HISTORY
Ang pagbabalik aral sa kasaysayan ng Partido Komunista ng Pilipinas
ni Crisanto Evangelista at ng Stalinista-Maoistang Partido ni Jose Maria
Sison ay isa sa mga mahahalagang sangkap para sa muling pagtatayo ng
Partido – ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa.
Ang buod ng layunin ng pag-aaral sa kasaysayan ay upang maunawaan at
makunan ng aral ang ginawang paglilinaw sa direksyon ng rebolusyon at kung
paano ang naging aktuwal na pamumuno ng Partido sa pagsusulong ng
rebolusyonaryong pakikibaka.
Popokusan sa pagbaybay ng kasaysayan ang muling itinatag na
Stalinista-Maoistang Partido na itinayo noong Disyembre 26, 1968 dahil dito
naggaling ang mga bumubuo ng RPM, RPA-ABB.
Higit sa lahat, naglulunsad tayo ngayon ng reoryentasyon at
pagtatakwil ng Stalinismo at Maoismo at sinisikap na I-aplika sa buhay na
paraan ang ML sa Konkretong kalagayan at antas ng tunggalian ng mga uri sa
bansang Pilipinas.
Hindi rin maitatatwa ang kahalagahan sa pagbabalik-aral sa
kasaysayan ng mga nakaraang Partido sa kalagayang hati ang naging oposisyon
sa RA sa iba’t ibang pakson na may mga sariling oryentasyon at
perspektiba. Nais ng RPM na
maging wasto ang salalayan at proseso ng kanyang ginagawang reoryentasyon.
Kaya nag-uumpisa ito sa pagbabalik-aral sa kasaysayan at pagharap sa
iba pang mahahalagang tungkulin kaugnay ng pagbubuo ng Partido.
Ang kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka sa ating bansa ay
aabot na ng mahigit kalahating siglo.
Para eksakto, 67 na taon na ito.
May mga tagumpay sa iba’t ibang larangan ang nakamit ng uring
manggagawa at buong mamamayan sa tinakbo ng pakikibaka.
Ngunit kapwa nabigo ang Partido nina Lava at Sison sa pagbibigay ng
wastong perspektiba at direksyon para sa matagumpay na pagsulong ng
rebolusyon. Bagamat hindi pa
nagtatagumpay ang proletaryong rebolusyon, ang mga aral mula sa positibo at
negatibong karanasan
at ang
lalim at
tindi ng
krisis ng
kapitalismo ay
magsisilbing batayan para sa pursigidong pagrerebolusyon.
Ang mahalaga ay muling mabuo ang Partido sa wastong
Marxista-Leninistang batayan. Sa
ganitong salalayan magagampanan ng RPM ang kanyang tungkulin bilang
direktor at organisador ng proletaryong rebolusyon sa Pilipinas.
A.
ANG
PARTIDO SA ILALIM NG PAMUMUNO NI CRISANTO EVAGELISTA
Nabuo ang PKP noong Nobyembre 7, 1930,
sa gitna at unahan ngmalalaking labor federations n
naglulunsadngmgapang-ekonomiyaatmpulitikangpakikibaka; itinakwil ang
repormismo at ang bansa ay naghahabolngkalayaan(independence) mula sa US sa
pamamagitan ng grant.
Si Crisanto Evangelista natumatayong pinakamuahusay na lider-manggagawa ay isang prominenteng kasapi ng Congreso Obrerode Filipinas. Presidente din siyang Unionde Impresores de Filipinas kung saan aktibo ng opisyal din si MarianoBalgos. Gayundin, siya ay kasapi ng Nacionalista Party at isa siya sa mga naging miembro ng misyon na ipinadala sa US noong 1919. Habang nasa US nila pitan nito ang ilang mga l abor groups para tumulong sa cause ng Philippine independence. Si Evangelista ay lubhang aktibo sa pulitika kaya noong 1924 ay napili siyang maging kalihim ng CO.
Noong 1925, kinontak siya ni Tan Malaka na emisaryo ng Red
International of Labor Unions (bahagi ng Communist International).
Si Tan Malaka ay kasapi ng Indonesian Communist Party.
Inimbita ni Malaka sina Evangelista na dumalo ng trade union
conference sa Canton, China. Sa
kumperensyang ito, nagkaroon ng resolusyon na buuin ang isang Labor Party
sa Pilipinas na iaafiliate sa Red International of Labor Unions.
Kaya binuo nina Evangelista ang Labor Party noong 1928. Sa taong ding ito sina Evangelista, Jacinto Manahan at
Cirilo Bognot ay dumalo ng isang trade union conference sa Berlin at
Moscow. Nang bumalik sila dala
na nila ang balitang affiliated na ang Labor Party sa Red International of
Labor Unions.
Noong maaga pang bahagi ng 1927 ang mga kasapi ng Partido Obrero na
nakapaloob sa Congreso Obrero de Filipinas ay nagpapalaganap at nagtutulak
ng progresibong tindig kaugnay ng ilang isyu.
Kabilang dito ang mga sumusunod: dapat industrial unions ang buuin
at ipalit sa mga umiiral na craft unions at mutual benefit societies; dapat
ang paniniwala sa class struggle ay itaguyod imbes na ang “labor-capital
harmony”; dapat magforge ng mas malapit na ugnayan sa mga Tsinong
manggagawa at labanan ang Filipino chauvinism; dapat
bakahin ang
ekonomismo na
ikinakalat ng
US at
ang moralismo
ng ilustrado at lumapit sa Red International of Labor Unions, angProfintern.
Dagdag dito, dapat iendorso ng mga workers’ at peasants’
asosasyon ang pampulitikang programa ng Partido Obrero at itakwil ang
anumang akomodasyon sa imperyalimong US at sa paghaharing burgesya at
panginoong maylupa
Noong Mayo 1929, sa kumbensyon ng COF, iprinisinta ng Partido Obrero
ang mga naturang mga tesis. Ngunit
hindi ito tinaggap ng iba. Kaya
nahati ang COF sa radikal at kanserbatibong faction o wing.
Ang Left wing o radikal na grupo ay pinamunuan ni Evangelista
samantalang ang conservative wing ay pinamunuan nina Cristobal, Paguia at
Tejada. Nagwalk-out dito sina
Evangelista at nagdaos ng pangalaweang kumbensyon kung saan pinagkaisahan
nila ang mga sumusunod: itinaguyod ang industrial unionism; inorganisa ang
Katipunan ng mga Anakpawis; at pagbubuo ng isang working class political
party sa siyang magdidirihe at mamumuno sa uring manggagawa sa kanilang
independiyenteng pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka.
Sa unang kumbensyon ng KAP (Katipunan ng mga Anakpawis), isang
komite ang binuo upang magdraft ng plano para sa pagbubuo ng isang
worker’s party. Ang mga
kasapi ng organizational komite na ito ay sina Evangelista, Antonio de Ora,
Arturo Soriano, Jacinto Manahan at Jose Quirante.
Ang magiging base ng bagong partido ay ang Partido Obrero ni
Evangelista.
Noong Agosto 26, 1930 ay inaprobahan ang bagong Konstitusyon ng
Partido para itaon sa anibersaryo ng Cry of Balintawak; habang ang by-laws
nito ay inaprobahan noong October 6, 1930.
Pormal na inilunsad ang Partido noong Nobyembre 30, 1930 para
ikomemorate ang Nobyembre 7, 1917 Russian revolution.
Kabilang sa mga lider ng Partido sina, Evangelista, Jacinto Manahan,
Juan Feleo, Guillermo Capadocia, Lazaro dela Cruz at Felix del Rosario.
Partido Komunista ng Pilipinas ang pangalan at Marxismo-Leninismo
ang teoretikal na gabay nito. Importanteng
banggitin na ang malaking mayorya sa 35 na kasapi ng Sentral Komite ay
galing sa uring manggagawa. Lahat
sila ay galing sa mga trade unions na affiliated sa Katipunan ng mga
Anakpawis. Kaya mabilis ang
pagyakap nito sa ideolohiya ng Marxismo-Leninismo at may matibay na
proletaryong paninindigan.
Ang mga naitakda nitong mga layunin (goals) ay pagkaisahin ang uring
manggagawa para patalsikin ang imperyalistang Kano; pag-establisa ng
gobyernong Pilipino na naka-patern sa Soviet system;
ang pagpapa-unlad sa
living at working
conditions ng uring manggagawa; at pakikipag-isa sa lahat ng
rebolusyonaryong kilusan sa buong mundo.
Labis na makabuluhan ang pagkakabuo ng partido.
Umpisa iyon ng pag-aarmas ng uring manggagawa ng ML at siyentipikong
sosyalismo sa kanilang pakikibaka at umpisa ng pakakaroon ng organayser at
lider ang pakikibaka ng uring manggagawa.
Sa pag-uumpisa, ang Partido ay legal at militante nitong ibinubunsod
ang mga pakikibaka ng uring manggagawa.
Kagyat na naging threat sa imperyalista at lokal na naghaharing uri
ang Partido kaya biktima kaagad ito ng represyon at persekusyon.
Sa katunayan, sa taong 1930-32, 1938-41 at 1945-46 kung saan bukas
at hayag ang pakikibaka ng partido ang mga lider nito ay laging kumikilos
sa panganib ng pagkahuli at asasinasyon.
Matapos hayagang mai-anunsyo ang pagkakabuo ng PKP sa publiko noong
Nobyembre 7, 1930, naglunsad ito ng sunod-sunod na mga rali at miting.
Nanawagan ito sa publiko na: “Magkaisa at sundin ang ehemplo ni
Andres Bonifacio bilang siyang tanging paraan para makamtan ang kalayaan.”
Ang mga rali nito ay dinaluhan ng libu-libong manggagawa’t
magsasaka.
Bunga ng mga militanteng pagkilos, nagulantang ang kolonyal na
pamahalaan at kagyat na sinupil ang mga pagkilos ng PKP.
Noong Pebrero 4, 1931, inaresto si Crisanto Evangelista batay sa
charges ng sedisyon bunga sa pagbabasa ng Konstitusyon ng PKP sa publiko.
Hindi dito huminto ang panunupil.
Nang ilunsad ang unang kongreso ng Partido noong Mayo 30, 1931,
ni-reyd ito ng mga ahente ng koloyal na US at inaresto ang 400 na delegado
nito.
Noong 1932, na-convict sila ng Supreme Court at idineklarang ilegal
ang PKP. Malaki ang naging
negatibong epekto ng mga hulihang ito at ang padedeklarang ilegal ang PKP.
Matapos itong ideklarang ilegal ay nag-underground ang Partido.
Mula 1931 at 1938, naranasan ng Partido ang ilang kahirapang
idinulot ng pagiging ilegal nito. Na-pwersa itong mag-UG nang hindi pa naayos nang husto
ang estratehiya at taktika nito at hindi pa nakokonsolida nang husto ang
kanyang organisasyon at pamunuan. Nagdulot
ito ng ilang demoralisasyon sa mga kasapi at ilang pang-masang
organisasyong pinamumunuan nito
Mula 1930 hanggang 1933, dahil sa impluwensya ng Comintern,
itinuring na lumabis ang militansya ng bagong Partido.
Kahit kabubuo pa lang at nagpapalakas, nanawagan na ito ng armed
uprising bilang tanging
paraan
para makamit ang
kalayaan noong 1933. At kahit
walang konkretong hakbang na ginawa para sa paglulunsad ng sandatahang
pakikibaka, nagbigay daan ito sa malupit na reaksyon ng kolonyal at lokal
na opisyal sa mga rali at mga welga na inilunsad ng Partido na nag-resulta
sa mga aresto at pagka-ilegal ng Partido
Noong 1935 – 41, ito ang ikalawang yugto ng PKP, nagsagawa dito ng
reoryentasyon. Sinuspinde muna
ang political confrontation sa mga kaaway sa uri bagkus itinaguyod ang
“united front from above” na patakaran para suportahan ang “peace and
democracy against fascism and war.”
Ang Partido ay sumama sa Popular Front noong 1936, ngunit tiniyak
muna niyang ilantad ang diktaduryal at ang fascist at militarist tendencies
ng Commonwealth administration niQuezon.
Dagdag dito,tiniyakdinngPartidonamagkaroonngpangkalahatangpagkakasundosa
ilang mayor na isyu tulad ng mga sumusunod: kagyat na kalayaan, protective
trade measures, inductrialization,civil liberties at kondemnasyon ng
“militaristic” na national defense program.
Gayunpaman, dapat banggitin na may pagkakamaling malaki ang Popular
Front policy nito ni Stalin o ng Comintern.
Ang patakaran ng People’s Front ay nagmula mismo sa pagkaila sa
batas ng makauring pakikibaka
Noong 1938, matapos mabigyan ng pamahalaang Quezon ng pardon sina
Evangelista, sinikap ng PKP na magkaroon ng merger sa SPP ni Pedro Abad
Santos. Sa kabila ng ilang
differences, nagkasundo di silang mag-merge.
Naganap ang merger na ito sa Ikatatlong Kongreso ng PKP nuong
Oktubre 29-31, 1938. Ang
naging pangalan ay PKP pa rin. Si
Evangelista ang naging chairman habang si Pedro Abad Santos ang naging
vice-chairman.
Malaking bagay ang merger na ito.
Nagbigay daan ito para sa mas mabilias na pag-oorganisa at mabilis
na pagsulongngpakikibakangmanggagawa, magsasaka at alyansa sa hanay ng mga
intelektuwal at propesyunal. Mula
1938-41, naging maluwag ang kalagayan bunga ng pagsunod sa patakaran ng
People’s Front para sa mabilisang pag-oorganisa ng masang organisasyon
tulad ng Collective Labor Movement, nagkoroon ng pang-masang katangian ang
mga organisasyon ng mga pesante, dumami ang pumasok na intelektuwal sa
Partido, bumuwelo ng mga mayor sa ilang mga munisipalidad ng Pampanga,
Nueva Ecija at Tarlac noong loka na eleksyon noong 1940.
Noong Marso 29, 1942, panahon ng pananakop ng Hapon binuo ng PKP ang
HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon).
Sa yugto ding itonahuli
at pinaslang ang mga prinsipal na lider ng Partido. Dito nakapasok si Vicente Lava sa pamunuan ng Partido.
Ang hukbong ito ay nagamit ngPartidosapag-oorganisaatpagpapakilos ng
mga magsasaka sa Central Luzon.Gayundin,nakapaglunsaditongmgaaksyong
militar laban sa mga Hapon sa kabilangpatakaran ni Vicente Lava na
“retreat for defense.” Ang
patakarang ito ay idineklarang mali noong Setyembre 1944 at na-demote
ngunit nanatili sa PB si Vicente Lava.
Mula 1945 hanggang 1948, mas naging balansyado na angpaglulunsad ng
hayag at legal na pakikibaka at armadong pakikibaka.
Lumawak din ang baseng masa ng Partido sa kanayunan at kalunsuran. Ngunit pagkatapos ng digmaan at sa pagbabalik ng US
forces, pinaatras at binanatan ang rebolusyonaryong pwersa. Tinanggal sila sa elective position, inaresto at
dinisarmahan.
Nagkulang ang Partido na ikonsolida ang base.
Sa kongkreto, nagkulang ang Partido sa gawaing edukasyon sa masa
kaugnay ng tunay na katangian ng imperyalismong US at sa neo-colonial na
balangkas ng estado.
Para maipamalas sa mamamayan ang tunay na sitwasyon, makonsolida at
makapagpalawak ng masang suporta, ang Partido ay nagkonsentra sa legal at
parlementaryong pakikibaka at nag-project ng pambansang demokratikong
programa at demanda, complete economic independence, pagtanggal sa US
bases, repormang agraryo, rekognisyon ng mga trade unions at prosecution ng
mga collaborators.
Para mai-partikularisa ang mga panawagan ng Partido at maisulong ang
mga objectives, binuo ng Partido ang PKM, ang bagong pederasyong Congress
of Labor Organizations at para sa 1946 pre-independence elksyon binuo nito
ang isang united front political party, ang Democratic Alliance na nagbalik
ng anim na kongresista sa kongreso.
Ang tagumpay na ito ay binigwasan ng bagong pamahalaan ni Manuel
Roxas na suportado ng imperyalistang Amerikano.
Tinanggal ang anim na kongresista batay sa trumped charges ng fraud
at coercion. Nangyari din ang
mga asasinasyon. Kaya
nabulabog ang Partido sa “mailed first” policy ni Roxas. Sa ilalim ng
ganitong kalagayan muling binuo at kinonsolida at nagpalawak ang Partido at
hukbo. Naghanda ito sa muling
paglulunsad ng armadong pakikibaka at nagpalawak sa Southern Tagalog at
Panay.
Noong 1948, naluklok sa pamunuan si Jose Lava na nais gawing
pangunahing anyo ng pakikibaka ang armadong pakikibaka habang patuloy na
inaasikaso ang hayag at legal na pakikibaka
Noong Enero 1950, idineklara ng Partido na may rebolusyonaryong
sitwasyon at nanawagan ito ng isang armadong rebolusyonaryong pagpapabagsak
sa “imperialist puppet regime” na pinamumunuan ni Elpidio Quirino.
Para sa partido, ekselente ang kondisyon bunga ng agrarian unrest sa
Central Luzon; bunga ng korapsyon sa gobyerno at pandaraya sa eleksyon; may
pinansyal krisis at naging salik din ang panalo ng Tsina sa kanilang
rebolusyon.
Ang tinukoy o na-define na pakikibaka sa yugtong ito ay “need of
completing the bourgeois democratic revolution” na napigilan sa panahon
ng American occupation.
Labis ang tiwala nila sa isang quick military victory kaya sa
paghihiwalay ng mga kadre naging islogan ang “see you in Malacañang.”
Ngunit dahil sa labis na pagmamadali ang islogang iyon ay naging
“see you in Muntinlupa.” Sa
maikling salita, nabigo ang Partido bunga ng labis na pagmamadali at
kawalan ng malalimang pag-aaral sa buong domestic, internasyunal sitwasyon
at konkretong balanse ng pwersa. Sa
yugtong ito, mayroon lamang silang 3,000 HPRs, 300,000 mass base at
kumikilos sa iilang rehiyon.
Ang bigwas ng reksyonaryong pamahalaan sa Partido ay inayudahan nang
husto ng CIA at US embassy officials na siyang nag-project kay Magsaysay na
naging Presidente at responsible sa mga land reform measures na nagpahina
sa baseng masa ng PKP.
Noong Oktubre 1950, nahuli ang Politburo na pinamumunuan ni Jose
Lava. Gayundin, nawasak ang
malaking bahagi ng kanilang hukbo. Ang
hulihan sa liderato at pagkabigo ng armadong pakikibaka sa kabuuan ay
nagdulot ng pangkalahatang demoralisasyon sa pwersa at paghina ng baseng
masa.
Kaya noong 1955, muling bumaling sa legal at parlamentaryong
pakikibaka ang Partido at binuwag ang natitirang ilang Huk units.
Ang itinira ay ilang yunit partisano.
Sa yugtong ito lumitaw ang gangsterismo nina Sumulong.
Si Jesus Lava ay pumalit kay Jose sa pamunuan.
Sa panahon ng late 1950s at maagang bahagi ng 1960s, masasabing
nawasak na ang Partido. Gayunpaman,
may ilang gawain pa rin ito. Naging
mabagal ang pagsulong ng gawain at malaki ang pagpapahalaga sa pagsuporta
sa Citizens Party at elektoral na pakikibaka noong 1957 at 1961.
Sa kabuuab pumalya ang Partido sa elektoral na pakikibaka.
Ang kolektibong buhay ng Partido sa yugtong ito ay nabuwag at
nagkanya-kanyang kilos ang ilang nalalabing susing kadre ng Partido.
Noong 1964, tuluyang nahuli ang Sec. Gen. ng Partido na si Jesus
Lava (mas eksakto ang sumuko).
Samantalang nagpupursige ang PKP sa
muling pag-revive ng hayag at legal na pakikibaka, sa yugtong ito
(mid sixties), ang PKP ay kinakailangan nang mag-ayos nang lubusan
hinihingi na ang komprehensibong paglalagom ng karanasan, ang pag-aayos ng
programa at pagbubuo ng bagong liderato sa pamamagitan ng isang pambansang
Kongreso.
Ngunit bago naganap ito, nagyari ang isplit.
Humiwalay ang grupo ni Jose Maria Sison at nagbuo ng panibagong
Partido noong Disyembre 26, 1968 batay sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao
Zedong.
Sa pangkalahatan, ang lumang Partido laluna sa panahon ng pamumuno
ni Evangelista ay sa batayan tapat sa saligang prinsipyo ng
Marxismo-Leninismo. Sinikap
nilang ilapat ito sa kongkretong kalagayan ng ating bansa.
Ang naging pagsusuri nila sa lipunan ay malakolonyal ngunit sa
saligan ay kapitalismo ang moda ng produksyon.
Ang naging direksyon ng kanilang pakikibaka ay ang pagkukumpleto sa
bourgeois democratic revolution.
Yinangkilik din nila ang alyansa ng manggagawa at magsasaka.
Sentral na tungkulin din nila ang maagaw ang poder pampulitika. Nais din nilang mapalaya ang bansa sa dominasyon at
kontrol ng imperyalistang Amerikano. Sa
kanilang karanasan naging isang mainit na usapin ang pagbabago-bago ng anyo
ng pakikibaka at anyo ng organisasyon habang hindi pa hinog ang kalagayan
para sa armadong pag-aalsa o insureksyon para maagaw ang poder pulitika
mula sa naghaharing uri.
Sa kabila ng mnga positibong pagsisikap, nabigo ang lumang Partido,
laluna sa pamumuno ng mga Lava sa pagsusulong ng rebolusyonaryong kilusan.
Batay na rin sa pananaw ng nalalabing liderato ng PKP, ang kabiguan
o pagkatalo ng pakikibaka nito ay bunga na rin ng malalang pagkakamali
nito. Nagkamali
sila sa
pagsusuring may
rebolusyonaryong
sitwasyon na tumungo sa adbenturismo; na-underestimate din nila ang
imperyalismong Kano at ang kahandaan at kapabilidad nitong mag-intervene;
malaking pagkakamali din ang hindi nila pagkakabuo ng isang broad na
pambansang demokratikong nagkakaisang prente; nalusaw ang mga legal na
organisasyon bunga ng pag-abandona ng legal na pakikibaka at pagkonsentra
lamang sa armadong pakikibaka.
Dagdag dito, nalimita sila sa iilang rehiyon; may papel din ang
impluwensya ng Comintern sa ilang pagkakamali ng liderato; labis ding
nagpahina sa kanila ang matinding anti-komunista at kontra-rebolusyonaryong
mga maniobra ng imperyalismong Kano (sa pamamagitan ng mga ahensya nito
tulad ng CIA) at lokal na naghaharing uri sa ilalim ng cold war era.
Siyempre, nais din nating banggitin na may papel din ang kakulangan
ng karanasan sa pamumuno.
B.
ANG
MULING PAGKAKATATAG NG CPP-MLMTT SA PAMUMUNO NI JOSE MARIA SISON
Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay muling itinatag ni Jose Maria
Sison matapos tumiwalag mula sa sinapupunan ng lumang PKP.
Tumiwalag ang grupo ni JMS mula sa lumang Partido nang hindi sila
magkasundo ni Lava sa nilalaman at pangangailangan ng rektipikason at
paglalagom sa karanasan na sumentro sa mga pagkakamali ng liderato ng mga
Lava; hindi rin sila nagkasundo sa teoretikal na batayan/gabay sa
pagrerebolusyon. Nilabanan ng mga Lava ang Maoismo at modernong
rebisyonismo na panatikong iginiit ni JMS.
Sa pagbabalik-aral sa kasaysayan ng Maoista-Stalinistang Partido ni
JMS, susubukan nating mailahad ang naging teoretikal at praktikal na
batayan sa pagtukoy nito ng direksyon ng rebolusyon; ang laman, class
character, target o kalikasan ng rebolusyon; at ang mga porma ng pakikibaka
na na-define.
Ang unang Kongreso ng muling pagkakatatag ng PKP ay sa katunayan
hindi naganap noong Disyembre 26, 1968.
Naganap ito noong January 9, 1969 sa isang bayan ng Pangasinan.
Guyunpaman, ang opisyal na ipinahayag ay naganap ito noong Disyembre
26, 1968 upang itaon sa ika-75 kaarawan ni Mao Tsetung, ang tinaguriang
dakilang lider ng rebolusyong Tsino.
Ang mga dumalo sa Kongreso ng muling pagkakatatag ay 12.
Ito ay binubuo nina Jose Maria Sison, Monico Atienza,
Rey Casipe,
Leoncio Co,
Manuel Collantes, Arthur Garcia, Herminihildo Garcia, Ruben Guevara, Art
Pangilinan, Nilo Tayag, Fernando Tayag at Ibarra Tubianosa. Si Jose Luneta na siya sanang pang-labintatlo ay nasa
Tsina ngunit ini-elect sa CC in absentia.
Tinanglawan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mai Tsetung ang muling
itinatag na Partido. Ang
Kaisipang Mao Tsetung ay itinuring na acme ng Marxismo-Leninismo.
Gayundin, Tinukoy din ang Stalinismo bilang bahagi ng teoretikal na
gabay.
Sa proseso ng pagbubuo ng Partido nito tinukoy at nilatag nito ang
pagpuna at pagtakwil sa maling linya nina Lava at Taruc; pinag-aralan ang
kasaysayan at kalagayan ng lipunang Pilipino, kung saan ipinirme na
malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipinas at itinakda ang
pambansang demokratikong rebolusyon, ang linyang makauri, mga tungkulin at
paraan ng pagkilos.
Kaakibat nito inilabas ang mga sumusunod na mga dokumento upang
tanglawan ang pagbubuo ng partido at pagsulong ngpambansangdemokratikong
rebolusyon: Rectify Errors and
Rebuild the Party, bagong Konstitusyon ng Partido; Program for a Peoples
democratic Revolution at ang Philippine Society and Revolution.
Sa konkreto, tinukoy dito ang mga estratehikong panawagan/islogan
tulad ng mga sumusunod: Isulong
ang DRB, Ibagsak ang imperyalismong US, Burukrata Kapitalismo at Pyudalismo,
at ang pagsusulong ng Digmang Bayan para makamit ang naturang layunin at
maistablisa ang pambansang demokratikong lipunan na malaya sa kontrol ng
imperyalismo, ang panginoong maylupa at pasismo.
Ang motibong pwersa ng rebolusyon ay ang uring manggagawa, magsasaka,
peti-burgesya at pambansang burgesya.
Namumunong uri ang manggagawa sa pamamagitan ng Partido at
pangunahing pwersa ang mga magsasaka.
Sa kanayunan ang pangunahing arena ng labanan dahil nandito ang
pangunmahing pwersa, ang magsasaka at ang suliranin sa lupa na siyang
nilulutas ng demokratikong rebolusyon ng bayan.
Ilulunsad dito ang sandatahang pakikibaka na may tatlong component,
ang pagbubuo ng baseng masa, paglulunsad ng agraryong rebolusyon at
pagbubuo ng hukbo. Ang hukbo
ang eksresyon ng saligang alyansa ng manggagawa at magsasaka.
Sa lahat ng anyo ng pakikibaka, kagyat na tinukoy ang sandatahang
pakikibaka bilang prinsipal na anyo ng pakikibaka at ang iba pang anyo ay
maglilingkod dito. Gayundin
ang gawain ng nagkakaisang prente na siyang kalasag ay maglingkod din sa
sandatahang pakikibaka. Sa
ibang pakahulugan ang Partido sa paglulunsad ng demokratikong rebolusyon ay
may tatlong magic weapons: Ang
pagbubuo ng Partido, paglulunsad ng sandatahang pakikibaka at pagbubuo ng
nagkakaisang prente. Kopya
mula sa karanasan ng rebolusyong Tsino ni Mao
Ilang buwan matapos ang Kongreso, itinatag ang NPA o BHB noong Marso
29, 1969 sa ikalawang distrito ng Tarlac.
Dumalo dito si JMS at siyam na kumander na tumiwalag sa gangster
clique ni Sumulong at Taruc. Ang
lahat ng mga dumalo rito ay ginawang kasapi ng Komite Sentral.
Ang BHB na naitayo sa yugtong ito ay binubuo ng 60 mandirigma na may
9 na automatic rifles at 26 na single shot rifles.
May baseng masa ito na 80,000 sa kanayunan habang may mga nakatayong
mainly students at workers organization sa kalunsuran.
Kagyat na sinimulan ang sandatahang pakikibaka matapos maitayo ang
BHB. Humaling na humaling sa gyera, adelantadong inumpisahan
ito; hanggang ngayon hindi
malaman ni JMS kung papaano ito ipagtagumpay at o tatapusin.
Salat ang batayan para sa paglulunsad ng digmang bayan noong
inumpisahan ito. Gayunpaman,
hindi ibig sabihin na mali ang magtaguyod ng AS, ngunit dapat tingnan ito
bilang ekstensyon, mas mataas na antas ng pampulitikang pakikibaka at dapat
nakalatag ang mga kalagayan para umpisahan at patindihin ito.
Upang higit na maintindihan ang naging takbo ng rebolusyonaryong
pakikibaka, baybayin natin ang yugto-yugtong pag-unlad nito nang may
paglalahad at pagsusuri sa mga pinakamamahalang pangyayari at patakaran sa
bawat yugto.
Unang Yugto (1968
– 1972): yugtong
pagkakatatag, pagpapalaganap ng mga dokumento ng kongreso, pag-aaral sa Mao
Tsetung thought; paguumpisa ng digmang bayan hanggang deklarasyon ng batas
militar;
Ikalawang Yugto (1972
– 1979): pagkakatatag ng
pasistang diktadura, at matinding atake sa kabubuong partido; pagpapalawak
ng PPW sa buong bansa; pag-umpisa ng malalaki at madalas na taktikal na
opensiba mula 1977; taktikal na opensiba; paglala ng hidwaan sa hanay ng
naghaharing uri na tumungo sa asasinasyon ni Ninoy; pagbulwak, pagdaluyong
ng atipasistang pakikibaka; mabilis na political isolation ng pasistang
diktadura na humantong sa pag-aalsang EDSA at tuluyang pagbagsak ng
pasistang diktadura;
Ikaapat na Yugto (1986 – 1992):
pagbalik ng burgis demokratikong paghahari sa pamamagitan ni Aquino,
tapos Ramos; mga hakbang para
sa muling pagkonsolida ng nahaharing sistema; tuloy-tuloy na paghina ng
rebolusyonaryong kilusan; paglabas ng Reaffirm at umpisa ng panloob na
debate;
Ikalimang Yugto (1992 – hanggang sa kasalukuyan):
pagbwelo ng panloob na debate hanggang nagkahatian, summit ng
oposisyon at ang pagkabuo ng RPM noong 1995.
1.
Sa unang yugto, ang kagyat na inasikaso ng kabubuong Partido ay ang
pagpapalaganap ng mga dokumento ng Kongreso, pag-uumpisa ng sandatahang
pakikibaka at pagpapalaganap ng mga batayang islogan, kaalinsabay ng
tuloy-tuloy na gawain sa kalunsuran, laluna sa hanay ng mga estudyante at
manggagawa.
Dapat unawain na nag-uumpisa ang muling tatag na Partido sa
kalagayang matagal na humupa ang rebolusyonaryong pakikibaka.
Gayunpaman bunga ng ilang paborableng salik, napabwelo ang kilusang
estudyante na humantong sa pagsiklab ng FQS at madaling nabuhay ang
damdamin ng malawak na mamamayan para sa rebolusyon.
Positibong mga salik sa pagputok ng FQS at pag-uumpisa ng
sandatahang pakikibaka, ang GPCR ng Tsina, pagsulong ng mga kilusang
mapagpalaya sa ibang mga bansa, paglaban sa agresyon ng US sa Vietnam at
pagnanais ng pagbabago ng mamamayan. Malinaw
ding naiguhit na muling naitatag na Partido ang rebolusyon laban sa
repormismo.
Sa yugtong ito (at kahit sa susunod pang mga yugto), malinaw na ang
mga tungkulin at taktika ng Partido ay naglilingkod at umiikot pangunahin
sa sentral na tungkulin na agawin ang poder pampulitika sa pamamagitan ng
digmang bayan. Kitang-kita ito
sa kagyat na pag-uumpisa ng mga taktikal na opensiba sa Tarlac, ang
paglulunsad ng isang ispesyal na proyekto na may layong patindihin ang
hidwaan ng mga reksyonaryong uri at pasiklabin ang pasismo,
at ang
makapagtayo ng
Yenan type
base sa Northern Luzon
atsumulong ng
paalon-alon. Inspirado din ito
ng konseptong “a single spark can start a prairie fire.”
Samantala, sa kalunsuran ang diin ay maisama ang mga aktibista na
produkto ng kilusang estudyante sa kanayunan;
naglunsad ng sunod-sunid na mga military training at hindi nabigyang
pansin ang pagharap nang husto sa Concon at pagsusteni ng FQS.
Mula rito, taktikang militar o gera ang nangungunang nilalaman ng
pamumuno ng Partido. Ang
Leninistang paraan ng pampulitikang pamumuno ay malabo na sa maagang yugto
pa lang ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Sa katunayan, makikita sa gawaing edukasyong ang katotohanang ito.
Mga akda ni Mao, laluna ang selected military writings ang
konsentrasyon ng pag-aaral sa yugtong ito; matindi din ang pag-aaral sa mga
kahinaan ng mga Lava at Taruc na may espesyal na atensyon sa military
weaknesses nito. Salat na salat sa pag-aaral ng mga klasik ni Marx,
Engels at Lenin. Magiging
tuloy-tuloy ang kahinaang ito hanggang 1990’s.
Ang salalayan ng pagtingkad ng PPW sa buong taktika ng pakikibaka ay
mauugat sa pagsusuring malakolonyal at malapyudal ang katangian ng bansang
Pilipinas. Ang ganitong
pag-iisip ay ibinunga ng pagkopya sa rebolusyong Tsino.
PPW sa Tsina dahil ito’y malakolonyal at mala pyudal.
Liban sa lumalakas na anti-imperyalistang sentimiyento, naging sapat
na dahilan ang isang ispesyal na proyekto at ang MV Karagatan para ipataw
ng reaksyonaryong estado ang pasistang paghahari – ang pasistang
diktadura ng US-Marcos.
Kagyat na inilunsad ang malawakang pasistang dahas laban sa
rebolusyonaryong kilusan, burges na oposisyon at sa mamamayan sa kabuuan.
Daan-daang lider aktibista at progresibong intelektuwal ang ipiniit.
Kasabay nito ay naghasik ng pasistang lagim sa kanayunan kung saan
malakas tayo (Isabela at Tarlac).
2.
Ang yugto mula 1972 – 1979. Sa
yugtong ito, dumanas sa maagang bahagi ng matinding pag-atras ang
rebolusyonaryong kilusan. Gayunpaman, mabilis na naka-adjust ang nabigla at
nadisorganisang pwersa nang ipataw ang pasistang paghahari.
Ang karamihan ng mga nalabi ay nagtungong kanayunan at nag-umpisa sa
pagbubukas ng mga larangang pandigma.
Ngunit marami-rami rin ang nalagas, nangawala at nagpahinga bunga ng
labis na pagkatakot at matinding pagpuna sa mga taktika ng Partido
Dahan-dahang bumawi ang rebolusyonaryong kilusan sa yugtong ito.
Mula 1972 hanggang 1975, tunay na nalagay sa napakahirap na
sitwasyon ang rebolusyonaryong pwersa.
Binakbakan nang husto ang mga naunang larangang gerilya, tulad ng
Isabela at Tarlac. Habang
nahirapan ang mga nag-uumpisa. Naging
signipikanteng salik sa ating pagsulong, ang pag-aalsang Moro sa pa sa
pamumuno ng MNLF pagkapataw ng batas militar dahil dito itinambak ang
malaking bahagi ng pwersang militar. Taong
1976 na nakaplastada ang marami. Sa
pagbawi at pagsulong, naging malaking salik ang poot ng mamamayan sa
pasistang estado at nakatulong din ang panawagan na “Ibagsak ang
Diktadurang US-Marcos,” ang “Specific Characteristics of Our People’s
War” at ang OUT.
Sa kabuuan, ang mga nilalaman ng mga nasabing dokumento ay pawang
mga saligan at pangkalahatang islogan.
Mga “estratehikong” islogan sa pakahulugang layon ay total
victory ng demokratikong rebolusyon ng bayan.
Gayunpaman, may positibong silbi ito sa umpisa ngunit kapos sa isang
pangmatagalang labanan.
Ang paguugnay-ugnay ng anti-pasista, anti-pyudal at anti-imperyalistang
kilusan ay naglalayong komprehensibo at buo ang projection ng national
democratic line. Hindi ito mga
taktikal na islogan na pumapatungkol sa isang taktikal na yugto at layunin.
Gayunpaman, sumulong ang kilusang masa sa kabuuan bunga pangunahin
ng mahusay na nagamit ang anti-pasistang pakikibaka-paglaban sa mga abusong
militar, Pagmonopolisa ng isang seksyon ng naghaharing uri ng poder,
paglalantad sa korupsyon at matinding krisis.
Dapat din nating banggitin na habang may mga tagumpay na tayo sa
unang yugto pa lamang sa gawain sa church sector, higit na tumingkad ang
positibong papel ng mga progresibo, demokratiko at maka-mamamayang seksyon
sa loob ng simbahan. Liban sa pagpasok sa Partido, pagpasok sa kanayunan,
pagbibigay ng pinansyal na tulong, gamot at seguridad sa mga nasa UG, ay
malaki ang naitulong ng mga nasa simbahan sa pagsulong ng antipasistang
pakikibaka sa kalunsuran.
Samantala sa kanayunan, nasamantala din dito ang military abuses at
government neglect. Sa
pamamagitan ng paglulunsad ng ilang agrarian reforms, social services,
rudimentary health care, justice, law enforcement at iba pang lokal na
serbisyo sa masa ay napalawak ang pangmasang suporta dito.
Ang pampulitikang lakas na nbuo sa pamamagitan ng mga naturang isyu
ang nagbigay ng pundasyon para sa pagsusulong ng gerilyang pakikidigma.
Taong
1975, muling napasigla ang kilusang manggagawa sa pamamagitan ng ehemplo ng
La Tondeña. Ang pagputok nito ay natulungan ng church sector.
Mula 1975 hanggang 1980 – 1983 ay tuloy-tuloy nang bumwelo ang kilusang masa sa buong bansa. Tampok dito ang pagkakabuo ng antipasistang nagkakaisang hanay at pagsiklab sa ispontanyong paraan ang kilusang masa noong 1978
Ang halalan para sa IBP noong 1978 ang nagbigay daan para mabuo ang
anti-pasistang nagkakaisang prente (LABAN).
Kasamaangrebolusyonaryong pwersa ng kilusang lihim sa MR sa prenteng
ito. Kita sa “noise barrage” noong April 6, 1978 ang bisa
ng anti-pasistang kampanya nang daluhan ito ng libo-libong mamamayan.
Ngunit bunga ng patakarang boykot ng KS, nagkaroon ng kalituhan at
problema sa pagsususteni ng kilusang ito.
Ang KR-MR ay pinuna ng oportunismo nang ito’y lumahok sa eleksyon
at ito’y tuluyang binuwag. Sa debateng ito, kitang-kita ang kamalian ng KS na
pagbanggain ang taktika sa “estratehiya” ng eleksyon at rebolusyon.
Samantala sa kanayunan, patuloy na lumalakas ang mga taktikal na
opensiba, laluna sa Samar. Dahan-dahang
lumaki ang pormasyong gerilya mula sa iskwad tungong platun at kumpanya.
Kaalinsabay ng pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan, naganap din
ang mga hulihan sa sentral na liderato.
Mula 1974-1975 hanggang 1977 naganap ang hulihan.
Ngunit, dapat banggitin na maagang bahagi pa lang ng 1970 ay marami
na ang nawala mula sa KS ng iba’t-ibang dahilan.
Sa kabuuan, masasabing nailatag ang mga rekisitos para sa
pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka sa buong bansa sa pagtatapos ng
1979.
3.
Ang yugto mula 1980 – 1986. Sa
yugtong ito, lalung dumalas ang mga opensibang militar sa buong bansa;
bumilis din ang political isolation ng pasistang diktadura sa yugtong ito
at lalung lumala ang hidwaan sa hanay ng naghaharing uri na humantong sa
asasinasyon ni Ninoy noong 1983; bumulwak at dumaluyong ang anti-pasistang
pakikibaka pagkatapos ng asasinasyon noong 1983.
Sa yugtong ito (1983) naganap ang malalaking rali sa halos lahat ng
mayor na urban centers. Sa
katunayan umabot ang mga raling ito sa Welgang Bayan na may kalakip na mga
partisanong aksyon. Ang
rehiyon ng Mindanao ang nanguna sa mga matitinding gerilyang aksyon sa
kanayunan habang bumubuwelo din ang kanilang
mga pol-mil na
aksyon sa kalunsuran.
Naganap din ang mga ganitong matitindi at malalaking WEBA at
opensibang gerilya sa iba pang rehiyon, tulad ng Negros.
Ang krisis na ibinunga ng asasinasyon ni Ninoy ay humantong sa
pag-aalsang EDSA at tuluyang pagbagsak ng pasistang diktadura.
Bunga ng mga hulihan, tunay na lumiit ang bilang ng sentral na
pamunuan ng Partido. Kaya mula 1979 – 1980 naganap ang kooptasyon.
Pinalaki ang KS by appointment.
Kaya noong 1981, idinaos ang 8th plenum na bago na ang
komposisyon ng KS. Wala nang
orihinal na kasapi ng Kongreso ang nakadalo dito.
Isang kumander na lang na kasama sa pagtatayo ng BHB ang naging
kasapi ng KS nina JMS ang nakadalo dito.
Sa 8th plenum nangyari ang debate hinggil sa estratehiya
at taktika. Marami na rito ang
may katanungan sa PPW sa Chinese type.
Ang debateng ito ang nagbukas para pag-isipan ang ibang paraan ng
pagsusulong ng rebolusyon. Ngunit
hindi ito na-consummate. Dahil
noong 9th plenum ng taong 1985 bumalik sa PPW ang KS.
Ang debate sa loob ng KS kaugnay ng estratehiya at taktika ay
ibinunga ng mga obserbasyon ng marami na hindi uubra ang Chinese type na
PPW. At marami ang kumbinsido
na mali na itali ang taktika ng pakikibaka sa lakas ng ating hukbo.
Nadadama na ng ilang mga KS members ang panganib ng military
gradualism kung laging babatay sa lakas ng hukbo at antas ng gera ang
pagtatakda ng taktika. Ngunit natalo ang mga ideyang ito.
Sa 8th at 9th plenum ng KS noong 1981 at 1985,
ang binalangkas pa ring programa ng pagkilos ay nakabatay sa PPW.
Ang masahol pa itinali sa subyugto ang pag-unlad ng PPW.
Sinundan nito ang pagsusubyugto ni JMS.
Mula 1968 – 1980, tinagurian itong early substage ng strategic
defensive stage. Mula 1983-up
ay pumasok sa advance substage. Ang
pangunahing sukatan dito ay ang laki at lakas ng hukbo at baseng masa sa
kanayunan.
Ang lahat ng mga tungkulin ay naglingkod at umikot sa military tasks
na ito. Sumunod at tapat lang
ito sa lohika na sandatahang pakikibaka ang prinsipal na anyo ng pakikibaka
at ang lahat ay dapat maglingkod dito.
Kaya napakaimposibleng isipin ang isang tunay na pampulitikang
pamumuno na mas nagbibigay pansin sa takbo ng tunggalian ng uri at
pampulitikang pakikibaka ng masa sa bawat pagkakataon o major turn ng
events kaugnay ng domestic at international political events.
Ang pagwawagi ng DRB, ang pagbagsak ng tatlong ismo, ang pagkamit ng pambansang demokrasya, ang total military victory ang laging sukatan ng mga patakaran at programa. Ibig sabihin, ang paglutasngprinsipalakontradiksyon ang laging nilalayon ng Partido sa bawat pagkilosnito.Ang lumihis dito ay repormista, opurtunista at nagdadala ng maling linya.
Kaya
nang bumulwak, nang dumaluyong ang anti-pasistang poot ng sambayanan
matapos ang asasinasyon ni Benigno Aquino, Jr. hindi magkandatuto ang KS
kung papaano imaksimisa ang pangyayaring ito.
Itinali sa pagbabagsak sa buong naghaharing sistema, sa buong
naghaharing uri ang mga panawagan nito.
Ang ibagsak ang US-Marcos na Diktadura at itayo ang DCG ay sa
katunayan pagpapanalo ng DRB.
Ang mga alyadong burgis na oposisyon ay inoobligang pumaloob sa
estratehikong layunin ng Partido. Sa
katunayan ang amorphous na kategoryang “LD” o liberal democrats na
dapat kabigin ng NDS mula sa pamumuno ng BR’s ay batay sa estratehikong
linya ng Partido ay isang ekspresyon nito.
Kaya sa kabila ng pagkakabuo ng maraming organisasyon, tulad ng JAJA,
then finally BAYAN, ay hindi nahigop ang pinakamalawak na oposisyon laban
sa pasistang rehimen. Ang
masahol pa, dahan-dahang naagaw ng burgis na oposisyon ang pamumuno sa
malawak na anti-pasistang kilusan.
Ang pagkakamali sa taktika ay pinatungan pa ng isang malubhang
pagkakamali ng binoykot ng KT-KS ang snap presidential eleksyon noong 1986.
Sa katunayan, hindi nabasa nang mahusay ng KS sa kanyang 9th
plenum ang mabilis na nagbabagong sitwasyon noon.
Hastening the downfall of the US-Marcos dictatorship pa rin ang
panawagan noon ng KS.
Ang patakarang boykot ay isang pagkakamaling ibinunga ng labis na
pagpapatampok sa general line at pagdidiin ng Chairman na may revolutionary
situation. Mali ang basa sa
taktikal na sitwasyon.
Kaya habang ibinababa pa lang ang desisyon ng KS at KT-KS, biglang
naganap ang pag-aalsang EDSA at bumagsak ang pasistang diktadura nang
walang malinaw na partisipasyon ang buong rebolusyonaryong pwersang
pinamumunuan ng Partido. Nawala tayo sa eksena
Naisantabi tayo sa kabila ng katotohanang tayo ang pinakamasugid,
pinakadeterminado at pinakamalaking rebolusyonaryong pwersa mula noong 1980
hanggang 1986. Bago
tuloy-tuloy na humina, naabot natin sa
dekada
80’s ang 35,000
party membership, 10 million mass base, 2 batalyon, 33 companies at 10,000
HPRS at libo-libong milisya.
4.
Ang sumunod na yugto, 1986 hanggang 1992, ay yugto ng tuloy-tuloy na
paghina ng buong rebolusyonaryong kilusan.
Labis na nalito ang pamunuan sa yugtong ito.
Kapos at mali-mali na ang tantiya sa sitwasyon at dapat na taktika.
Nagnanais humalagpos ngunit natali pa rin sa mga dating linya at
patakaran at mga tungkulin ang Partido; yugto din ito na naisaayos at
nakonsolida ng naghaharing uri ang sarili at muling ibinalik ang burges
demokrasya na paghahari
Bilang pagpapakita, naging kapos at mali-mali na ang mga sumunod na
mga taktika nang yugtong ito. Mga
halimbawa nito ang pagpasok sa peace talks at ceasefire nang walang malinaw
na objectives at political gains, ang sunod-sunod na pagtatangkang
makapagpasok ng mga armas mula sa ibang bansa na pumalpak, ang pagtakda ng
SCO at ang pananaw na nasa strategic defensive na ang pakikibaka, ang
onward to total victory noong 1988, ang LMLO noong 1990, ang pagsusuring
nasa terminal na krisis ang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistema at
nagtakda ng panibagong timeframe ng victory (10 years).
Sa yugtong ito binabagabag na rin ang Partido ng panloob na
tinggalian o debate kaugnay ng taktika.
Ngunit hindi ito naresolba o nalutas.
Naging urgent na rin ang komprehensibong paglalagom at pagdadaos ng
Kongreso ngunit hindi ito natuloy.
Maraming namumunong kadre ang nagtutulak na repasuhin na ang
programa, pangkalahatang linya, taktika at islogan, review sa mode of
produksyon. Ngunit ang lahat
ng mga ito ay hindi nabigyang pansin.
Kaya nang naganap ang mga maraming events tulad ng Concon ni Aquino,
ang total war, gradual constriction, ang sunod-sunod na kudeta noong 1987
– 1989 at ang sumunod na presidensyal na elekson, ay hindi mahusay na
nakaangkop ang Partido.
Sa gitna ng ganitong sitwasyon, biglang inilabas ni JMS ang kanyang
“Reaffirm . . .” noong Disyembre 1991.
Sa dokumentong ito simple ang paliwanag ni JMS sa lahat ng suliranin
at mga pangyayari sa kilusan at Partido.
Ang lahat ay mauugat sa hindi pagsunod ng Partido at mga kasama sa
mga saligang prinsipyo ng Partido sa saligang linya ng DRB, sa saligang
linya ng PPW, sa saligang linya ng PPDR at pambansang demokrasya.
Simple ang solusyon sa napaka-komplikadong sitwasyon: ang bumalik sa
sa mga saligang dokumento ng kongreso ng muling pagkakatatag ng Partido at
muling bubuwelo ang kilusan.
Ang makaisang panig, apriori at pagkahon sa isang balangkas, sa
isang blueprint, sa isang fixed direction ang mga karanasan ay ekspresyon
ng isang malalang sakit malalang sakit ng Maoismo at Stalinismo na
dala-dala ni JMS at ng lhat ng mga katoto nito.
Dapat suriin ang mga suliranin at karanasan ayon sa konkretong takbo
ng tunggalian sa uri, sa aktuwal na dinamismo ng pampulitikang pakikibaka
sa aktuwal na galaw at pag-uugnayan ng mga pwersa at mga pangyayari at sa
antas ng pampulitikang pakikibaka. Siyempre
kabilang sa kokonsidera ang konkretong lakas ng rebolusyonaryong pwersa,
sentimiyento ng mamamayan at ng kaguluhan sa loob ng naghaharing uri.
Hindi sapat at lalung hindi pwede ang ihulma ang pagsusuri sa isang
fixed at inaamag na balangkas. Higit
sa lahat, dapat nasuri ang mode of production at narepaso ang programa ng
Partido.
Nang ipinilit ng 10th plenum ang “Reaffirm . . .”
pinagliyab nito ang dati nang umuusok na tunggalian sa loob ng Partido.
5.
Kaya sa taong 1992 – 1993, naganap ang malawakang debate at
naisplit ang Partido. Mahigit
10,000 at maraming rehiyon ang tumiwalag sa Maoista-Stalinistang Partido ni
JMS nang hindi na niya pinakinggan ang pagdadaos ng unity congress.
Sa kabuuan, seryoso at malala ang mga pagkakamali ng Partido sa
pamumuno ni Sison. Itinaguyod nito ang Stalinismo at Maoismo, at hindi
Marxismo-Leninismo. Dogmatikong
inilapat sa bulgarisadong paraan ang karanasan ng rebolusyong Tsino.
Hindi naging malinaw at wasto ang pagsusuri sa mode of production
kaya itinakda ang
katangian ng
rebolusyon ng pambansang demokratiko imbes na sosyalismo.
Itinakda ang isang war strategy kung saan absoluto at permanente ang
pagtukoy sa AS bilang pangunahing anyo ng pakikibaka kaya hindi wastong
nakokombina at nagagamit ang mga forms of struggle batay sa mga pagbabago
ng kalagayan at sa pangangailangan. Di
nito masinsinang pinag-aralan ang pagbabago ng sitwasyon at ang reyalidad
kung uniiral ba ang isang rebolusyonaryong sitwasyon o krisis.
May kalituhang ginamit ang chronic crisis ng isang kapitalistang
bansa sa ilalim ng dikta ng dayuhang monopolyo kapital na batayan sa
pagtakda ng mga rebolusyonaryong panawagan at porma ng pakikibaka.
Nagawa nito ang pagkakamaling ultra left voluntarism sa larangan ng
pulitika.
Hindi rin kataka-taka na supilin nito ang oposisyon sa loob ng
Partido, ang hindi pagdadaos ng Kongreso at pagpapairal ng isang
burukratiko at absolutistang pamumuno sa pagtaguyod nito ng Stalinismo.
Mula 1993 – 1995, inasikaso ng mga lider ng oposisyon ang
pagkakaisa at ang muling pagtatayo ng Partido.
Ngunit hindi napagkaisa ang oposisyon bunga nga pagkakaiba ng
pananaw sa proseso ng muling pagbubuo ng Partido, pagkakaiba ng ideolohiya
at di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga lider.
Liban dito marami talaga ang anti-Partidong sumakay lang sa debate.
Gayunpaman, naidaos ang ideological summit na dinaluhan ng MR, CMR,
Negros, Panay at Samar noong October 1995.
Matapos ang pag-aaral at pagkakaroon ng panimulang pang-ideolohiyang
pagkakaisa sa mga saligang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo, nabuo ang isang
pambansang probisyunal na pamunuuan, ang PLB.
Habang gagampan ng pampulitikang pamumuno, ang paghahanda para sa
Kongreso ang pangunahing inatupag nito.
Ngunit dahil sa samut-saring dahilan hindi ito natuloy hanggang sa
mangyaring muli ang isplit sa loob ng organisasyon ng RPM.
Una dito ang isplit ng MR; sumunod ang split sa Negros; at ang di
tuluyang paglahok ng faction nina D sa kongreso na labis na kaduda-duda.
Pagkakaiba pa rin ng pag-unawa at pananaw sa ilang saligang usapin,
tulad ng demokratikong sentralismo, papel ng Partido sa kilusang masa,
direksyon ng pagkilos, katangian ng pakikibaka, proseso ng pagbubuo ng
Partido at qualities ng isang lider ng Partido ang dahilan o ugat ng mga
isplit na ito.
Tampok dito ang unproletarian praktis ni Popoy.
Labis niyang iwinasiwas ang kanyang peti-burgis na individualismo at
anarkismo na sumira sa demcen at committee system ng Partido.
Ang pinaka mabigat na akusasyon sa kanya ay ang pagmaniobra niyang
makaluklok sa legal, pinabayaan ang gawain sa Partido at ang tuluyang
pag-alis at pag-isplit ng RPM. Dapat
ding banggitin na sa summit pa lang, nais na ni Popoy na lusawin ang mga
gerilyang pormasyon. Hindi ito
kataka-taka batay sa linya ng pagsulong na dala-dala ni Popoy – ang
pag-asikaso lang ng industriyal/regular na manggagawa.
Kung aasikasuhin man ang ibang sektor ito’y para magamit lang sa
iba niyang adyenda na makasarili.
Sa kongkreto, samantalang may pagsisikap si popoy sa reoryentasyon,
bulgarisado din ang ilang ibinebenta nitong konsepto.
Sa kanyang counter thesis habang may ilang positibo, sa praktikal na
usapin, sa minimum ay kinakapon nito ang pampulitikang pamumuno ng Partido
at sa maksimum ay buwagin ang lihim na Partido; sa pagpokus sa industrial
na manggagawa ay naiiwan ang iba pang seksyon ng mga pinagsasamantalahan at
inaaping uri; sa pagpokus sa legal na gawain, inaabandona ang sandatahang
pakikibaka, gawain sa hukbo at gawain sa rural areas.
Ngunit sa kabila ng mga panggugulo ng mga Party wreckers, buo ang
pasya ng RPM na ituloy ang pagbubuo at pagtatatag ng Partido batay sa buhay
na pagsasapraktika sa unibersal na teorya ng Marxismo-Leninismo at mga
bagong aral ng pagsusulong ng rebolusyonaryong kilusang manggagawa.
Kalakip ng pangkalahatang tala sa kasaysayan at karanasan ng Partido sa ilalim ni Sison ay ilang apendises bilang ispesyal na seksyon, tulad ng gawaing internasyunal
Kaakibat ng muling pagbubuo ng Partido ay nilinaw din nina Sison ang
linya’t patakaran sa gawaing internasyunal.
Sa pangkalahatan, ang proletaryong internasyunalismo, anti-imperyalista
at kontra modernong rebisyunismo, ang gabay sa gawaing internasyunal o sa
pagbubuo ng relasyon sa tatlong antas:
partido sa partido, government to government, at people to people
Gayunpaman,
ang gawaing internasyunal mula sa Kongreso ng muling pagtatatag hanggang sa
9th plenum ay lubhang natali sa pakikipagrelasyon sa Tsina at sa
partido dito. Solido at
lubhang malapit ang relasyon ng Partido ni Sison sa Partido Komunista ng
Tsina, laluna noong buhay pa si Mao Zedong.
Makikita ito sa pagtulong ng Tsina sa pagpapadala ng armas at
pinansya at pagkakaroon ng opisina ang Partido dito na pinamumunuan ng mga
nangungunang kadre ng Partido bilang opisyal na delegasyon ng Partido.
Ang pagkalulong sa ugnayang Tsina at Partido dito ay natural na
bunga ng pananaw sa Kaisipang Mao Zedong bilang acme ng Marxismo-Leninismo
at pagkonsidera na ang Tsina ang sentro ng pandaigdigang rebolusyon.
Sa katunayan sinunod ng Partido ni Sison ang linya ng PKT sa halos
lahat ng usapin.
Tulad ng PKT, itinuring nating makabagong rebisyunista ang Partido
ng Rusya at ang pagtatak sa kanilang sosyal-imperyalista.
Noon lamang 9th plenum, nagbukas ang Partido na muling
pag-aralan ang usaping ito. Ngunit
hindi na natapos ang pag-aaral hanggang tuluyang bumagsak ang Partido sa
Rusya at maging sa mga bansang eastern Europe.
Ang ugnayan sa Tsina ay dahan-dahang dumausdos o umatras pagkatapos
I-lift ng Tsina ang bamboo curtain at ng Nixon visit noong 1972.
Sa yugtong ito, sinarhan ang opisina, inihinto ang Philippine
broadcast sa Radio Beijing hanggang sa magbigay na lang ang Tsina ng
humanitarian aid sa mamamayang Pilipino thru sa Partido.
Ang nangyari sa mga kadre ay boluntaryong pumunta ng Lebanon at
Holland; habang ang iba ay nanatili sa Beijing thru legal assimilation;
then ang iba ay dahan-dahang umuwi sa bansa.
Noong 1973, dahan-dahang umuunlad ang nagkakaisang hanay na gawain
at naitayo ang NDF. Nag-umpisa
ang internasyunal na gawain ng NDF na nakapokus sa people to people
relation.
Noong 1975, ang ating Partido ay sumuporta sa Khmer Rouge, nilabanan
ang Vietnamese interbensyon sa Cambodia sa katindihan ngPolpot-led
genocide. Habang ganito
tumahimik naman ang Partido sa usapin ng genocide na ginagawa ni Polpot.
Noong 8th plenum, napagpasyahan na ibuwelo ang gawaing
internasyunal; tumukoy ng iba’t-ibang rehiyon sa mundo nakokonsentrahan.
Nagkaroon ng mga tagumpay dito, ngunit limitado lang
ito sa
mga minor na
non-ruling
paties at mga organisasyon, ilang liberation movements at people to peop
Noong 9th plenum bunga ng mga pangangailangan ng
pakikibaka, ay pinagpasyahang bigyan ng karampatang tutok ang gawaing
internasyunal. Sa yugtong ito,
nagbukas ang partido na ituring ang Rusya bilang sosyalista at ang Partido
nito bilang isang ML ngunit kailangang ipirme matapos ang malalimang
pagbabalik-aral at pagsusuri. Ngunit
tulad ng nabanggit na hindi ito natapos hanggang bumagsak na lang ang
Partido sa Rusya at maging sa Eastern Europe. Kaya sa usaping ito ay nagkaroon ng magkaibang pananaw
sa ranggo ng Politbu
Upang higit na mailarawan ang gawaing internasyunal, babaybayin
natin dito ang mga developments mula 1981
Noong 1981, sa kabila ng komprehensibong programa sa gawaing
internasyunal at pagdiin na magpalawak ng relasyon, hindi ito lubusang
napang hawakan ng yunit ng Partido at ng NDF.
Natali ang NDF sa overseas Filipino work at international
solidarity; ang ilang mga naipadalang mga kadre sa labas ay natali sa
pagaaplika ng refugee status; ang naging konsentrasyon lang ay Western
Europe, laluna sa Holland. Lahat
ng mga kadre dito ay nag-apply ng refugee status para mamentina ang
kanilang legal na status. Samantalang
ang iba ay nag-asawa ng mga solidarity allies
Noong 1981 – 1982 ay naistablisa ang quasi-government to
quasi-government relation sa pagitan ng NDF at PLO.
Mahusay ang relasyon na naistablisa na tumungo sa pagbibigay ng PLO
ng iba’t-ibang anyo ng tulong mula sa armas at pagbibigay ng training sa
ating pwersa. Sa yugto ding ito, naibwelo natin ang international
solidarity work laban sa militarisasyon at pasismo sa bansa; nakaya nating
mapadagsa ang foreign aid thru sa mga NGOs kung saan isinesentralisa ng
Partido ang pondo hanggang sa puntong hindi nagkaroon ng project reality
ang mga NGOs.
Noong 1984, nagpalabas tayo ng NPA representative na naka-attach sa
NDF international office. Ngunit
dahil hindi naging malinaw ang trabaho, naging limitado ang naging gawain
nito sa gawaing propaganda at pagpapaunlad ng ugnayan sa PASOK (Greek
Socialist Party
Noong 1986, kaugnay ng kapasyahan ng 9th plenum, at
euphoria sa pagbagsak ng diktadurang Marcos, bumuwelo ang gawaing
internasyunal. Malaki ang
naitulong ng GC-NPA sa pioneering efforts sa government at
Party
Sa
konkreto naisagawa ang mga sumusunod:
a)
pagbubukas ng relasyon sa Workers Party of Korea (party to party);
b)
pagbubukas ng relasyon sa PFLP (Habash faction ng PLO);
k)
pagbubukas ng relasyon sa PFLP-GC (Jebril faction ng PLO);
d)
pagbubukas ng relasyon sa gubyerno ng Libya (hindi sa NDF at Partido);
e)
pagbubukas ng relasyon sa Socialist Alliance of the Working People
of Yugoslavia (SAWPY);
g)
pagbubukas ng relasyon sa DFLP (Hawatmeh faction ng PLO – ito ang
Maoist faction ng PLO);
h)
pagbubukas ng relasyon sa JRA;
i)
pagbubukas ng relasyon sa ASALA (Armenian Secret Army for the
Liberation of Armenia);
l)
pagbubukas ng relasyon sa FSLN (Sandinista in Nicaragua);
m)
pagbubukas ng relasyon sa PCS (CP ng El Salvador).
Mula noong 1987 – 1989, umunlad ang relasyon sa mga nabanggit sa
itaas at tumungo ito sa kritikal na kooperasyon at pagtutulungan.
Gayundin, nadagdagan pa ang nabuksang relasyon.
Sa partikular, bunga ng pursigidong pagsisikap, pangunahin ng GC-NPA,
nakuha natin ang komitment ng ilang bansa at Partido sa pagbibigay ng
pinansyal na tulong, armas at treyning sa pwersa ng NPA.
Naestablisa din ang mga front trading companies sa Hongkong, Belgium
at Yugoslavia.
Nabuksan din ang relasyon sa Albania; at nadalaw din ng NDF at GC
ang Zambia, Tunis at Tanzania; kaugnay ng pagpasok ng armas mula sa mnga
nagkomit may ginawang technical explorations sa Poland at Vietnam.
Nakapagpadala din ng mga representatives ng NDF at GC sa Cuba.
Sa yugtong ito, pormal na pinag-iba ang tungkulin ng NDF at ng ID ng
CC na nakabase lahat sa Holland. Liban
sa pagbubuo ng Partido sa Holland, naipadala din ng NDF ang mga country
representatives nito sa Germany, France, Italy, Greece, Ireland, US, Sweden
at sa Middle East.
Noong 1990, nagpatuloy ang pagsisikap na makapagbukas ng relasyon sa
Sobyet bloc ngunit na-reject tayo. Nagsikap
din ang NDF na magbukas ng relasyon sa Iraq sa kasagsagan ng Desert Storm
ngunit pumalya ito. Ang GC-NPA
ay nagkaroon ng
di-opisyal na
explorations sa Bulgaria,
Romania,
Algeria, Panama, Peru at Brazil; nakapag-establisa ito ng working
cooperation sa peruvian Communist Party (Patria Roja), working cooperation
with MIR (Chile) sa Cuba, working cooperation sa JRA at sa Algerian
military.
Mula 1992, bunga ng debate at tuluyang pagka-isplit ng Partido at sa
naging epekto ng pagbagsak ng Partido sa Unyong Sobyet at sa Eastern
Europe, naapektuhan nang todo ang gawaing internasyunal ng Partido.
Sa yugtong ito ay nagyari ang pagsasara ng opisina ng NDF at GC sa
Libya; nagkaroon ng mass resignation ng NDF country representatives sa
Western Europe; dissolution/reorganization ng NDF international; drastic na
pagliit ng solidarity work; pagkalas at pagdeklara ng independence ng mga
solidarity groups sa Holland, Greece, France at Germany mula sa CPP at NDF.
Naputol din ang ugnayan sa North Korea, Cuba, Peru, El Salvador,
PFLP, DFLP, PLFP-GC, JRA, ASALA at pagsasara ng lahat ng trading companies
abroad.
Sa
kabuuan, marami ang nakamit na tagumpay sa gawaing internsyunal, laluna
pagkatapos ng 9th plenum. Ang
gawain sa labas ng bansa ay ibinunsod din ng pangangailangan ng pagtataas
ng antas ng PPW. Malaki ang naging papel dito ng GC-NPA. Ngunit mabilis din itong umatras laluna sa proseso ng
debate sa loob ng Partido at sa isplit na nangyari at sa pagbagsak ng mga
Partido sa Unyong Sobyet at Silangang Europe.
Dapat malalimang masuri at malagom ang karanasang ito.
Mula noong mahati ang Partido, nagpatuloy ng kanya-kanyang
solidarity work ang iba’t-ibang paksyon.
Ang RPM sa gabay ng proletarian internationalism, anti-imperialism
at pag-aaral ng mga kadahilan ng pagbagsak ng Partido Komunista sa Unyong
Sobyet at Eastern Europe at pagtakwil sa Stalinismo at Maoismo, ay
nagsasagawa din ng international work sa kasalukuyan at nagsisikap na
makapag-establisa ng people to people, government to government at party to
party relations. Sa kabuuan,
nasa inisyal na yugto ang pagsisikap na ito ng RPM.
KARANASAN SA ANTI-IMPILTRASYON NA KAMPANYA
Madilim at mapait na bahagi ng kasaysayan ng Partido ang mga
nailunsad na kampanya laban sa impiltrasyon ng kaaway.
Ang mga napatunayang mali ay ang Kampanyang Ahos sa Mindanao noong
1985 – 1986, ang Operation Missing Link
sa Southern
Tagalog at
Olympia sa
MR
constitution journal caricature