Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Regine, Isa-swap Kay Pops ng Dos?
Salve V. Asis
posted 3.15.03


Two months ang bakasyon ni Regine Velasquez sa SOP. One month kasi ang series of concerts nila ni Martin Nievera sa US and 'yung another month, bakasyon daw ang Asia's Songbird. Kaya talagang hindi muna siya mapapanood sa SOP. Baka kasi may mag-isip na naman na magri-resign na si Regine sa SOP dahil malakas ang rumor na may standing offer sa kanya ang ABS-CBN at malamang daw na tanggapin niya ito once na dumating ng bansa at kalimutan na ang SOP ayon sa usap-usapan.

Very aggressive raw kasi ngayon ang ABS-CBN na kunin si Regine lalo pa nga at wala na si Pops Fernandez sa kanila although maraming umaasa na mari-reconcile rin ang konting problema between Pops and ABS-CBN.

Matagal na raw kasi talagang may offer na show for Regine and Martin Nievera. Pero nang i-offer daw 'yun kay Regine hindi pa siya ready.

Si Martin ang sinasabing demand ni Pops na makasama sa show na gusto niyang gawin aside from ASAP.

Meaning, si Regine talaga ang gustong i-partner ng ABS-CBN kay Martin.
 

source:philstar.com