan ng mga kababayan natin sa U.S. ng entertainment at moral support. Sino ba naman ang mag-aakala na magkakaroon ng gyera at ang namumuno pa ng bansa na tinatawag nilang second home ang pasimuno. "I really love connecting with our kababayans and the thought of me and Martin (Nievera) bringing a bit of the Philippines to them makes us feel happy."

Pagkarating na pagkarating niya ay babalik agad siya ng S.O.P. na mapapanood tuwing Linggo, 12 p.m. sa GMA at sa Star for a Night sa IBC 13. Nakatakda rin niyang tapusin ang pelikula na ginagawa niya sa Viva Films katambal si Christopher de Leon. Ipinalalabas na ang Nestle Ice Cream commercial niya.

"Matagal ko nang sinasabi na hindi ako aalis ng S.O.P.. Kabisado ko na ang mga kasamahan ko rito at okay naman kaming magkakasama," anang Asia's Songbird.


Source:www.philstar.com