Site hosted by Angelfire.com: Build your free website today!

Regine Velasquez - "Asia's Songbird"

Regine may 'Sex Satisfaction' kay Dingdong
Butch Roldan
posted:05.15.03


BUKOD pala sa galing sa pag-awit at pag-arte, Regine Velasquez has another talent to show off - painting. Her medium, ayon sa kanya sa aming interview in connection with her latest movie Pa-ngarap Ko Ang Ibigin Ka under Viva Films, ay pencil. And her favorite subjects are beautiful faces ng mga seksing babae.

“I sketch beautiful faces in pencil. Attracted ako sa magagandang mukha ng mga babae. Pero mukha lang, ha! Ayokong mag-drawing ng katawan ng babae kasi baka naman matomboy na’ko. Ayoko rin namang maging subject ang mga lalaki. Kasi baka naman, ma-in love ako sa subject ko sa katititig sa kanya habang idinodrowing ko. Alam n’yo naman kaming mga painter… mga painter daw o…madali kaming talaban sa subject,” aniya.

Regine is planning to exhibit her paintings soon. Pagkatapos lang daw ng napakarami niyang commitments like concerts, TV shows, etc. Ngayong tapos na ang shooting ng Pangarap Ko ang Ibigin Ka with Christopher de Leon and Dindong Dantes, abala naman daw sila ng Viva Films sa pagpaplano ng next movie niya kasama si Richard Gomez as her leadingman at concert niya sa Folk Arts Theater with Ariel Rivera in September.

Regarding her concert with Ariel, hindi kaya ma-rekindle ang naunsyami nilang pag-iibigan noon? “Not this time. May asawa na siyang tao, di ba? And besides wala na talaga si Ariel sa dibdib ko. And to tell you all frankly, hindi pala talaga siya ang type kong mapangasawa.

“My dream husband is somebody who is ten years older than me (mentally). Kasi, dahil bata nga akong mag-isip, kahit over 30 years old na ako, marami akong tanung-tanong… alam n’yo ‘yun. At malalalim ang mga tanong ko na baka hindi kayang sagutin ng younger man,” ayon pa kay Regine.

Pero ayaw naman daw niya ng lalaking more than 10 years ang edad sa kanya.

“Ayoko naman ng lolo ko na ‘no!”

* * *

ABOUT Pangarap Ko ang Ibigin Ka. Ayon kay Regine, parang life daw niya ang ikinukuwento ng movie. Ang role kasi niya rito ay dalagang malapit nang matawag na old maid. Sa kanyang paghahanap ng tamang lalaking makakasama sa buhay forever, finally natagpuan niya ito sa katauhan ni Raffy (Christopher de Leon) na isang biyudo.

Ang conflict ng pelikula ay nang magpilit na bumalik kay Regine ang ex-BF niyang si Kevin (Dingdong Dantes) who is still very much in love with her.

Pangarap Ko ang Ibigin Ka is a light love/drama na tiyak na kikiliti sa puso ng mga manonood, kuwento ng Asia’s Songbird.

“Here meron kaming kissing scene ni Dingdong Dantes. Imagine doing it with a much younger man like him. Mas kinilig talaga ako sa kanya kesa with Boyet. Makamundo kasi ang kissing scene namin ni Dingdong or let’s say sex satisfaction only. Pero my scenes with Boyet are the ones that provide drama and light moments. Marami akong natutuhang tips sa pag-arte sa kanya while filming Pangarap Ko ang Ibigin Ka,” pagwawakas ni Regine.

Source:journal.com.ph